John Estrada happy about settling issue with ex-wife Janice de Belen

Ito ang payo na ibinigay ni John Estrada sa anak na si Inah, na pumasok na rin sa showbiz: "Galingan niya ang craft niya at seryosohin niya ito ’cause this is not an easy job. Be professional at ang gusto kong gawin niya ay makisama siya, maging mabalit siya, lalung-lalo na sa mga utility at sa mga tagahanga niya dahil yun ang mga mag-aalaga sa kanya."


Masaya ang aktor na si John Estrada dahil nagkaayos na sila ng kanyang dating asawa na si Janice de Belen.

Malalim ang ugat ng hidwaan sa pagitan ng dating mag-asawa.

Naghiwalay sila noong 2001 pagkatapos maugnay ni John sa dating TV host-actress na si Vanessa del Bianco.

Na-annul ang kanilang kasal noong 2004.

Nagpakasal si John sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles noong 2011, habang si Janice ay nananatiling single hanggang ngayon.

Isa pa sa mas lalong nagpabigat sa problema ng dalawa ay nang magpahayag si Janice sa isang panayam noong nakaraang taon na hindi tama ang suportang natatanggap niya mula kay John para sa kanilang apat na anak na sina Inah, 22; Moira, 21; Kaila, 18; at Yuan, 16.

Ngunit kinontra naman ito ng Kapamilya actor.

Sinusunod daw niya ang napagkasunduan nila sa korte tungkol sa child support. Yun nga lang, minsan ay nadi-delay ang pagbibigay niya ng sustento para sa kanilang mga anak.

Read: Janice de Belen on John Estrada’s denial of her accusations: "Di ba, natural naman yun? Wala naman yata umaamin, e."

Sa ngayon ay nagkausap na ang dating mag-asawa at naging maganda ang kinalabasan nito.

Sabi John, nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Trophy Wife noong July 10, "Yeah, I’m so glad to tell you, guys, na okay na kami ni Janice.

"Nag-uusap na kami and our kids are so happy para sa aming dalawa.

"Sa tagal naming... masaya ako ngayon na, yun nga, nag-uusap na kami at wala na akong mahihiling pa.

"So, sana tuluy-tuloy na ito dahil para rin naman talaga ito sa mga anak namin."

Paano nagsimula ang kanilang pagbabati?

Sabi ng 41-year-old actor, “Paano nga ba?

"Wala, biglaan lang yun, noong gusto ngang pumasok sa showbiz ng anak naming si Inah.

"Dun kami nagsimulang mag-usap dahil alam niyang kailangan ng anak namin ang gabay namin bilang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda rin na nangyari ito... matagal na rin, it’s been thirteen years.

"Masaya na ako na lahat ay maayos na."



INAH JOINS SHOWBIZ. Ngayong bahagi na ng Star Magic family si Inah, ano naman ang payong ibinibigay ni John sa anak bilang beterano na ang aktor sa showbiz?

Tugon ni John, "Yun nga, part ng napag-usapan namin ni Janice ay kung sino ang magiging manager niya.

"So, she signed up sa Star Magic at kasama na nga siya dun sa Wansapanataym na gagawin nila.

"Isa lang ang sinabi ko sa kanya. Galingan niya ang craft niya at seryosohin niya ito ’cause this is not an easy job.

"Be professional at ang gusto kong gawin niya ay makisama siya, maging mabalit siya, lalung-lalo na sa mga utility at sa mga tagahanga niya dahil yun ang mga mag-aalaga sa kanya."

Pagdating sa mga intrigang maaaring ipukol sa kanyang anak, ano naman ang masasabi niya tungkol dito?

Pahayag ni John, "Well, wala pa siya diyan dahil bagung-bago pa siya.

"But, I’m sure, me and Janice would be there to guide her, to protect her.

"Pero medyo matalino naman ang anak ko, so alam na niya dapat ang dapat niyang gawin.

"Saka na namin puproblemahin ’yan."

Paano kung bigyan ito ng ka-loveteam, payag ba siya bilang isang protective father?

Nakangiting sabi ng aktor, "Yun nga ang problema ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head].

"Hindi... ano, kasama naman talaga ’yan. Yung loveteam-loveteam na ’yan, yung ligaw-ligaw na ’yan.

"Pero ako naman, kung nakikita ko bilang ama ay tama naman ang lalaking yun na nanliligaw sa kanya at may respeto sa mga magulang niya, may respeto sa kanya, hindi magiging problema."

Totoo bang maging ang kanyang anak na si Kaila ay gusto na ring sumunod sa kanilang mga yapak? Papayagan ba niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni John, "Hindi naman ’ata. Nag-usap kami na parang ayaw niya.

"Pero kung magpapahiwatig siya, walang problema sa akin.

"Sinabi ko naman sa kanila na this is a decent job, hindi naman sila magnanakaw.

"Kung talagang nasa puso nila, wala akong magagawa, basta ayusin lang nila."



MARRIED LIFE. Sa personal naman niyang buhay, masasabi raw ni John na tahimik ngayon ang kanyang married life.

Matatandaang early this year ay nag-post ng isang quotation sa Instagram ang kanyang misis na si Priscilla na ang nakalagay ay: "There is a difference between giving up and knowing when you had enough."

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na mayroon silang marital problem.

Pero ayon na rin kay Priscilla, ginagawan na nila ito ng paraan at normal na sa mag-asawa na magkaroon ng misunderstanding paminsan-minsan.

Isa sa naging reklamo ni Priscilla ay ang kakulangan ng oras ng kanyang mister para sa kanilag pamilya.

Read: Priscilla Meirelles clarifies rumored marital problems with John Estrada

Pahayag naman ng award-winning actor sa tonong nagbibiro, "Hindi ko maalala yun.

"You know, lahat naman ng marriages ay dumadaan sa ganun, sa lubak, ’di ba?

"Pero I made sure na ’wag manatili ang lubak na yun.

"We tried to work on it every day, so we’re happy. We’re happy now.

"Hindi namin kami perpekto o yung married life namin, but there’s no such thing as perfect.

"Ang mahalaga, inaayos namin at iniintindi namin ang isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN