Irma Adlawan lambasts PNoy for dropping Nora Aunor as National Artist awardee

Bilang isang alagad ng sining at tagahanga sa Superstar na si Nora Aunor, labis na kinuwestiyon ng award-winning actress na si Irma Adlawan ang hindi pagkakahirang nito bilang National Artist. Ayon pa kay Irma, baka raw Vilmanians ang advisers ng Pangulong Noynoy Aquino kaya hindi nasama sa listahan si Ate Guy.


Naging matapang ang mga pahayag ng aktres na si Irma Adlawan kaugnay ng hindi pagkakapili sa Superstar na si Nora Aunor bilang National Artist ngayong taon.

Bagamat highly-recommended ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) si Nora upang maging National Artist ay nagdesisyon si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na tanggalin sa listahan ang Superstar.

Ayon sa Saligang Batas, ang Pangulo ang siyang may huling salita sa paggagawad ng naturang pagkilala sa mga alagad ng sining.

Ang ginawang basehan ni PNoy sa kanyang desisyon upang tanggalin sa listahan si Nora ay ang pagkakasangkot ng aktres sa isyu ng droga.

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

Aminado naman si Irma na isa siyang Noranian, pero hindi pa raw sila nagkakatrabaho.

Sabi niya, "I was part of the drama club of CCP before bago ako talaga nag-full blast [sa showbiz], so theater naman talaga ako."

Tungkol sa pagkakatanggal sa listahan ni Nora, sabi ni Irma, “Matagal nang problema ‘yan ng CCP at NCCA, kasi ang mga Presidente talaga, merong mga…

"Hindi mo naman sila maku-question kasi it’s still a prerogative of the President who he will choose, even…

“Matagal nang inilalaban ’yan ng NCCA.

"Bago pa ang isyu kay Ate Guy, matagal nang issue ‘yan na ngayon lang lumabas, kasi si Ate Guy.

“Pero matagal na ‘yang problema nila.

"Na ang isang artist will undergo the proper channels of being nominated, ’tapos dadaan sa panels, ’tapos napili nila, ibibigay nila sa Presidente.

"Pagdating sa presidente, X.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Irma sa set visit ng GMA series na My BFF, sa Semicon Building, Marikina City, ngayong araw, July 18.



NOT THE FIRST TIME. Ayon pa sa batikang theater/movie/TV actress, hindi ito ang unang pagkakataong may mga kahalintulad na pangyayari sa pagkakabinbin ng pagkahirang ng isang shortlisted candidate para sa pagka-National Artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Irma, “Marami na. ’Tapos yung hindi dumaan sa proseso, biglang inilagay, ‘di ba?

"This is the case of Carlo J. Caparas, alam naman ng lahat yun, e... the wife of Senator Heherson Alvarez, Cecile Guidote.

"Yun yung... wala sila [sa mga shorlisted], biglang lumabas.

"So, alam mo talagang pulitikang-pulitika, na nilakad.

“Kaya nga nag-stop ang National Artists [Committee] kasi dati marami nang ganun nga, e, na inilista ’tapos hindi nakapasok, na hindi naman inaprub ng CCP o NCCA.”

Taong 2009 nang nahirang sina Carlo J. Caparas, Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, at Pitoy Moreno bilang National Artists.

Lumikha ito ng ingay sa industriya at nagkaroon pa ng ilang pagprotesta ang ilang industry movers at National Artists.

Taong 2013, ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang naging desisyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at binawi ang iginawad na parangal sa apat.

Read: Supreme Court invalidates National Artist Awards on Carlo Caparas, Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, and Pitoy Moreno

PNOY SUPPORTER. Noong kampanyahan para 2010 elections, isa raw si Irma sa masugid na nangampanaya para sa noo’y senador pa lang na si Noynoy Aquino bilang Pangulo.

Galit ba siya kay PNoy dahil sa pagtanggal nito kay Nora sa listahan ng National Artists?

Tugon ni Irma, “Actually, hindi ako galit sa kanya.

"Kaso napu-frustrate na ako sa kanya, ‘coz I am an avid supporter of him.

"Kinampanya ko siya, even my card has the yellow ribbon."

Nagsisisi ba siya sa ginawa niyang pangangampanya noon kay PNoy?

“Alam mo, parang sayang ang pagsisisi.

"Parang dapat, siguro ang sabihin, matuto tayo imbes na magsisi.

“Dapat matutunan natin kung ano yung mga pagkakamali natin, pero nakakasakit ng loob, kasi akala mo nakakuha ka na ng isang taong honest at gagawa ng tama, ’tapos hindi rin pala.

“So, parang nakakawala ng pag-asa sometimes, kasi parang ang ano natin, kahit sinong ilagay mo sa puwestong ‘yan, magiging corrupt, masama, at mayabang ang kakalabasan nila no matter how good the foundation is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just imagine, a person who came from Ninoy, from a Cory, ganun din lumabas, ‘di ba?

“So, siguro kahit gaano kalakas ang foundation mo, ’pag pinaligiran ka na ng mga talagang… wala din palang mangyayari.

"Nakakaiyak. Naaawa ako sa Pilipinas."

Sa tingin niya ba ay napulitika si Nora kaya hindi ito nahirang na National Artist?

Natatawang sabi ni Irma, “Well, sabi ko nga, joking aside, yung mga advisers niya [PNoy], Vilmanian siguro!

"Na, parang, ‘Huwag mo pirmahan ‘yan, hindi siya karapat-dapat, kasi durugista, kasi manginginom, kasi maraming failed relationships, kasi ganito, ganyan-ganyan.’

“Pero come to think of it, wala naman talagang perpekto, ‘di ba?

“E, sayang. Sabi nga nila, masyadong matigas ang ulo ng Presidente natin, ang akala niya, siya ang tama.

“Actually, we don’t know, e. Kasi ’pag andun ka na, yung pumapalibot sa ’yo, bago may makarating na information, yung sina-sanitize muna nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN