Ryan Bang disapproves of Terrence Romeo for Vice Ganda

It’s important to Ryan Bang that Vice Ganda’s future partner is someone his age. He explains, “Yung totoo, gusto ko mas ka-age ni Mommy. Gusto ko malaman na totoong mahal niya si Mommy. Basta sigurado ako na totoo na mahal niya si Mommy, susuporta ako.”


“Hindi ako boto kay Terrence [Romeo],” ilang beses na inulit ni Ryan Bang nang tanungin tungkol sa PBA player na nali-link sa co-host niya sa It’s Showtime at kaibigan na si Vice Ganda.

Dahil madalas banggitin ni Vice na anak-anakan niya si Ryan, hindi naiwasang matanong ang Korean comedian tungkol sa basketball player na na-link sa kanyang "Mommy"—ang tawag naman nito kay Vice.

Matatandaang noong Mayo ay lumabas ang balitang idinenay ni Terrence ang diumano’y relasyon nila ni Vice.

Ito ay matapos mag-post ni Vice sa Twitter ng "It’s over," na agad inakala ng mga nakabasa na patungkol sa kanyang lovelife.

Read: PBA player Terrence Romeo addresses rumors of relationship with Vice Ganda

Sa kabila nito, nilinaw naman agad ni Vice na wala siyang binanggit na anumang pangalan. Gayundin, wala umano siyang sinabing may relasyon sila ni Terrence.

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial

Nang tanungin si Ryan tungkol sa isyung ito, sagot ng dating Pinoy Big Brother housemate, “Yung totoo, hindi ako boto kay Terrence.

“Pero mag-support ako kung saan masaya si Mommy.”

Paliwanag niya, “Hindi ako boto kay Terrence kasi nakita kong nasaktan yung mommy ko dahil kay Terrence.

“Nagagalit ako, hindi ko alam kung bakit, pero kasi mahal ko ang mommy ko, ayaw ko siyang masaktan.

"Kahit sino man, magagalit talaga."

Hindi nilinaw ni Ryan kung may ugnayan pa sina Vice at Terrence hanggang ngayon.

Pero sabi niya, “Si Terrence kasi hindi ko pa siya na-meet, honestly.

“Pero kung masaya si Mommy kay Terrence, susuportahan ko si Mommy.

“Siyempre, lahat naman, kapag happy ang mommy niyo, lahat kayo gusto naman.

“Ayaw ko maiyak ang mommy ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Ryan sa press conference para sa teleseryeng Hawak Kamay kaninang tanghali, July 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOMMY DEAREST. Kung si Ryan ang tatanungin, gusto niya sana na ang susunod na maging boyfriend ni Vice ay kaedad rin nito.

“Yung totoo, gusto ko mas ka-age ni Mommy.

“Gusto ko malaman na totoong mahal niya si Mommy.

“Basta sigurado ako na totoo na mahal niya si Mommy, susuporta ako,” aniya.

At kung may magbakasakaling ligawan si Vice, pakiusap ni Ryan, “Kung sino man ang manligaw kay Vice, sana totoo kay Vice.”

Diin pa niya, “Alam niyo, kung saan masaya ang mommy ko, suportahan ko siya.

“Kapag nasaktan mommy ko, magagalit talaga ako.

“Basta kapag masaktan mommy ko, masasaktan din ako.”

Sa huli, tinanong ng entertainment reporters si Bang kung may bagong karelasyon na si Vice.

Natawa si Ryan at sinabing, “Hindi naman bago, yung luma!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN