Heart Evangelista dismisses reported rift with Alessandra de Rossi: "Okay kami."

Iginiit ni Heart Evangelista (kaliwa) na wala silang problema ng kaibigang si Alessandra de Rossi (kanan). Pahayag ni Heart, "I think it’s such a stupid, petty thing na pag-awayan. Wala naman akong kinunfirm na anything. I think naman, ang paniniwala ko, matatag ang aming friendship at malalim ang aming pinagsamahan para lumaki ’to. Siguro yun na rin ang test of friendship kung pag-awayan niyo ang maliliit na bagay kung hindi niyo maayos."


Iniiwasan ni Alessandra de Rossi na pag-usapan ang tungkol sa nababalitang hidwaan nila ng kaibigang si Heart Evangelista.

Nagsimula ito nang mag-guest si Lovi Poe sa Startalk noong July 5, kung saan inamin nito kay Lolit Solis ang relasyon nila ni Rocco Nacino.

Read: Lovi Poe finally admits relationship with Rocco Nacino

Bilang isa sa hosts ng programa, sumali si Heart sa usapan at nabanggit niyang dapat umamin na rin si Alessandra at ang nali-link ditong si Sid Lucero.

Pagkatapos nito, napabalitang nagalit daw si Alex (palayaw ni Alessandra) sa ginawa ni Heart.

Sa July 9 episode ng morning program na Basta Everyday Happy, tila may pinapasirangan si Alex nang tinanong siya ng co-hosts niyang sina Gladys Reyes at Donita Rose tungkol sa latest na magaganap sa primetime series na kinabibilangan ng aktres, ang Ang Dalawang Mrs. Real.

Ginagampanan dito ni Alex ang papel ng matalik na kaibigan ni Maricel Soriano.

Sabi ni Alex, “Kapag nangako ka sa kaibigan mo na hindi mo sasabihin ang sikreto niya, hindi mo talaga sasabihin, ‘di ba?

“Kasi pinagkatiwalaan ako ng kaibigan ko, so siyempre importante yung salita ko sa kanya.

“Dapat ganyan din kayong klaseng kaibigan.”

Kinabukasan, July 10, sa pocket presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex tungkol sa sinabi niya sa Basta Everyday Happy, pero tinalikuran niya kami.

Ayaw na raw niyang magsalita at wala siyang sagot sa tanong tungkol sa friendship nila ni Heart.



LOVI POE. Sabi naman ni Lovi Poe, na matalik ding kaibigan nina Alex at Heart, tingin niya ay walang ganung tampuhan ang dalawa.

Malalim na raw ang kanilang pagkakaibigan, kaya hindi ang isyung ito ang makakasira sa kanilang relasyon.

Sabi ni Lovi, “We’re more than just friends, ha? We’re sisters.

“Sisters are… ibang level ang relationship ng friendship namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Lovi, pagdating sa personal na isyu ni Alessandra ay mas gusto niyang pribado ito at hindi na kailangang pag-usapan.



HEART’S SIDE. Nilinaw naman ng PEP kay Heart ang isyung ito sa kanila ni Alex.

Nakarating daw sa kanya ang ganung kuwento kaya kaagad niyang tinawagan ang kaibigan.

Pahayag ni Heart, “Sabi ko lang sa kanya na, ‘Ano, na-bother ka ba sa sinabi ko?’

“Sabi niya, ‘Hindi… hindi. Ayoko na lang talaga pag-usapan.’

“Ayaw niyang pag-usapan ang personal life.”

Napagtanto raw ni Heart na sensitive pala ang best friend niyang si Alex.

Kaya dahil sa nangyari ay natuto na raw siya.

Pagdating sa personal na isyu ng mga matalik niyang kaibigan, hindi na lang daw siya magsasalita.

Saad pa ni Heart, “Bilang host naman ako sa Startalk, sinabi ko sa kanya [Alex], ‘pag sa personal life niya, hindi ako magku-comment.”

Pero aminado siyang hindi ito madali sa kanya bilang host ng isang showbiz-oriented talk show.

“Mahirap pala. Nandiyan na ako, e.

“Alam mo na lang siguro kung hanggang saan.”



ALL IS WELL. Muling nilinaw ni Heart na maayos sila ni Alessandra.

Nung nakaraang kaarawan nga ni Alex ay binati ni Heart ang kaibigan, at sinagot naman daw siya nito.

“Nagti-text kami. Okay kami,” diin ni Heart.

Mababaw lang daw ang isyung ito para pag-awayan kaya wala silang problema.

Sabi pa ng Kapuso actress-TV host, “I think it’s such a stupid, petty thing na pag-awayan.

“Wala naman akong kinunfirm na anything.

“I think naman, ang paniniwala ko, matatag ang aming friendship at malalim ang aming pinagsamahan para lumaki ’to.

“Siguro yun na rin ang test of friendship kung pag-awayan niyo ang maliliit na bagay kung hindi niyo maayos.

“So, naniniwala ako na okay kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN