Aljur Abrenica says all is well between him and ex-girlfriend Kylie Padilla

"Yun naman ang importante, e. After every relationship, maging magkaibigan kayo. For me kasi, yun ang pinakaimportante," says Aljur Abrenica when asked about his open communication with former girlfriend Kylie Padilla.


Sa kabila ng mga kontrobersiyang nakapalibot sa kanilang hiwalayan, inihayag ni Aljur Abrenica na maayos na ang lahat sa pagitan nila ng ex-girlfriend na si Kylie Padilla.

Sabi ng Kapuso hunk, “Yun naman ang importante, e. After every relationship, maging magkaibigan kayo.

"For me kasi, yun ang pinakaimportante."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur nang ilunsad siya bilang isa sa celebrity ambassadors ng Kopiko Café Blanca, na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel, kahapon, July 22.

“DOING VERY WELL.” Sinabi rin ni Aljur na mayroon pa silang komunikasyon ni Kylie kahit break na sila.

Aniya, “So ngayon, naging healthy naman yung breakup. And yung relationship namin, okay naman.

“Sometimes may connection pa rin, nagkakamustahan.

"And ayun, both parties naman okay and doing very well.”

Bagamat masakit na humantong sa hiwalayan ang tatlong taon nilang relasyon, naniniwala si Aljur na may kabutihang idinulot ang pinagdaanan nila ni Kylie.

May 31, 2014 nang kumpirmahin ni Kylie sa Startalk na hiwalay na sila ni Aljur.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Sabi ng Kapuso actor nang tanungin ng PEP kung paano niya hinarap ang breakup nila ni Kylie, “For me, dineal ko siya by offering everything to the Lord.

“Kasi, you have to have faith. You have to trust Him that He will take care of everything.

"In a way na nag-trust ako sa Kanya na may masa maganda Siyang plano.”

May pag-asa pa kayang magbalikan sila ni Kylie?

Sagot ni Aljur, “Hanggang dun na lang muna.”

Maging ang 21-year-old Kapuso actress ay bukas na rin sa pagsasabing nalagpasan na niya ang sakit na idinulot ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Aljur.

Read: Kylie Padilla moves on from breakup with Aljur Abrenica: "Lumipas na yung malungkot na panahon. Okay na."

NOT OPEN TO DATING AGAIN. Sa ngayon, kuntento muna raw si Aljur sa pagiging single at ayaw muna niyang pumasok sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-e-enjoy ako na single ako kasi mas nagkaroon ako ng time for the Lord.

"Nagkaroon ako ng time sa sarili ko and sa co-workers ko.

“At the same time, marami rin akong na-discover na mga interes ko.

"‘Tsaka marami pa akong nakikilalang mga tao na nakakatulong sa akin,” saad ng Kapuso actor.

Pakiramdan din ni Aljur ay hindi pa ito ang tamang panahon para makita niya ang tamang babae na posibleng makasama niya panghabang-buhay.

Tinanong kasi ng PEP si Aljur kung ano ang natutunan niya tungkol sa pag-ibig na maaari niyang ma-apply kung sakaling magka-girlfriend siya ulit.

Sabi ng 24-year-old actor, “Based on my mentors [sa Victory Christian Fellowship], don’t try too hard.

“Sabi nga nila, kung yun na ang taong para sa ’yo, walang mahirap. Because God’s gift is perfect.

“Yung relationship na yun, in both ways, tutulungan ka [at] makakabuti when it comes to your faith.

“Magiging strong ang faith mo [pati] yung [relationship sa] family mo.

“No matter what the circumstances are, in the end, mas magiging matibay kayo. In God’s perfect time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN