Ritz Azul clarifies real score with director GB Sampedro

Alam daw ni Ritz Azul na may gusto sa kanya ang direktor na si GB Sampedro, pero tinapat na raw niya ito. Sabi ng TV5 actress, “Hindi naman sa basted. Kasi hindi naman sinabi na, ‘Manliligaw ako.’ Wala namang ganun. So, ang pagkakaalam ko talaga, magkaibigan kami. Close friend siguro kasi may mga bagay na rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa personal life niya.”


First movie ng TV5 Talent Center artist na si Ritz Azul ang S6parados, entry sa 2014 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magkakaroon ng screenings mula August 1-10 sa Cultural Center of the Philippines at ibang piling mga sinehan.

Bagamat ngayon lang dumating ang break niya sa pelikula, kahit na nga mahigit tatlong taon na siya sa showbiz, hindi naman daw lubos na nainip si Ritz sa paghihintay.

Sabi niya, “Hindi naman… Well, nagkaroon ako ng feeling noon na, ‘Bakit ako hindi pa ako nagkaka-film? E, meron nang sinabi sa akin dati na dapat meron ako. Dapat sa akin na iyon, bakit hindi nangyari?’

“Ngayon, naisip ko, baka hindi pa right time iyon.

“Siguro ’eto ngang S6parados ang pinaka-swak sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa presscon ng S6parados kahapon, Hulyo 24, sa Scout Lozano, Quezon City.

Nag-enjoy at na-challenge daw si Ritz sa kanyang unang pelikula, kung saan kasama niya sa cast sina Victor Neri, Ricky Davao, Jason Abalos, Anjo Yllana, Erik Santos, Alfred Vargas, Angel Jacob, Melissa Mendez, Althea Vega, Sharmaine Arnaiz, Iwa Moto, Diana Zubiri, K-La Rivera, Patricia Javier, Jace Flores, Sue Prado, Joel Lamangan, at Katrina Halili.

Mula ito sa direksyon ni GB Sampedro, na co-producer din kasama sina Alfred Vargas, Patrick Michael Vargas, at Noel Ferrer.

Saad pa ni Ritz, “Siyempre, masayang-masaya ako, na-excite ako kasi first film ko ito, ‘tapos nalaman ko pa na kasali pa sa Cinemalaya.

“Siyempre, ‘pag sinabing Cinemalaya, iba iyan. ‘Tapos tenth year pa nila, so feeling ko, sobrang blessed ako.

“Challenging siya kasi mas sanay ako sa TV, and iba yung discipline sa film, so nag-adjust din ako nang malaki-laki.

“’Tapos may mga kasama pa akong mahuhusay na artista, tinuturuan ako, sinusubaybayan ako.

“And si Direk GB, sobrang supportive din niya and tinuturuan niya ako palagi kung paano umatake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naging medyo madali rin sa akin kung paano gawin sa film.

“Nanibago ako kasi iba pala ang disiplina sa film talaga.”



DIREK GB. Speaking of Direk GB, tinanong ng PEP si Ritz kung ano ang pakiramdam na sa first movie niya ay na-link kaagad siya sa kanyang direktor.

Lalo na nga’t nauna nang lumabas dito sa PEP ang interview kay Direk GB, kung saan inamin nito ang panliligaw sa Kapatid actress.

Read: Director GB Sampedro admits courting TV5 actress Ritz Azul

“Naku!” sabay tawa ni Ritz. “Siyempre, hindi mo naman maiiwasan yung ganyan [pagli-link].

“Pero sa akin, trabaho, trabaho... professional naman tayong lahat, ‘di ba?

“Masaya ako na nakatrabaho ko ulit si Direk GB after three years, ‘tapos naging magkaibigan kami sa set, kaming lahat actually. So, yun.”

Pero ano ba ang real score sa kanila? May mga lumalabas kasing balita na diumano’y sila na, gaano katotoo ito?

“Hindi po [kami],” mabilis na sagot ni Ritz.

“Well, magkasama po kami dito sa S6parados, magkasama kami sa network [TV5], magkaibigan kami, yun lang po.”

Anong klaseng magkaibigan?

Sagot ng dalaga, “Close po kami. Marami na po kaming napagkukuwentuhan.”

Hindi raw inakala ni Ritz na magiging magkaibigan sila ni Direk GB dahil hindi maganda ang impression niya rito noon.

“Seriously speaking, magkatrabaho po kami sa S6parados, and parang first time po naming magkita sa Gellicious noong... mg three years ago na po yata yun,” pagtukoy niya sa dating food show ng TV5 na hinost ni Gelli de Belen.

“Noong time na iyon, parang ayoko siyang kausap talaga, kasi feeling ko ang yabang-yabang niya.

“Feeling ko, ang sungit niya, ganun, yung parang hindi mo man lang makausap.

“Iba yung tingin ko sa kanya noon.”

Pero nagbago raw ang lahat nang makilala na niya ang direktor.

“Then, nung nakasama ko siya dito sa S6parados, nag-iba po lahat ng paningin ko sa kanya, parang baligtad lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait siya, gentleman siya, mapag-intindi siya sa tao, sa artista niya.

“Ayun, doon po kami umpisang mag-usap sa S6parados.

“Parang ngayon lang po kami naging close.”

Alam niya rin daw ang pagiging separado ni Direk GB. Na-meet na ba niya ang mga anak nito?

Sabi ni Ritz, “Hindi pa, pero sa picture naipakita na niya, pati yung family niya, mga kapatid niya, at saka mother niya.

“Meron akong na-meet na dalawang kapatid niya.”



FOCUS ON CAREER. Ayon kay Ritz, hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon.

Naka-focus daw ang buong atensiyon niya sa kanyang trabaho at alam daw ito ni Direk GB.

“Ako kasi, gusto ko munang magtrabaho. Alam niya rin na naka-focus ako sa career ko.”

Pero nagsabi ba si Direk na liligawan siya nito?

Sabi ni Ritz, “Walang ganung word.

“Ang alam kong usapan namin, nagtatrabaho kami, naging magkaibigan kami, yun lang po.

“Nag-umpisa yun nung kinuha niya yung number ko sa shooting.

“So, siyempre ‘pag nagkakaroon ng communication, mas nagiging close.”

Niyaya na ba siya sa date ng direktor?

“Minsan lumalabas kami pero kasama yung parents ko. Lumalabas po kami…

“Minsan kasi may mga pagkakataon na parehas kaming nasa lugar, so nagkikita po kami or minsan magko-coffee, ganun.”

Boto ba ang parents niya kay Direk?

Sagot niya, “Naku, hindi ko po alam!

“Yung parents ko naman po kasi friendly. Accommodating naman sila, hindi naman sila suplado.”

May nararamdaman ba siyang sweetness sa mga ipinapakita ni Direk sa kanya?

“Meron, nararamdaman ko na may gusto siya sa akin.

“Kasi bilang babae, mararamdaman mo naman yun kung may gusto sa iyo ang lalaki.”

Siya ba ay may nararamdaman din siya para kay Direk? Gusto niya rin ba ito?

“Sa totoo lang kasi, hindi ko pa iniisip yung ganung bagay, work talaga muna.

“’Tulad nito, naging masaya ako sa S6parados kasi Cinemalaya din ito, opportunity, ‘tapos first film ko pa, malaking opportunity ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa iniisip yung mga ganung bagay.”

Hindi naman daw ito ang first time niyang maligawan. Marami na rin daw ang nanliligaw sa kanya.

Pero hindi pa raw siya nagkaka-boyfriend.

“Nagugulat nga ako, ngayon ko nararamdaman yung guys na lumalapit—may showbiz at non-showbiz.

“Pero kumbaga, suplada ako, tinatapat ko sila na ayoko munang mag-boyfriend.

“Pero yun nga po, hindi pa po ako nagkaka-boyfriend, no boyfriend since birth po ako.”

Tinapat niya na rin ba si Direk?

“Oo, alam niya yun. Sinabi ko na, e.”

So, basted na agad si Direk?

Paglilinaw ni Ritz, “Hindi naman sa ganun, hindi naman sa basted.

“Kasi hindi naman sinabi na, ‘Manliligaw ako.’ Wala namang ganun.

“So, ang pagkakaalam ko talaga, magkaibigan kami.

“Close friend siguro kasi may mga bagay na rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa personal life niya.”

Ngayong lumabas na ang interview kay Direk na nanliligaw ito, may pag-asa ba ito sa kanya?

Sagot ni Ritz, “Ewan ko. Siguro masyado pang maaga para sagutin ang tanong na iyan.

“At saka bata pa naman ako, twenty pa lang ako. Marami pang mangyayari sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN