RJ Padilla will support Tita BB Gandanghari if she decides to undergo sex reassignment surgery

RJ Padilla on dealing with gays: "Para sa akin, ang mga gays nga, well, they’re portraying a girl. So, I look at them as a girl, I respect them as a girl. Never ako nagalit dahil may gay. Si Tita BB [Gandanghari] naging gay din."


Laking pasasalamat ng Kapuso actor na si RJ Padilla sa tumataas na ratings ng Dading, ang afternoon drama series nila nina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Benjamin Alves, at Gardo Versoza.

“We’re blessed, lahat ng hirap para sa mga ginagawa namin dito sa show, ang ganda ng kinakalabasan,” sabi ni RJ.

Isa pa sa mga ikinatutuwa ni RJ ay ang epektibong pagganap niya bilang si Dindo, ang lover ng karakter ni Gabby na si Carding.

Kahit daw ang kanyang lola na si Eva Cariño-Padilla ay apektado sa tuwing nanonood ng kanyang programa.

Ani RJ, “Ang daming nagalit, ang daming nagalit [sa akin].

“Happy ako kasi yun nga ang target ko na mangyari, na magalit sa akin ang tao.

“Kasi yun yung trip [ng karakter] ko. Iba, e, pangit. Kumbaga, salbahe talaga.”

Hindi naman daw nakakatanggap ng personal attacks si RJ kahit na salbahe ang karakter na kanyang ginagampanan sa afternoon drama series na ito.

“Sinasabi lang nila yung character ko daw, yung dapat ako yung mabugbog.

“Dapat ako yung malagay sa kulungan.

“Dapat ako yung pahirapan sa kulungan, yung mga ganung hirit lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si RJ sa Kapuso Fans Day sa Sublian Festival, sa Batngas City, noong Huwebes, July 25.



BB GANDANGHARI. Tinanong din ng press si RJ kung may pagkakataon sa kanyang buhay na naging homophobic siya.

Sagot ng aktor, “Wala naman akong problema sa mga gays, no.”

Nirerespeto raw niya ang mga beki kung paano niya irespeto ang mga babae.

“Para sa akin, ang mga gays nga... well, they’re portraying a girl.

“So, I look at them as a girl, I respect them as a girl.

“Never ako nagalit dahil may gay.

“Si Tita BB naging gay din,” pagtukoy niya sa kanyang "tiyahin" na si BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si BB ay ang dating matinee idol na si Rustom Padilla.

Dahil dito, tinanong na rin ng press kung masaya ba si RJ sa estado ng kanyang Tita BB.

Tugon ng Bubble Gang star, “Para sa akin, happy ako sa ginawa ni Tita BB kasi kumportable siya sa ginawa niya.

“Gusto ko makita ko lang si Tita BB na masaya siya, masaya na kaming pamilya.”

Marami ring napansing pagbabago si RJ kay BB.

Aniya, “The way he speaks, the way he acts, the way… lahat.

“Talagang si Rustom, talagang literal na nabaon na.”

SEX CHANGE. Payag naman kaya siya kung sakaling magpa-sex change na nga ang Tita BB niya?

Sagot ni RJ, “Why not? Why not?

“Basta ako, ’andun lang ako sa likod ni Tita BB.”

Naiintindihan naman daw ni RJ kung sakaling hindi pabor ang isa pa niyang tiyuhin na si Robin Padilla sa posibleng gender reassignment surgery ng kapatid na si BB.

Read: Robin Padilla on BB Gandanghari entering same-sex marriage: "Oh my goodness!"



Wika ng 25-year-old actor, “Siguro si Tito Robin, naiintindihan ko rin kasi sila magkakapatid.

“Iba yung ano nila, e... iba talaga yung samahan nila.

“Sila yung nagkakaintindihan.”

Samantala, “feeling 18 years old” daw ngayon ang kanyang Tita BB dahil sa atensiyon na ibinibigay ng mga kapatid nito.

Kuwento ni RJ, “Kasi yung mga nanliligaw, nagtatanung-tanong sina Tito Robin.

“Alam mo naman ’pag istrikto ang kuya mo. Ang kulit lang, ang kulit.”



GAY ROLES. Kung si RJ ang tatanungin, wala naman siyang problema sa mga bading dahil masaya raw kasama ang mga ito.

“Kasi alam mo naman yung mga bading, laugh trip sila, e.

“Kasi ako yung tipo ng tao na kahit anong pag-usapan natin, hindi ako maaano…

“Kung gusto niyo usapang bastos, game ako diyan, ’di ba?

“Kung anong klase ng gusto niyong usapan, game ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa naman daw nabibigyan ng indecent offer si RJ mula sa mga beki na nagkakagusto sa kanya.

Hinala ni RJ, “Feeling ko, dahil siguro sa dinadala kong pangalan, maybe they’re scared.”

Sigurado naman si RJ sa kanyang seksuwalidad at hindi rin nakikita ang sarili na maging isang bading.

“Sabi nila sa akin, maganda raw akong bakla. Sabi ko naman, ‘Iwan na natin sa TV yun.’

“Siyempre, kung sakali lang man lang, ha, hindi ko sinasabing magiging bakla ako.

“Siyempre, nakaka-offend naman kay Tita BB yun.

“Gusto niya, siya lang. Siyempre, one and only ’yan, e.”

Okay lang daw kay RJ gumanap ng gay roles, ngunit hindi muna niya binubuksan ang pinto sa mga karakter na may gay love scenes.

Sabi ni RJ, “Siyempre, ayoko rin biglain yung mga pinuno ko.

"Mahirap na, baka atakihin sa puso tatay ko [Rommel Padilla].

“Pasundot-sundot muna.”



PADILLA NAME. Samantala, isa pa sa napag-usapan ay kung mayroon bang pressure ang maging isang Padilla.

Ayon kay RJ, itinuturing niyang isang gift ito dahil maganda ang sinusundan niyang apelyido.

Paliwanag pa niya, “Gift, kasi ’pag sinabi mong Padilla, meron ka na agad masasabi na, ‘A, mababait ’yang mga ’yan, marunong makisama, matinee idol.’”

Ngunit kalakip daw ng pagiging Padilla ay ang makumpara sa mga naunang aktor sa industriya at makagawa ng sariling pangalan.

“Puwede kang i-compare sa mga nauna.

“Lalo na ’pag gusto mo rin gumawa ng sarili mong bandila.

“Laging may sinusumbat sa ‘yo na, ‘Ay para lang naman ‘tong si Robin, para lang ‘tong si Rommel, para lang ‘tong si Daniel.’

“So, mahirap din na parang ilayo mo yung sarili mo sa kanila.”

Paano ba niya nama-manage ang expectations sa kanya?

Tugon ni RJ, “Wala akong limitations, e. I mean, I go for the gold.

“I do comedy, I do drama, I do action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinuhuli ko talaga yung gusto ng tao sa akin, makuha ko talaga yung…

“So far, okay naman, okay yung feedback nila sa comedy.

“Gustung gusto nga ng mga tao kapag nagbabakla-bakla ako, e.”



DANIEL PADILLA. Isa pa sa napag-usapan sa panayam ng PEP at iba pang press kay RJ ay ang kanyang kapatid sa ama na si Daniel Padilla.

Kinuha ng press ang panig ni RJ sa kumakalat na litrato ni Daniel sa social media na may hawak itong sigarilyo at alak.

Para kay RJ, normal sa isang artista ang magkaroon ng detractors, lalo na’t mataas ang tinutuntungan ng career ngayon ni Daniel sa showbiz.

“Normal sa aming mga artista yun, sa industriya.

“Darating talaga sa time na may ibang tao hindi na siguro natutuwa kay Daniel.

“Minsan may nagseselos, naiinis kasi minsan yung…”

Bilib din daw si RJ sa kanyang kapatid dahil sa mura nitong edad ay alam na nitong gumawa ng magandang desisyon, lalo na kung pera ang pag-uusapan.

Kuwento ni RJ, “Pinuntahan ko siya sa bahay niya, e, first time ko makapunta sa bahay siya.

“Sabi ko, ‘Wow, wala akong masabe, brad!’

“Sabi ko, ‘Keep it up!’

“At saka ang nakakatuwa sa kanya, sa murang edad, mature na.

“’Yan ang gusto ko sa kanya, e. Sabi ko, ‘Talagang napakabait mo.’

“’Tapos sabi ko, ‘Alam mo na yung tama at mali sa pera na hawak mo. Alam mo kung saan ilulugar yung pera mo.’”

May time ba na nainggit siya kay Daniel?

Sagot ni RJ, “Wala naman, happy ako kasi kapatid ko yun, e.

“Siguro kung hindi ko siya kamag-anak, maiinggit ako.

“Sino namang hindi?”

Wala rin daw nagbago sa kanyang kapatid kahit na sikat na ito, ngunit biro ni RJ, “Ang nagbago lang siguro, yung kumakapal dito sa bulsa niya, yun lang.”

Dagdag pa niya, “Sa ugali, wala, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sweet pa rin siya.

“Tuwing magkasama kami, bumabata ako sa kanya, mas nagiging makulit ako.

“Iba yung tandem naming dalawa, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN