Heart Evangelista defends Senator Nancy Binay’s SONA outfit: "It was not a fashion event..."

Heart Evangelista says she was moved by President Noynoy Aquino’s speech: "It just shows... that no one is perfect at na-touch ako sa speech niya. I felt the sincerity and that’s my opinion."


Isa si Heart Evangelista sa mga celebrity na dumalo sa fifth State of the Nation Address (SONA) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III, na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City, noong Lunes, July 28.

Read: Full transcript of President Noynoy Aquino’s fifth State of the Nation Address

Ito ang ikalawang beses na dumalo si Heart sa SONA, kasama ang kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero. Ang una ay noong nakaraang taon, 2013.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart ang karanasan nito sa pagdalo niya sa SONA ngayong taon.

Saad ng Kapuso actress, "Oh, it was an experience!

"It’s always an experience to attend something like that.

"It’s very different from what we artistas do.

"You learn so much from it, iba ang feeling talaga.

"’Tapos yung mga nakakahalubilo mo pa, mga senators, legislators...

"Parang minsan nakakahiya at naku-conscious din ako."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP si Heart sa premiere ng pelikulang The Trophy Wife kagabi, July 29, sa SM Megmall Cinema 9.

EMOTIONAL PNOY. Ang isa sa pinag-usapan sa nakaraang SONA ay ang pagiging emosyunal ng Pangulo sa huling bahagi ng kanyang talumpati, kung saan sinariwa niya ang alaala ng kanyang mga yumaong magulang—sina dating President Corazon "Cory" Aquino at dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Ano ang reaksiyon ni Heart tungkol dito?

Sagot ng aktres, "Well, ako, importante sa akin na makita ng tao na tao rin lang siya, ’di ba?

"Lahat naman ng tao ay nahihirapan sa isang sitwasyon, lalo na siguro sa katulad niyang Presidente.

"It just shows na, you know, that no one is perfect.

"At na-touch ako sa speech niya, I felt the sincerity, and that’s my opinion."

Patuloy niya, "Of course, it’s natural also to see some people in tears, especially nga he’s talking about his parents.

"Kahit nga si Kris [Aquino, PNoy’s sister] ay in tears din, ’di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Senator Chiz ay na-move din daw sa pagpapakita ng emosyon ni PNoy.

Dagdag ni Heart, "And, I think, being a senator, ’yan din ang layunin nila—na suportahan ang kanilang Presidente.

"Wala naman siyang gaanong sinabi.

"Ako rin, kahit may nagsasabing naging emosyonal nga raw ang ating Presidente, wala rin naman akong masyadong masasabi roon.

"Ang importante, naipakita niya ang pagiging tao niya.

"At nailahad niya ang mga nagawa niyang magaganda para sa mga Pilipino."

SENATOR NANCY. Isa rin sa pinag-usapan noong nakaraang SONA ay ang suot ni Senator Nancy Binay, na sabi ng ilang netizens ay para raw isang red-hot balloon.

Ang gown na ito ni Senator Binay ay isinuot niya sa second regular session sa Congress, ilang oras bago ang SONA.

Ngunit iba na ang suot niyang terno nang dumalo siya noong mismong SONA.

Read: Senator Nancy Binay unfazed by bashers of her SONA outfit: "Sanay na ako sa bashing."

Sa pagkakataong ito ay ipinagtanggol ni Heart ang senadora.

Saad ng TV host-actress, na halatang dismayado, "I don’t think it’s fair for people to bash kung ano man ang suot o would care so much on what they are wearing.

"It was not a fashion event and it’s a SONA event.

"So, para i-bash pa nila ang suot ng mga tao, e, hindi naman yun ang importante.

"Ang importante is that kung ano ang purpose kung bakit sila naroon sa event na yun, ’di ba?"

LOOKING GOOD. Sa kabilang banda, ang isa sa mga pinuri ang suot noong SONA ay kay Heart.

Suot niya ang isang avant garde terno na tinahi ni Joey Samson.

Ano ang pakiramdam na puring-puri ang suot niyang gown?

Nakangiting pahayag ni Heart, "Wow, it’s flattering naman!

"When people say or praise what you’re wearing, and how you behave and carried yourself, siyempre nakaka-flatter talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, again, I don’t encourage it to be like a fashion event.

"Siyempre, that’s the fun of it, pero hindi naman yun ang main purpose.

"Kasi ang nangyayari, imbes na pakinggan kung ano ang sinasabi ng Presidente, tinititigan nila kung ano ang mga suot ng dumadalo ’tapos mamba-bash sila.

"I don’t think that’s fair, ’di ba?"

Aminado naman si Heart na pinaghandaan niya ang nasabing okasyon para magmukha talaga siyang maganda at kagalang-galang.

Napapangiting rebelasyon niya, "I definitely wanted naman to look good.

"Minsan naman lang kasi akong makasuot ng Filipiniana.

"And I think minsan ka lang naman makita kung ano ang take mo on how a modern Filipina should be.

"So, I planned it with my designer, but I really wanted it to be just simple."

Naramdaman ba niyang marami ang nakatingin sa kanya noong araw ng SONA?

Medyo naasiwang sagot ni Heart, "Excuse me, I don’t think I feel na they are giving me so much attention.

"Parang lahat naman ’ata ng dumating ay binigyan nila ng atensiyon kaya hindi ko naman naramdaman yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN