Coleen Garcia reveals how Billy Crawford won her heart: “Nag-develop ‘yon over time....”

Coleen Garcia clarifies that it was only last July 23 when she and Billy Crawford became an official couple. “It just feels long lang kasi we’ve been dating, we’ve been getting to know each other. The whole label thing is really for other people rin,” she says.


Ang pagka-miss ni Coleen Garcia kay Billy Crawford ang isa sa mga maaring naging dahilan kung bakit sinagot ng dalaga ang masugid na manliligaw.

Sa ginanap na grand launch ng special issue ng YES! magazine, ang "100 Most Beautiful Stars," noong Martes, July 29, naikuwento ng young actress-TV host kung paano siya napasagot ni Billy.

“Nagpunta kasi siya sa States. He was there for a week and we didn’t talk to each other.

“Then, I realized, ’Okay, I miss him.’

“He used to ask me, like every day, if I can be his girlfriend.

“I don’t know, dun ko lang na-feel na parang... when I picked him up at the arirport.

“I guess, I realized din naman that nakaka-miss din pala siya.”

Matatandaang noong 2013 pa lamang ay nababalita na ang pagde-date ng dalawang It’s Showtime hosts.

Nadawit pa ang pangalan ni Coleen sa pagtatapos ng relasyon ni Billy sa dating girlfriend nitong si Nikki Gil.

Bagamat matagal nang nali-link sa isa’t isa, nilinaw ni Coleen na ngayon pa lamang sila naging opisyal na magkasintahan ni Billy.

“Siyempre, at that stage, you don’t just wake up and feel different na, ’Okay, I’m ready to be your girlfriend.’

“Siyempre, nag-develop ‘yon over time and we just decided to give it a label.

“Siyempre, it’s something that I’ve been thinking about also.

“I like to overthink so I’m just thinking and thinking.

“Siyempre, I don’t wanna make din the same mistakes that I made in the past.

“I’m very careful when it comes to my decisions.

“I wasn’t in a rush. I was really thinking na walang rush because there’s no pressure to put a label on it.

“We see each other every day, so we have all the time in the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang it’s not like next week ko pa siya makikita.

“We all have the time to get to know each other.

“It happened so quick, kasi we always see each other.”

July 23, 2014 daw nang maging opisyal na magkasintahan sina Billy, 32, at Coleen, 21.

Ayon kay Coleen, “It just feels long lang kasi we’ve been dating, we’ve been getting to know each other.

“The whole label thing is really for other people rin.”

Read: Billy Crawford and Coleen Garcia officially an item

MEET THE PARENTS. Hindi pa man opisyal, tanggap na raw ng pamilya ni Coleen si Billy.

Kaya nang malaman ng pamilya ng dalaga ang tungkol sa kanila, kinilig raw ang mga ito.

Kuwento ni Coleen, “Kinilig sila, ganun kasi sila, e

“We have a group chat on social media so we talk regularly.

“Dati pa naman silang kinikilig because they know that Billy is such a good guy.

“They know that Billy is such a good guy and they really take good care of me.

“More than anything, he values my family so much.

“My family naman is very polite.

“They welcome anybody I like, I always bring friends.

“They just care about me, they’re just concerned. It always takes time naman.

“There’s no one they can judge. It always takes time to know a person.”

Kailanman, ayon kay Coleen, hindi sinubukan ni Billy na magpakitang-gilas para magustuhan ng kanyang pamilya.

“They appreciated that never did he suck up to them or sipsip or anything.

“Talagang today, from the day they met him, he stayed true to himself.”

Ikinatuwa rin ni Coleen ang pagiging malapit ni Billy sa kanyang pamilya.

Dahil independent na siya ngayon sa kanyang pamilya, sabi ni Coleen, “I think he brought me closer pa to my family, kasi I’ve been living alone for years na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkita na rin daw ang kani-kanilang mga magulang, ayon kay Coleen.



NIKKI. Samantala, aminado si Coleen na dalawang beses na sila halos magkita ng ex-girlfriend ni Billy na si Nikki Gil.

Una ay sa Ad Summit Pilipinas sa Subic noong May.

Ang sumunod ay sa isang event na pinamagatang “Style Origins” kamakailan lamang.

Pag-alala ni Coleen, “We were in the same event once sa Style Origins.

“We actually didn’t see each other, kasi I was in the standby area with all the other artists.

“I don’t know where she stayed. Billy was there also.”

Kung sakali, hindi raw magiging problema para sa kanya kung magkita sila ni Nikki.

Kapag nangyari raw ito, sabi ni Coleen, “I will still be polite and respectful.

“I was brought up naman to be polite and respectful to everyone no matter what.

“And wala namang away or anything. There were absolutely no bad vibes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN