Mark Herras mourns death of his adoptive father; vows to be a loving father like Daddy Jun

"Mahirap pakawalan ang taong mahal mo at nag-alaga sa ’yo for 27 years," says Mark Herras, who deeply grieves for his adoptive father’s death.


Bumuhos ang luha ni Mark Herras nang ibahagi ang kanyang saloobin tungkol sa pagpanaw ng ama niyang si Jun Herras.

Lunes ng gabi, July 28, nang bawian ng buhay si Daddy Jun dahil sa kumplikasyon sa sakit na diabetes. Siya ay 61 years old.

“Mahirap pakawalan ang taong mahal mo at nag-alaga sa ’yo for 27 years,” naiiyak na pahayag ng Kapuso actor.

Nakausap ni Nelson Canlas ng GMA Network program na 24 Oras si Mark kahapon, July 30.

Hindi man si Daddy Jun ang tunay na ama ni Mark, mula pagkabata ay ito na ang nag-aruga at nagpalaki sa StarStruck alumnus.

Read: Mark Herras’s adoptive father dies

Lalong nangulila si Mark sa kanyang Daddy Jun dahil sa kaalaman na hanggang sa huling sandali ay ang kapakanan pa rin niya ang inisip nito.

Mula raw kasi nang magkasakit ang ama ay siniguro nitong hindi na mamumroblema ang Kapuso actor pagdating sa pagsasaayos ng mga mahahalagang dokumento na kakailanganin ni Mark.

Saludo si Mark sa ginawang pag-aalaga sa kanya ni Daddy Jun, kaya bilang ganti ay patutunayan daw ng aktor na kaya rin niyang maging isang mabuting ana sa kanyang anak na si Ada.

Ito ang pangako ni Mark sa kanyang yumaong ama: “Don’t worry na, Dad, relax ka na diyan, ako na gagawa ng mga ginagawa mo.”

Hanggang sa kasalukuyan ay makikitang labis na apektado si Mark sa pagkawala ni Daddy Jun base sa mga Instagram posts niya.

Sabi ni Mark sa caption ng kanyang post kagabi, July 31: "Goodnight daddy Jun… I love you."

Pagkagising kaninang umaga, July 31, muling nag-post si Mark sa kanyang Instagram ng mensahe patungkol sa kanyang ama at sinabing: “Good morning daddy…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN