Melissa Ricks on her pregnancy: "It just felt right, at the right time..."

Melissa Ricks clarifies that she did not lie about her pregnancy. “It’s just that nobody asked, and I was looking for the right timing when to tell people. Siyempre, kailangan sure na.”


Binasag na sa wakas ni Melissa Ricks ang kanyang katahimikan matapos makumpirma noong Lunes, July 28, na nagdadalantao ang Kapamilya actress.

Nitong Martes, July 29, kinumpirma ni Thess Gubi ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—na apat na buwang buntis na si Melissa.

Ang Star Magic ang nagha-handle sa showbiz career ni Melissa, na nagsimulang makilala nang maging fourth runner-up siya sa reality-based artista search na Star Circle Quest noong 2004.

Read: Melissa Ricks pregnancy confirmed by Star Magic

Sinabi ni Melissa na hindi naman niya itinago ang kanyang pagbubuntis, sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido ng ABS-CBN News.

“It’s just that nobody asked, and I was looking for the right timing when to tell people.

"Siyempre, kailangan sure na.

"All my friends know, my parents know.

"Hindi naman puwedeng sabihin ko agad-agad, ’di ba?" paliwanag niya.



“IT FELT RIGHT.” Ayon pa sa report, hindi raw agad nalaman ni Melissa na buntis siya.

Inakala nga raw niya noong una na nagkaroon lamang siya ng sintomas ng overfatigue at food poisoning.

Nasa bakasyon pa raw siya noon kasama ang mga kaibigan sa Boracay noong Labor Day, May 1.

Noong unang beses na hindi siya dinatnan ng kanyang buwanang dalaw, hindi raw siya nabahala dahil irregular naman talaga ang period niya.

Subalit nang hindi pa rin siya dinatnan noong sumunod na buwan, nagdesisyon na si Melissa na magkaroon ng pregnancy test.

Kahit na positive ang resulta ng pregnancy test, pumunta pa rin sa doktor si Melissa kasama ang mga kaibigan para magpa-check up.

Kinumpirma raw sa kanya na pitong linggo na ang kanyang dinadala, pero kalmado lang daw niya itong tinanggap.

Kuwento ng 24-year-old actress, "Hindi ko alam kung bakit, pero it just felt right, at the right time...

"I just took it calmly, hindi ako umiyak.

"Maybe it’s just the right time, it’s God’s plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s putting me on a path na... He prepared me for this path.

"I just have trust Him and have faith na everything is going to be okay."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Nang makumpirma ang kanyang kundisyon, ipinaalam daw ito ni Melissa sa kanyang non-showbiz boyfriend, na naging supportive naman at positibo ang pagtanggap.

Sabi ni Melissa, "First na sinabi ko sa kanya, gano’n din. Same kami ng reaction.

"Actually, he didn’t hesitate. Wala.

"Siyempre, the baby is a blessing, you know. A baby coming into this world is a huge blessing to anyone.

"I think naman we’re in the right age. Sa panahon na ’to, we’re in the right age.

"We’re ready to take on the responsibility."

BREAKING THE NEWS. Mas nahirapan daw si Melissa na ipaalam sa kanyang mga magulang na buntis siya.

Paano niya sinabi sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis?

“First, I told my dad. Siguro naka-seven na balik-balik ako bago pumasok sa loob ng room ng dad ko.

"Parang nag-panic talaga ako, hindi ko masabi.

“And then, finally I sat down in front of him, and then I started crying.

“Dala ko pa yung teddy bear ko, kasi iyon yung parang security blanket ko."

Naiyak daw si Melissa nang aaminin na sana niya sa ama at hindi nakapagsalita agad.

Nagulat daw ang aktres nang tanungin ng ama kung buntis siya, pero hindi raw alam ni Melissa kung paano ito nahulaan ng ama.

"Alam na niya! Siguro naramdaman niya, kasi dala ko yung teddy bear ko.

"And when I went to him, he said, ’What’s wrong? Are you okay?’

"’I’m okay.’

"’You’re pregnant?’

"Sabi ko, ’Yeah.’

"I thought he would be very disappointed. He wasn’t.

"He just told me to take care of myself."

Mas natakot daw si Melissa na magsabi sa ina, na ngayon ay nakabase sa U.S., dahil istrikto ang pagpapalaki sa kanya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaalam daw ni Melissa sa ina ang tungkol sa pagbubuntis niya sa pamamagitan ng email.

Inabot daw ng dalawang linggo bago siya nakapag-email sa ina.

"I didn’t want to call, kasi yun nga, I won’t be able to talk.

"I sent her a long e-mail explaining.

"And then she sent me back an e-mail."

Hindi naman daw inasahan ni Melissa ang naging reaksiyon ng ina.

"Hindi siya galit! She was happy, she was excited.

"And she’s excited to come home again para alagaan yung baby, to see me.

"Pati kuya ko, uuwi!” sabi ng aktres.

SUPPORT SYSTEM. Naging emosyunal naman si Melissa habang ikinukuwento ang suportang natatanggap niya sa bagong yugtong ito ng kanyang buhay.

“I feel really loved by everyone—from my friends, family, from people I don’t even know.

"Yung support na pinapakita. Wala akong nakitang masamang comment, wala akong nakitang someone wishing me not well.

"I’m very happy. Nakakaiyak."

Nakahinga rin nang maluwag ang aktres na positibo ang naging reaksiyon ng ABS-CBN management sa kanyang pagbubuntis.

"I was expecting the worst reaction from my parents, from ABS-CBN, ’di ba?

"They had plans. Parang I felt na I disappointed people.

"Pero hindi, e. They showed huge support for me, lalo na ang management ng ABS," ani Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN