Carla Abellana on possible relationship with Tom Rodriguez: “We’ll see where it will take us.”

Carla Abellana says it would be hard if she ever get into a relationship with Tom Rodriguez because she has a very busy schedule. However, she says, “It’s also a good timing kasi mayroon na kaming na-established na magandang friendship. Kahit papaano, kilala na namin ang isa’t isa, magkatrabaho na kami ng halos isang tao.”


Natutuwa si Carla Abellana na nabigyan sila ni Tom Rodriguez ng
pagkakataong maipakita ang iba pa nilang kakayahan bilang mga artista sa primetime series na My Destiny.

Unang nagkatambal ang dalawa sa toprating primetime series noong 2013 na My Husband’s Lover.

Subalit hindi masyadong na-highlight ang kanilang tambalan dahil mas nabigyang pansin ang relasyon ng mga karakter nina Tom at Dennis Trillo sa nasabing GMA teleserye.

Sa My Destiny, mas nakita ng mga manonood na bagay nga sina Carla at Tom bilang magkapareha.

“Ang cute din kasi ng story. Simple lang, kung tutuusin,” sabi ni Carla tungkol sa romantic-comedy series nila ni Tom.

Dagdag pa niya, “At least, mayroon kaming magandang bala.

"Doon pa lang, parang, ‘Uy, naglalaro lang kami.’

“At least, this time, nabigyan kami ng pagkakataon sa primetime na
rom-com naman, ibang genre naman kumpara sa My Husband’s Lover.

“So, iba yung nakita nila at na-appreciate nila, na kaya rin naman pala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa solo pocket presscon niya para sa pelikulang Somebody to Love kagabi, July 31.

FROM REEL TO REAL? Kaugnay ng pagiging magkapareha nina Carla at Tom, hindi maiwasang ma-link sila sa isa’t isa.

Dahil dito, sa nakaraang launch ng “100 Most Beautiful Stars” ng YES! magazine, tinanong ng entertainment reporters ang estado ng relasyon ni Tom kay Carla.

Sa panayam na ito, hindi naging tiyak ang sagot ni Tom.

Sa katunayan, nahirapan ang Kapuso actor na sumagot nang diretso kung nililigawan niya ang kanyang co-star.

Ang sagot lamang ni Tom ay "sana" at "trying."

Read: Tom Rodriguez hints at possible romance with Carla Abellana



Nang tanungin ng PEP si Carla tungkol dito, hindi niya rin tuwirang masagot kung may pag-asa bang maging mas malalim ang samahan nila ni Tom bukod sa pagiging magka-loveteam sila.

Sagot niya, “I guess, timing is medyo mahirap lang din, kasi pareho kaming busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Between the two of us, ako ang mas busy.

“So, nakakaawa rin na hindi ko naman siya mabibigyan ng time outside work.”

Dagdag pa ni Carla, “How would we have time and where?

“Ako, ang taping ko araw-araw, kasi I have two shows, I have a variety
every Sunday, may iilan akong endorsements.

"Kinakain talaga ng trabaho ang oras ko, so saan ko mabibigay ‘yon?"

Katulad ng sinabi ni Tom, mahirap din kumuha ng pagkakataon para
makapag-date silang dalawa.

Ayon kay Carla, “Siguro even if he asks me out on a date, siguro ang
maibibigay ko lang schedule…

“Siguro kailangan pa niyang tanungin ang handler ko kung ano yung mga free days ko. Siguro December pa ‘yon.”

Gayunman, hindi naman agad isinasantabi ni Carla ang posibilidad na magkaroon ng magandang resulta ang pagiging co-stars nila ni Tom.

“It’s also a good timing kasi mayroon na kaming na-established na magandang friendship.

“Kahit papaano, kilala na namin ang isa’t isa, magkatrabaho na kami ng halos isang tao.

“I would say na okay rin naman yung timing kasi we know each other better and may maganda na kaming naumpisahan.”

Dahil sa ganitong balita tungkol sa kanila ni Tom, alam ni Carla na maaaring isipin ng publiko na parte lamang ito ng promo ng kanilang teleserye.

Pero aniya, “It could be naman din na isipin na mga tao, na it’s typical, it happens all the time.

"Na yung magka-partner o magka-loveteam, they end up together.

“I guess, pagdating sa ganyan, minsan wala rin naman tayong control.

“Although, sometimes, it’s a choice din naman.

“I guess, pagdating sa ganyan, idaan na lang sa prayers, ’di ba, making sure lang na hindi pa rin nawawala ang focus mo sa trabaho, ‘yon ang importante.”

Sa ngayon, ayaw ni Carla pangunahan ang mga posibleng mangyari sa relasyon nila ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi na lamang niya, “We’ll see where it will take us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN