Director GB Sampedro on courting Ritz Azul: "Hintayin natin dumating yung time na mas mahinog siya sa tamang panahon."

Director GB Sampedro on finding his right partner: “Ako, naniniwala sa destiny. Kung talagang para kayo sa isa’t isa, kahit umabot pa sa sampung taon ‘yan, kung para kayo talaga sa isa’t isa, mangyayari at mangyayari ‘yan. Ako naman, medyo pagod na rin ako sa… alam mo yung papalit-palit ng relasyon.”


Pakiramdam ni GB Sampedro ay first-time director siya dahil sa paglahok niyang muli sa isinasagawang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Unang sumali si Direk GB sa Cinemalaya noong 2009, kung saan ang naging entry niya ay ang Astig na pinagbidahan ni Dennis Trillo.

Ngayong 2014 ay kasama sa Directors’ Showcase category ang pelikula niyang S6parados, na pinagbibidahan naman nina Victor Neri, Alfred Vargas, Anjo Yllana, Erik Santos, at Ricky Davao.

Sabi ni GB, “Medyo matagal ang pagitan kaya parang nanibago lang, parang first time uli kaya ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si GB sa opening ng Cinemalaya nong Biyernes, August 3, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Tinanong ng PEP si GB kung sa Cinemalaya lang ba siya lalahok at hindi sa iba pang local film festivals.

Sagot niya, “Nagkataon lang na nung time na nag-submit ako ng materials, ang magdi-deadline na for submission of entries, Cinemalaya.

“So, naisip ko na might as well doon na sumali and, fortunately, napasama nga.”

Hindi raw intensiyon ng film and TV director na bumilang ng limang taon bago siya lumahok uli sa Cinemalaya.

“Nagkataon lang kasi medyo na-pressure ako noong time ng Astig. So, natatakot akong mag-compete uli,” sabi niya.



RITZ AZUL. Pinag-uusapan ngayon ang pagiging malapit ni GB sa isa sa artista ng S6parados na si Ritz Azul.

Ginagampanan ni Ritz sa pelikula ang role bilang anak ni Ricky Davao na nagpakasal kay Victor.

Naging exciting nga raw ang naturang movie project dahil sa kakaibang closeness nina GB at Ritz.

Nakangiting sabi ng direktor tungkol dito, “Hindi naman… hindi naman.

“Exciting talaga kasi nga the second time na pagbabalik ko sa Cinemalaya, luckily nga sa second time, nakapasok tayo uli.”

Ano ba talaga ang status nila ni Ritz?

“Wala, close friends. Talagang close friends lang.

“Lumalabas kami… halos every day kaming magkausap, every day kami magka-text-an.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama rin sa TV5 sina GB at Ritz.

Si GB ang direktor ng public-service program na Face The People, samantalang nagbida na si Ritz sa ilang mga teleserye ng Kapatid network.

Bakit ngayon lang sila naging close gayong nagkikita naman sila sa mga gatherings ng TV5?

Saad ni Direk GB, “Mas naging close kami dahil sa pelikula.

“Matagal na kaming magkakilala. Three years ago nang magkakilala kami, pero hi-hello lang kami sa TV5.

“Wala naman kaming naging regular show together. Lagi lang siyang naggi-guest sa mga shows ko.

“Wala kaming time na nagkaroon ng bonding na nagkasama kami nang matagal.

“Siguro sa pelikula, mas nagkaroon kami ng chance na mas maging close dahil kailangan naming mag-usap closely sa character, kung paano aatakihin yung role.

“And then, during set-up, may mga times na breaks, nagkakakuwentuhan. So, mas naging close kami.”

IS HE COURTING? Kailan naramdaman ni GB na nagugustuhan na niya si Ritz?

“Si Ritz naman kasi madaling magustuhan na tao, e.

“Hindi mo rin masabi kung ano talaga, kasi bata pa si Ritz, e.”

Nanliligaw ba siya sa 20-anyos na Kapatid actress?

Sagot ni GB, “Hindi mo rin masabi kung panliligaw.

“Basta ako kasi, I show her na importante siyang tao. Kumbaga, binibigyan ko siya ng importansiya.

“Sa ngayon, ganun lang.”

Sa hiwalay na interview ni Ritz sa PEP, inamin niyang may pagpaparamdam sa kanya si GB.

Read: Ritz Azul clarifies real score with director GB Sampedro

Ano ang reaksiyon dito ng direktor?

“Uhm… siguro. Siyempre, binibigyan mo ng espesyal na atensiyon.

“Kasi ako, hindi naman talaga ako marunong manligaw, sa totoo lang.

“Siguro binibigyan ko lang ng mas espesyal na atensiyon.

“Saka wala naman akong girlfriend, binata naman ako.”

Nangangamba ba si GB na tanggihan siya ni Ritz kaya hindi pa niya ito pormal na nililigawan?

“Hindi naman… Hintayin natin dumating yung time na mas mahinog siya sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, bata pa siya, marami pa rin siyang gustong marating sa buhay niya.

“Ako naman, nandito lang ako para suportahan siya sa mga pangarap niya sa buhay.”

Dagdag niya, “Ako, naniniwala sa destiny.

“Kung talagang para kayo sa isa’t isa, kahit umabot pa sa sampung taon ‘yan, kung para kayo talaga sa isa’t isa, mangyayari at mangyayari ‘yan.

“Ako naman, medyo pagod na rin ako sa… alam mo yung papalit-palit ng relasyon.”

Ibig bang sabihin nito, kung maging sila ni Ritz ay ito na ang gusto niyang makatuluyan?

Sabi ni GB, “E, ako, kung sino naman talaga yung magiging girlfriend, siyempre yun ang gusto kong makasama habang buhay.

“Tayo ay naghahanap na rin tayo ng makakasama, ‘di ba?”

Payag na ba ang mga anak ni GB sa dati niyang asawa na si Maristel Sampedro, isang talent manager, na magkaroon siya ng serious relationship o mag-asawa uli?

Nakarelasyon din ni GB ang comedienne na si Candy Pangilinan at ang Brazilian TV personality na si Daiana Menezes.

Ayon sa direktor, “Siguro naman mature enough na yung mga anak ko.

“Saka inuunti-unti ko naman silang ipinapaintindi sa kanila na medyo lihis sa normal yung naging sitwasyon ng mga magulang nila, pero nangyari yun.”

Kahit tapos na ang shooting ng S6parados, tuluy-tuloy pa rin daw ang communication nilang dalawa ni Ritz.

Binanggit din ni GB sa amin na kapalitan niya ng text ang young actress nong Biyernes bago siya dumalo sa opening ng Cinemalaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN