Mommy Dionisia Pacquiao confirms relationship with a younger man

Mommy Dionisia confirms she has a younger boyfriend, but still not yet serious.


Kinumpirma ni Dionisia Pacquiao, ina ng boxing champ na si Manny “Pacman” Pacquiao, na mayroon siyang boyfriend ngayon.

Ito ay si Michael, 40, na siyang naging escort ni Mommy Dionisia nang ganapin ang kanyang 65th birthday noong Mayo.

Sa panayam kay Mommy Dionisia ng Bandila kagabi, August 6, Miyerkules, sinabi nitong mukhang mabait si Michael at paglaon ay pinansin na niya ito.

Ngunit nilinaw niyang hindi pa siya seryoso sa boyfriend at hindi pa sila nagsasama.

Taliwas ito sa ibinunyag ni Manny sa panayam niya kay Athony Taberna, sa programang Tapatan ni Tonying noong July 31, na may balak na raw pakasal ang kanyang ina at ang 40-anyos na boyfriend nito.

Kasa-kasama na rin daw ng ina ang nobyo nito sa iisang bahay.

Read: Manny Pacquiao reveals Mommy Dionisia has 40-year-old boyfriend

Sa panayam naman ni Mommy Dionisia, sinabi niyang kinikilala pa niyang maigi ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

Sabi niya, “Natural naman may boyfriend.

"Sa boyfriend mo, ingatan natin. Silipin mo kung ano siya, anong klase.

"Hindi ’tulad ng nakaraan na maraming babae.

"Huwag magpadalus-dalos sa lahat ng mga nanliligaw, kasi marami ba ’yang magsasabi na, ’Mahal taka,’ pero binigkas lang sa labi.

"Hindi tayo makatungkad sa puso kung totoo ba, kung tunay na tunay."

Inamin ng 65-anyos na celebrity mom na malungkot ang walang partner at hindi pa rin siya hiwalay sa unang asawa.

Maingat naman daw si Mommy Dionisia sa kanyang bagong pag-ibig dahil ayaw na niyang mabigo, lalo pa’t may balak magtrabaho sa ibang bansa si Michael.

“Pinakamasakit ’pag pinagtaksilan ka. Nadaanan ko na sa tatay nila.

"Napakasakit talaga. Muntik akong magpakamatay sa una,” sabi niya.

Mayroon ding payo si Mommy Dionisia pagdating sa pag-ibig.

“Mag-iwan ka ng para sa iyo. Magtira ka ng para sa iyong katawan, para sa utak mo.

"Hindi mo ibuhos sa lalaki, hindi mo ibuhos sa boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Mommy Dionisia na ipapaalam niya sa publiko kapag mayroon na siyang planong magpakasal uli.

Magkahalo naman ang reaksiyon ng mga miyembro ng pamilya ni Mommy Dionisia sa kanyang lovelife.

Kung nagpakita ng pag-aalinlangan si Manny sa pag-ibig ng ina, ang asawa ng boksingero na si Jinkee Pacquiao ay todo-suporta naman sa biyenan.

“Like niya yun, e. Kung saan siya happy, dun ako sa kanya… yes,” sabi ni Jinkee sa panayam ng Bandila.

Sinabi naman ng isa pang anak ni Mommy Dionisia na si Bobby Pacquiao na kailangan pa nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN