LJ Reyes laughs off rumor linking her to Dennis Trillo; welcomes good news about JM de Guzman’s return

LJ Reyes on accepting an indie film: "Siyempre, tinitingnan ko lang kung matsa-challenge ba ako sa gagawin ko. Gusto ko, kapag nabasa ko, kinikilabutan ako. Pero hindi naman kailangan na pang-award siya. Hindi ko naman iniisip yun. Iniisip ko lang talaga kung maganda ang script, ganyan."


Hindi raw maiwasan ni LJ Reyes na kabahan kapag mayroon siyang bagong indie film na ipinalalabas.

Gaya na lamang ng The Janitor, na kalahok sa Directors’ Showcase sa isinasagawang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Nagkaroon ng gala screening ang The Janitor noong Lunes, August 4, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Halos lahat ng mga nakapanood nito ay nagsasabing maganda ang pelikula.

Pero bakit nga ba laging kinakabahan si LJ, gayong ikatlong beses na niyang magkaroon ng entry sa Cinemalaya?

Bago ang The Janitor ay napanood siya sa The Leaving (2012) at sa Intoy Shokoy Ng Kalye Marino (2012).

“Hindi ko alam, hindi ko alam!” natatawang sagot ng Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Actually, hindi naman ako natatakot sa mga movie, kasi alam ko naman na maganda talaga ang pagkakagawa.

“O baka kaya ako kinakabahan, kasi first time ko pa lang mapapanood.”

Nagkakataon lang ba na magaganda ang sinasalihan niyang entry sa Cinemalaya?

Ayon kay LJ, “Hindi ko alam, nararamdaman ko lang siya.

“Hindi naman sa ano… yung iba kasi, hindi lang pumupuwede sa schedules.

“Hindi ko alam, e. Baka sinusuwerte lang ako sa mga indie na inaalok sa akin.”

Siya ba talaga ang nag-i-screen ng mga script na dumarating sa kanya?

Pagkumpirma niya, “Oo, binabasa ko rin talaga, at saka merong ibinibigay sa akin si Perry [Lansigan, her manager] na freedom kung gusto ko ba o hindi.

“Pero kapag sinabi ni Perry na, ‘Gagawin mo ‘yan,’ okay, gagawin ko.”

Tinitingnan niya ba kung pang-award ito?

“Hindi, siyempre tinitingnan ko lang kung matsa-challenge ba ako sa gagawin ko.

“Gusto ko, kapag nabasa ko, kinikilabutan ako.

“Pero hindi naman kailangan na pang-award siya. Hindi ko naman iniisip yun.

“Iniisip ko lang talaga kung maganda ang script, ganyan.

“Actually, noong nabasa ko talaga ‘to [The Janitor], ’Okey na, Direk [Mike Tuviera], okay na. Kahit anong ibigay mo, gagawin ko.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DENNIS TRILLO. Si Dennis Trillo ang gumaganap na asawa ni ni LJ sa The Janitor.

Bagamat pareho silang Kapuso, ito raw ang unang beses na nagkatambal sila sa isang proyekto.

May kissing scene ba sila sa pelikula?

“Wala nga, e, saying… joke lang!” biro ni LJ.

Dagdag niya, “Ano ba kayo, wholesome ako dito, buntis nga, e.

“Ano ba naman kayo, love scene pa, e, buntis nga ako!”

Nanghinayang ba siya na wala silang love scene o kissing scene?

“Hindi, biro lang!” natatawa niyang sabi.

Hindi pa nila nasisimulang i-shooting ang The Janitor, naisyu agad silang dalawa ni Dennis.

Pero natatawang sabi ni LJ tungkol dito, “Hindi ko nga alam kung bakit kami naisyu. At saka, hindi ko tinatanong, nahihiya ako.”



JM DE GUZMAN. Dahil nagkasama sila noon sa pelikulang Intoy Shokoy Ng Kalye Marino, tinanong ng PEP si LJ kung ano ang reaksiyon niya sa pagbabalik-showbiz ni JM de Guzman.

Ito ay matapos ang isang taong pagkawala sa sirkulasyon ng Kapamilya actor-singer dahil sa pagpasok nito sa rehab sanhi ng paggamit ng droga.

Read: JM de Guzman admits going to rehab for drug use

Saad ni LJ, “Simula naman na ginawa namin yung Intoy Shokoy, naging friends talaga kami ni JM.

“So, actually, nakikibalita naman ako sa mommy niya dati.

“Alam ko naman yun, and we were very supportive of him.

“Kanina lang, kanina ko lang kasi siya na-text.

"Noong Hong Kong saka after, kanina ko lang siya na-text tungkol sa lolo niya [na namatay].

“Kasi, bago pa ako mag-Hong Kong, araw-araw ang schedule ko, walang chance.

“Tinext ko siya kanina na, ‘Sorry, hindi ako nakapunta.’

“’Tapos, kinakamusta ko siya.

“Sabi niya, okey naman daw siya at, ang alam ko, ready na siyang magtrabaho ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN