Marian Rivera and Dingdong Dantes to wed this year

Marian Rivera on boyfriend Dingdong Dantes’s proposal to her: “Very happy ako na finally nasabi na namin sa tao na engaged na kami. Ang saya, hindi ko maipaliwanag, parang nasa ulap lang talaga!”


Ngayong 2014 mangyayari ang inaabangang pagpapakasal ng “royal couple” ng Kapuso network na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ito ang kinumpirma ni Dingdong sa panayam sa kanila ni Marian ng GMA News—na ipinalabas sa Kapuso Mo Jessica Soho kagabi, August 10—pagkatapos ng proposal ng aktor sa aktres on national TV noong Sabado, August 9.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

Sagot ni Dingdong nang tanungin kung kailan ang kasal nila ni Marian, “Standby na lang, pero we will make an announcement for that.

“But definitely, mangyayari ‘yon sa taon na ‘to.”

Hindi naman mailarawan ni Marian ang kasiyahang nararamdaman sa pagpu-propose sa kanya muli ni Dingdong sa harap ng kani-kanilang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga.

Pahayag ng Kapuso Primetime Queen, “Very happy ako na finally nasabi na namin sa tao na engaged na kami.

“Ang saya, hindi ko maipaliwanag, parang nasa ulap lang talaga!”

Lumalabas sa naging pahayag ni Dingdong, nang mag-propose siya kay Marian sa programa ng kasintahan noong Sabado, na ito na ang ikalawang beses na nag-propose ang aktor.

Una ay noong August 2012 nang dalhin ni Dingdong si Marian sa isang butterfly dome sa Macau.

Ngunit inamin nga ng Kapuso Primetime King na marami siyang hindi nagawa at nasabi noon.

Kaya sa ikalawang pagkakataon ay nais niyang gawin ito sa tamang paraan—sa harap ng pamilya ni Marian, pamilya ni Dingdong, at lahat ng mga taong nagmamahal sa kanila.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Hindi naman sa isinicret namin.

“’Tulad ng sabi ni Dong, siguro naghintay kami ng tamang panahon, tamang tiyempo na sabihin ‘to nang tama.

“At ito nga, nangyari ito at naniniwala ako na mas lalo pa siyang napaganda dahil ginawa namin para sa Marian.”

Lumalabas ding dalawa ang ibinigay na engagement ring ni Dingdong kay Marian—isa noong August 2012 at ang pangalawa ay ang isinuot ng aktor sa daliri ng aktres nitong Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman din ng PEP na ang mga singsing na ito ay binili ni Dingdong sa Harry Winston, na ang pinakamababang halaga, depende sa laki ng bato, ay $15,000.

At base sa laki ng mga bato sa dalawang engagement rings na nasa daliri ni Marian ay hindi biro ang halaga nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN