Sylvia Sanchez laughs off alleged nude photo of son Arjo Atayde; advises Arjo about choosing the right girl

Is Sylvia Sanchez a stage mother or simply hands-on? She manages the earnings of her son Arjo Atayde, she has a say about his future wife, and she keeps track of his abs. In her own words, “Kaya sabi ko nga, ang suwerte ng magiging asawa ng mga anak ko, kasi maganda yung plano ko sa kanila, e.”


Nagbigay ng pahayag ang award-winner actress na si Sylvia Sanchez tungkol sa panliligaw ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa leading lady nito sa Pure Love na si Alex Gonzaga.

Kuwento niya, "Nakapunta na dito si Alex. Nag- Thanksgiving Mass sila nung opening week ng Pure Love.

“Kung ipinakilala ni Arjo si Alex sa akin? Hindi… naging anak ko na si Alex sa Channel 5.

"At matagal ko na ring alam na crush ni Arjo si Alex wala pa yung show nila"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa kanyang bahay noong nakaraang linggo.

Ano ang masasabi niya sa pagkagusto ng anak kay Alex?

“Okey lang,” sambit niya.

“Kahit naman sino wala akong pakialam [sa lovelife ni Arjo].

"Ang tanging hiling ko lang sa aking mga anak, ’Magbitbit kayo ng babaeng mamahalin kayo talaga at kasundo ng pamilya, at karapat-dapat.

"’Yung kahit sino siya, mahirap siya, mayaman siya, wala akong pakialam.

“’Basta ang sa akin lang, mahal mo at mahal ka. At higit sa lahat, kasundo namin, pamilya.

"’Mas maganda meron kang girlfriend or yung magiging future asawa mo, kasundo ng pamilya mo.

“’Merong peace of mind ang pamilya. Kasi kung kalaban ko yung babae, salbahe sa iyo, ayoko ng salbahe.’

"Ayoko ng maldita kasi kung kalaban ko, wala.

"Hell ang buhay ng anak ko. Hell ang buhay nilang dalawa, ‘di ba?”

ADVICE. What if gawin din ni Alex kay Arjo ang ginawa ng TV host-actress kay Ryan Bang na pambibiro o pamamahiya on TV?

Saad ni Sylvia, “Hindi ko kasi nakita yung sinasabing pampahiya, e.

"Kaya hindi ako maka-comment, hindi ako maka-relate.

"Basta si Arjo, sinabihan ko na, ’Kung anuman ang mangyari sa ‘yo, kung may kaaway ka diyan, bahala ka diyan. Ayusin mo ‘yan. Ingat ka na lang.’ Ginaganoon ko siya.”

Puwede na sa kanyang magkaroon ng girlfriend si Arjo at this point sa career niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang sa akin. Dyusko, lalalaking tao yung sa akin!

"Kung gusto niyang mag-girlfriend, hindi ko siya mapipigilan.

“Kung itago niya ang girlfriend niya, bahala siya sa buhay niya.

“E, ngayon, wala naman siyang girlfriend talaga.

"Pero kapag sinasabi ko sa kanya na, ‘Arjo, kapag nag-girlfiend ka, ’tapos non-showbiz, itatago mo yun.

"’Kung maintindihan ka, fine. Kung hindi ka maintindihan, huwag na.

“’Kasi masasaktan yung girl at ang makakalaban mo, mga barkada niyan,‘yan ang magtsu-chuchu.

"‘Bakit mo dini-deny si ganito?’ Sila yun, e.

"’Might as well wala ka nang girlfriend ngayon, focus ka.’

“Pero kung darating ang time na magka-girlrfriend si Arjo at hindi ko siya mapigilan, bahala siya sa buhay niya.

"Basta ang sa akin lang, ’Pagdating sa taping, focus ka. Kapag may away kayong dalawa, huwag mong dalhin sa taping dahil ako yung uupak sa ‘yo!’”

MONEY MANAGEMENT. Si Sylvia pa rin daw ang nagbabayad ng personal assistant at driver ni Arjo. Saan napupunta ang kinikita ng anak?

Sabi ni Sylvia, “Nakatago lahat ng pera ni Arjo. Nakatago sa akin, hindi ko kinukunan.”

Malaki na ba ang savings ni Arjo? Puwede na bang pangbuhay ng pamilya?

“Naku, hindi pa! Wala pa sa kalagitnaan.

"Pero meron na siyang hinuhulugang condo. Sa may ABS-CBN malapit.”

Sariling initiative ba ni Arjo ang magkaroon ng sariling condo?

Sabi ni Sylvia, “Oo, gusto niya talaga.

"Sabi naman niya, kapag weekend daw, doon siya sa condo. ’Pag weekdays, dito siya sa akin.

"Pero hindi rin yun, pauwi-uwi rin ‘yan, tiyak.

"Sanay ‘yan na every Sunday, magkakasama sa bahay.

“Pero yung pera naman niya, kasi ganito yun... Ayoko yung pag-asawa niya at pagtanda niya, ‘Ma, pengeng [pambili] ng diaper. Ma, penge nito,’ ganyan.

"Ayoko ng ganoon. Susuntukin ko siya!

“Yung pera niya, mina-manage kong mabuti.

"Kaya yun ang hinihingi ko, ’Bigyan mo ako ng matinong asawa. Bigyan mo akong kasundo ng pamilya. Hindi salbahe. Hindi mataray. Hindi luka-luka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Yung mamahalin ng asawa mo ang pamilya mo. Kasi kasama siya sa plano ko, sa future mo.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Arjo, hindi lahat ng oras, pagmamahal. Aanhin ang pagmamahal kung wala kayong pera?’

"Lalo na si Arjo, padre de pamilya siya. Sabi ko sa kanya, ‘Ako, kapag wala akong taping, buhay ako dahil sa tatay mo, di ba?

"’Kahit hindi ako mag-taping, okey ako dahil ’andiyan ang Papa niyo.

"’E, ikaw, kapag wala kang taping, ano ang ipapakain mo sa asawa mo? Sa anak mo? Lalapitan mo ako para bumili ng diaper?’

“Kaya sabi ko nga, ang suwerte ng magiging asawa ng mga anak ko kasi maganda yung plano ko sa kanila e.”

ARJO’S ABS. Sa kabilang banda, napasigaw si Sylvia nang usisain namin tungkol sa nude photo diumano ni Arjo na kumakalat sa Internet.

Ngunit pinabulaanan na ito mismo ni Arjo sa hiwalay na panayam.

Read: Arjo Atayde on his alleged nude photo: "Katawan pa lang, hindi na ako."

“Ha?! Dyusko, bibilhan ko pa yung lalaki ng bra! Ang laki ng boobs, e.

"Nakita ko na, ’tapos ano, deadma.

"Natawa ako kasi hindi naman ganoon kalaki ang boobs ng anak ko, my God!

"Away namin lagi ni Arjo yung gym. Kasi sinabi ko, ’Sumabay ka, kahit abs konti. Kahit walang six-packs, basta meron.’”

Aminado si Sylvia na hanggang ngayon ay may baby fat pa si Arjo.

“Kaya nga nung nakita ko [yung nude photo], tinawag ko pa siya, ‘Nak, halika! May packs ka na, may boobs ka na! Yahoo!’

"’Si Mama parang gago,’ sabi ni Arjo.”

Ano ang reaksiyon ni Arjo nung una niyang makita ang sinasabing nude photo raw niya?

Kuwento ni Sylvia, “Deadma! Kasi nung nakita niya, ‘Wow, ang ganda naman ng katawan ko!’

"Natawa naman ako. Kasi nga, may six packs.”

Sa tingin ba niya may nang-iintriga lang sa anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman sa showbiz, may ganoon. Kapag umaangat ka, kahit papa’no merong mangbabagsak sa ‘yo.”

Handa ba si Arjo sa mga intriga?

“Meron namang kapag umaangat ka ng konti, may magbabagsak sa ‘yo. Totoo yun. Hihila sa ‘yo, ‘di ba?

“Bahala ka na kung paano ka umakyat. Patunayan mo na lang na hindi totoo. Laban ka na lang, patas, ‘di ba?

“Pero gusto ko nga yun ang katawan ni Arjo para makasabay siya sa ibang may six packs.

"E, hindi nga makasabay kasi may baby fat. Away talaga namin ‘yan ever since.

"‘Nak, mag-gym ka. Ang tamad-tamad mo mag-gym.’

“Pero ngayon, nagdyi-gym siya. Minsan dumarating sa akin si Arjo, ‘Ma, Ma, tingnan mo.’

"May abs na siya, dalawang abs, yung ganoon.

"Pero dahil sa sobrang puti niya, hindi nakikita kasi maliit lang.

"Kaya sabi ko, ‘Hay, at least, ‘nak, dito sa sinasabing nude photo mo, may abs ka.’ Natawa talaga ako!"

Okey ba kay Arjo ang magpakita ng katawan sa big screen?

“Siguro, pero hindi ko alam! Pero sabi ko, ‘Nak, willing ka ba magpakita ng puwet later on?’

"’Oo,’ sabi niya. ’Kung kinakailangan, bakit hindi?’ Pero hindi raw ngayon.

“Pero sabi niya, ’Darating yung time gagawin ko ‘yan pero hindi ngayon.

"’Tsaka ‘Ma, hindi ako pwede maghubad nang maghubad. Wala akong abs.’

“So, away nga naming dalawa yun, kasi si Arjo minsan, kapag tinopak ng katamaran, hindi nagdyi-gym ‘yan, kain nang kain.

"Kaya kapag nakikita ko ‘yan, ‘Kain ka na naman nang kain! Tingnan mo naman ang tiyan mo? May bilbil.’”

Kung hindi kayanin sa gym, willing ba si Arjo na magpa-lipo?

“Ay, nawawala rin yun. Ayoko kapag lipo. Haharangan ko siya.

“E, di sana ako ang unang nagpa-lipo. Sa taba kong ‘to, ako dapat ang unang nagpa-lipo.

"Pero dalawang artista na sa akin ang nagsabi na nagpa-lipo na huwag akong magpa-lipo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nagpa-lipo sila, lalo silang tumaba kasi kung saan-saan pumunta yung taba.

“Hindi ko ia-allow si Arjo ng ganoon. Pero ngayon, nagda-diet siya. Nagpapapayat lang siya.

"Pero yung abs niya, hindi. Sabi niya, years bago siya magka-abs.

"Pero kung gamot-gamot, sandali lang ‘yan.

“E, hindi ko naman siya ini-encourage na magpaturok ng ano, steroids. Ayoko, ayoko ng ganoon.

"Sabi ko lang, ‘Kahit wala kang abs, ‘nak, magpapayat ka lang. Sige, wala ka nang abs.’

“Kapag lumalakad nga siya, ‘Hoy, hoy, halika rito. Itaas mo ang T-shirt mo! Ang laki ng tiyan mo!’

“Itataas naman niya ang T-shirt niya, ‘Wala akong tiyan! Flat!’ Pumapayat na siya ngayon.

“Kaya nung nakita ko yung nude picture niya, kasi may mga nag-text sa akin, e, ’May nude pictue si Arjo?’

"‘Saan? I-forward ninyo sa akin.’ Pagtingin ko, salamat naman kamo. Nagpasalamt ako doon sa nag-post.

“Gusto ko ngang sumagot, e, na maraming salamat sa pag-post ng nude photo ng anak ko.

"Kasi ang ganda-ganda ng katawan niya dito.

"Kasi siyempre, dedma na lang ako, pero gusto ko talaga siyang pasalamatan.

"Kung sino man siya, salamat, ang ganda ng katawan ni Arjo.

"E yun ang pinapangarap ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN