Kris Aquino teases ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista: "Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…"

Kris Aquino said that many thought it would not happen, but it did. The TV host’s former boyfriend, Mayor Herbert Bautista, appeared on Aquino & Abunda Tonight last night, August 11, to talk about the issues hounding the Quezon City mayor.


“Hindi natin aakalaing mangyayari ito, but it’s happening tonight.”

Ito ang naging bungad ni Kris Aquino bago niya ipakilala ang kanyang guest sa episode ng Aquino & Abunda Tonight kagabi, August 11, Lunes.

Ang tinutukoy ni Kris ay walang iba kundi ang dati niyang boyfriend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Matatandaang inamin ni Kris ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Mayor Herbert noong April ng taong kasalukuyan.

Ngunit hindi ito nagtagal dahil nagkahiwalay rin sila kalaunan.

Read: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

Si Kris lamang ang host at wala si Boy Abunda kagabi dahil may sakit daw ito.


FRIENDS. Sa takbo ng interview, may mga pahaypaw na panunukso si Kris kay Mayor Herbert.

Nang pag-usapan ang isyu tungkol sa pananampal ng dalawang beses ng alkalde sa isang Chinese national na nahulihan ng P15 milyong halaga ng shabu, nilinaw ni Mayor Herbert na, by nature, hindi siya sanay na nananakit nang pisikal.

Sabi naman ni Kris, “Physically ha, sinabi mo, kinlaro mo ‘yon, Mayor.”

Dahil dito ay nagtawanan ang ilang tao sa loob ng studio.

Sa pagtatapos ng interview, nagpasaring muli si Kris tungkol sa naunang tinuran ni Mayor Herbert sa hindi pananakit nang pisikal.

Ani Kris, “Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…”

Bawi naman ng Queen of All Media, “Pasensiya ka na. At least friends na tayo.”

Read: Kris Aquino admits: “Yes, he broke my heart.”

Makailang ulit ding tinanong ni Kris si Mayor Herbert kung magkaibigan na sila, na inoohan naman ng actor-politician.

HOPING FOR RE-ELECTION. Samantala, maraming tinalakay na isyu sa nasabing panayam. Isa na rito ang posibilidad na tumakbo para sa mas mataas na katungkulan si Mayor Herbert sa 2016 elections.

Sabi ng alkalde ng Quezon City, “I belong to the Liberal Party, we leave it to the party to decide kung ano yung itatadhana ng partido kung kanino man…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, personally, I’d rather go for re-election, but I leave it to the party.

“If the party so decides na, ‘Hey, go run for higher position or go for what have you…”

Kapartido ni Mayor Herbert ang kapatid ni Kris na si Pangulong Noynoy Aquino.

Kasalukuyang nasa ikalawang termino na siya bilang alkalde ng Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN