KC Concepcion hard-pressed to address persistent rumors: “I don’t like having to clear up rumors that really are just rumors.”

KC Concepcion says she is happy to play the role of a bida-kontrabida in the second chapter of Ikaw Lamang, the kind of role that she wants to portray.


Nagsalita muli si KC Concepcion tungkol sa patuloy na pagpupukol sa kanya ng mga isyu.

Nakabalik na ng bansa si KC galing sa U.S. pero iniuugnay ang kanyang pagpunta sa ibang bansa sa diumano’y pagbubuntis niya at ang pagkakaroon ng sama ng loob dahil hindi napunta sa kanya ang lead role sa Dyesebel.

“Wala pong katotohanan for both [issues],” tugon ni KC sa press conference ng Ikaw Lamang, kung saan kasama siya sa bagong yugto ng teleserye.

Ginanap ang press conference sa 9501 Restaurant sa ELJCC Bldg., sa Mother Ignacia, Quezon City, Lunes, August 12.

Pumunta raw si KC sa U.S. noong Enero upang mag-aral maging mas mahusay sa pag-arte.

Read: KC Concepcion pursues plan to study abroad

Paliwanag ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta, “Yung trip ko to the States was really three years in the making.

“Parang hinahanapan ko lang po ng timing ‘yon.

“And since last July or August, nag-States na po yata ako nung time na ‘yon, and dun ko nga po naplano na magpapaalam ako sa ABS-CBN, Dreamscape [ABS-CBN business unit], and Viva [talent management] to see if puwede.

"They gave me the go-signal.

“So, parang nagkataon na lumabas yung Dyesebel and people were asking me lang on Twitter.

"Kasi may lumalabas na publicity na, ‘Is she playing Dyesebel?’

"So, hindi rin po nanggaling yung speculation and maraming nagtatanong sa Twitter.

"I just felt the need to clear it up na hindi talaga.

"Pero ‘yon, pinalaki lang nang pinalaki."



PREGNANCY ISSUE. Isa pang paulit-ulit na isyung ipinupukol kay KC ang diumano’y pagbubuntis niya.

Sabi ni KC tungkol dito, “Yung buntis issue… siguro since 18 years old ako, tuwing umaalis ako ng bansa, buntis ako.

“’Pag payat po akong bumabalik, nagpa-abort [daw ako]. ’Tapos si Miel naman daw pala ang anak ko.

"Binayaran daw namin yung friends ko na itago yung rumor. Si Miel dati, ngayon ’di na daw si Miel. Si Miguel naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Miel ang bunsong anak na babae nina Sharon Cuneta at Secretary Francis “Kiko” Pangilinan, samantalang si Miguel ang ampon ng mag-asawa.

Sinabi ni KC na hindi siya napipikon, pero nasasaktan siya sa mga ganitong tsismis.

“’Pag dumadating na sa point na sa family na yung medyo [naaapektuhan].

"Kasi parang nabi-brainwash yung mga tao.

“Parang naririnig nila [pamilya] lagi and ’pag sila na yung nagtanong, dun nagiging medyo personal, kasi parang iba na ‘yon, e.

“Kunwari pinag-uusapan, ’tapos naririnig na nila Frankie [panganay nina Sharon at Kiko] sa school.

"Parang ’di na nakakatuwa, ’pag personally naa-affect na talaga yung family.”

Diin ni KC, “I don’t like having to clear up rumors that really are just rumors, but just for the record, hindi talaga nangyari.”

BEST ACTRESS. Naging matipid naman si KC sa kanyang mga sagot nang matanong sa nali-link sa kanyang si Paulo Avelino.

“We’re good, we’re happy we’re on primetime together.

"Actually, yun naman talaga ang number one priority namin sa ngayon,” paiwas na sagot ni KC.

Si Paulo ay bahagi ng primetime teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kapareha si Bea Alonzo.

Samantala, masaya naman ni KC sa pagkakapasok niya sa bagong kabanata ng Ikaw Lamang, kung saan gagampanan niya ang role ni Natalia, isang bida-kontrabida.

"Best Actress" ang tag kay KC sa promotion ng Ikaw Lamang dahil dalawang beses na siyang nabigyan ng tropeyo sa nasabing kategorya—sa FAMAS Awards ngayong taon at 39th Metro Manila Film Festival noong 2013.

Saad niya, “Siguro sa dinami-dami rin ng risks ko, sa dinami-dami rin ng pagka-experiment ko sa roles at pagka-risky ng iba ko pang roles, happy ako na finally parang na-welcome na talaga ako sa industry.

"Hindi lang [bilang] anak ng mga parents ko, kundi parang meron ding akong maibibigay.

"So, napakagandang opportunity na napakagandang pumasok sa isang teleseryeng number one sa primetime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam kong kahit papa’no, meron din akong maibibigay sa kuwento."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN