Rita Avila cries foul over John Regala’s alleged verbal and sexual harassment: "I don’t wish to work with him again."

An excerpt from Rita Avila’s complaint letter against John Regala sent to GMA Network executives Leogardia Sanchez Matias and Kelly Vergel de Dios: "While we were sitting together after listening to some intstructions from Direk Adolf [Alix], he said, ‘Naghahanap ako ng gamot ko, lagi kasing matigas ang ano ko.’ I was getting offended because of the sexual intonations, so I began asking about his wife and family to divert his filthy topic. He again aske


Inireklamo ni Rita Avila, 46, ang co-star niyang si John Regala, 49, dahil sa pambabastos diumano ng aktor sa kanya.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng complaint letter ni Rita sa pamunuan ng GMA Network, na may petsang August 11.

Ang GMA executives na pinagsumitehan ni Rita ng reklamo ay ang AVP ng Public Affairs na si Leogardia Sanchez-Matias at AVP ng Administrative Division na si Kelly Vergel de Dios

Dito ay idinetalye ng aktres ang insidenteng pambabastos diumano ni John sa kanya sa set ng Kapuso news and public affairs program na Wish Ko Lang!, noong July 31.

Ang mga kuwento ng mga letter-sender sa programa ay isinasadula at ginagampanan ng mga lehitimong mga artista.

THE INCIDENT. Ayon sa complaint letter ni Rita, mahigit apat na oras nang late si John sa napagkasunduang call time para sa taping ng araw na iyon.

Pagdating pa lang nito sa set bandang 10:30 A.M. ay nagpakita na umano ng kawalan ng respeto si John nang magbitiw ito ng hindi magagandang salita laban sa aktres.

“Upon seeing me, he told everyone, ‘Dapat naging girlfriend ko itong si Rita eh, kaso bakla kasi.’

“I dismissed it as a joke. Later he said, ’Ang ganda mo pa din. Kung niligawan ba kita noon, sasagutin mo ako?’

“I replied with, ’Ano ka ba?’ Then he said, ’Puro ka kasi Jestoni [Alarcon].’

“I didn’t say anything anymore. I was just thinking where in the hell did he get that idea.

“And as an afterthought, I realized that he was giving wrong impressions to those who were around us,” lahad ni Rita sa kanyang complaint letter.

Bagamat hindi na kumportable si Rita sa mga sinasabi ni John, sinubukan pa rin umano ng aktres na pakitunguhan nang maayos ang aktor.

JOHN’S "SEXUAL INTONATIONS." Ngunit lalong nabahala si Rita nang nagkaroon umano ng sekswal na konotasyon ang mga sumunod na binitawang salita ni John, gayong alam nitong may asawa ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na lahad ni Rita, "While we were sitting together after listening to some instructions from Direk Adolf [Alix], he said, ‘Naghahanap ako ng gamot ko, lagi kasing matigas ang ano ko.’

“I was getting offended because of the sexual intonations, so I began asking about his wife and family to divert his filthy topic.

“He again asked, ‘Rita, iiwan ko asawa ko para sa iyo. Liligawan kita. Sasagutin mo ako?’

“I replied with ’Yuck!’ Some of the staff laughed when they heard me.

“Then, he asked, ’Sino kasama mo sa bahay niyo? I said, ’Eh di siyempre ang asawa ko!’

“He said, ’Eh baka lang kasi may anak na kayo. Nagkaanak ka ba ulit? Kasi alam mo yung kaibigan ko nagpa...[can’t remember how]’

“I turned my back and walked away because he was so disrespectful to talk about that in front of many people.”

Ikinasal si Rita sa direktor na si FM Reyes noong 2003.

November 2006 nang manganak si Rita ng sanggol na lalaki, na pinangalanan nilang Elia Jesu.

Ngunit pumanaw si baby Elia Jesu pagkatapos ng tatlong linggo dahil sa heart problem.

Pagkatapos nito ay hindi na muling nagkaanak si Rita.

Read: Rita Avila still coping with her son’s death

Patuloy na lahad ni Rita sa kanyang complaint letter: “I texted my husband because I was feeling upset and scared already, and I told Direk Adolf that I was pissed.

“It was difficult to act while feeling oppressed.

“Another scene was taken and he made an ad lib, ’Halika, shower na tayo.’

“And in another scene, where I was lying down supposedly paralyzed, he sat without care that he hit my upper leg.

“Due to pain, my upper body impulsively got up. He apologized but I didn’t say anything.”

Sa puntong iyon, gusto na raw sanang umalis ng set ni Rita dahil sa sobrang galit at takot kay John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinili umano ni Rita na tapusin ang taping dahil “for airing” ang episode na iyon ng Wish Ko Lang! noong August 3.

Dagdag ni Rita, “I was also thinking that John might be under the influence of drugs or alcohol, so if I lose my temper, he might just hit me.”

STRESSFUL ORDEAL. Sa sobrang stress dala ng insidente, pag-uwi ng bahay ay dalawang beses umanong nagsuka si Rita.

Kinabukasan ay nakaranas din umano siya ng “severe bleedings” at saka hinimatay.

Aniya, “My blood pressure went down to 60/40. I underwent several tests and procedures. The doctor said it all boiled down to stress.”

Sa huli, inihayag ni Rita na ipinauubaya niya sa GMA Network kung anong karampatang aksiyon ang ipapataw kay John.

Ang tanging hiling ng aktres ay ayaw na niya muling makatrabaho ang aktor.

“I believe you ought to know this because John might do this again to other actresses.

“I leave in your hands what you think is right for John Regala but I dont wish to work with him again,” saad ni Rita.

INSTAGRAM POSTS. Tila kaugnay ang insidenteng pambabastos diumano ni John kay Rita sa Instagram post ng aktres noong August 1.

Dito ay ipinakita ni Rita ang larawan ng maliit na pasa niya sa hita. Kalakip nito ay ang caption na nagsasabing: "From yesterday’s [July 31] taping.

"Aside from being harassed, nasanggi pa ako pag upo ng padabog sa eksena ng co-actor ko. Buti di ako napisa.

"I went home so depleted from stress.

"Until today, I feel sick (throwing up, lbm, hyperacidity, bad cold).

"Pasensha na po sa announcement ng mga sakit ko. Buhay artista. Sa gitna ng lahat ng discomfort at problema, pipilitin maka arte para sa sining at para sa produksiyon."

Kasunod nito ay ni-repost ni Rita ang larawan na kuha ni Direk FM habang nasa loob ng emergency room ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comment thread ng naturang post, sinagot ni Rita ang mga kasamahan niya sa showbiz at pati na rin fans na nagtatanong kung bakit isinugod siya sa ospital.

Sabi ni Rita, "Last Friday, my BP went down to 60/40. Whew! Thank God for saving me."

Base sa mga sumunod na Instagram posts ni Rita, "almost four days" siyang nagpagaling sa ospital.

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng mga kaibigan niyang nagdasal para sa kanyang speedy recovery.

THE OTHER SIDE. Kinontak ng PEP ang direktor na si Adolf Alix Jr. kagabi, August 14, upang kumpirmahin kung nagsumite nga ng complaint letter si Rita sa GMA kaugnay ng insidenteng nangyari sa taping ng idinirek niyang episode para sa Wish Ko Lang!.

Sagot ng direktor sa text kagabi rin: "Yes she filed a report."

Sinubukan din ng PEP na hingan ng karagdagang pahayag si Rita tungkol sa kanyang isinumiteng incident report sa GMA network, sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook, ngunit hindi pa ito sumasagot sa ngayon.

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP ngayong araw, August 14, sa Viva Artists Agency (VAA), na siyang humahawak ng career ni John, at sa GMA News and Public Affairs upang kunin ang kanilang panig sa isyung ito.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin kaming nakukuhang sagot mula sa magkabilang kampo.

Agad na ilalathala ng PEP ang panig ni John kapag nakuha na namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN