Judy Ann Santos saddened by shouting match between Mother Lily and Alfie Lorenzo

Aminado si Judy Ann Santos na may kinalaman sa paggawa niya ng pelikula ni Direk Joey Reyes na Mga Mumunting Lihim, noong 2012, ang ugat ng galit ng manager niyang si Alfie Lorenzo sa direktor. Ito rin ang dahilan ng sagutan nina Alfie at Mother Lily Monteverde noong nakaraang linggo. Saad ng aktres, “It was a situation na nangyari naman sa aming tatlo. Hindi na siya dapat lumabas kasi hindi naman na involved ang ibang tao doon. So, that was two years ago.


Ikinalungkot ni Judy Ann Santos ang naganap na palitan ng maiinit na salita sa pagitan ng talent manager niyang si Alfie Lorenzo at Regal Entertainment matriarch na si Lily Monteverde.

Sa ginanap na press conference ng bago niyang show sa ABS-CBN, ang weekly reality series na I Do, ngayong araw, August 20, tinanong si Judy Ann tungkol sa naganap na sagutan nina Alfie at Mother Lily noong nakaraang linggo.

Read: Mother Lily Monteverde engages in heated argument with Alfie Lorenzo

Bagamat may pag-aalinlangan bago magsalita, sinagot pa rin ni Judy Ann ang tanong.

Saad niya, “Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ko sasagutin because pareho ko silang mahal.

“Sana lang nga, hindi na lang nangyari.

“If we can only turn back that day, noong nangyari ‘yon, sana lang puwede ko siyang burahin ng liquid paper and ma-erase siya sa Internet, sa media, and everything.”

Dagdag pa ni Judy Ann, “It was an ugly situation of two friends.

“All I can do now is to pray na sana, someday, you know, ma-patch up nila itong nangyari because magkaibigan talaga silang tunay.

"And sana hindi na lang ito maulit."



BACKGROUND STORY. Nagsimula ang sagutan nina Mother Lily at Alfie sa presscong bagong pelikula ng Regal na Somebody To Love noong nakaraang linggo.

Umalma si Mother Lily nang marinig na tinawag ni Alfie na "malas" si Joey Reyes, ang direktor ng Somebody To Love.

Inamin ni Judy Ann na ang maaaring pinanggalingan ng galit ni Alfie kay Direk Joey ay nang gawin ng aktres ang Cinemalaya 2012 entry ng direktor na Mga Mumunting Lihim.


Hindi kasi nakapagpaalam si Direk Joey kay Alfie nang kunin niya ang aktres sa kanyang pelikula.


Read: Jose Javier Reyes apologizes to Alfie Lorenzo for miscommunication: “Inaamin ko. I’m asking... humihingi ako ng sorry.”

Kuwento ni Judy Ann, “Nagkaroon ng feeling si Tito Alfie na parang na-bypass siya or something, pero napag-usapan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Two years ago na ‘yon, so it was a little thing na dapat hindi na lang lumaki.

“It was a situation na nangyari naman sa aming tatlo.

“Hindi na siya dapat lumabas kasi hindi naman na involved ang ibang tao doon.

“So, that was two years ago.

"I never thought na aabot pa siya sa ganito, na may iba pang taong madadamay.”

BRIDGE TO RECONCILIATION? Nang tanungin kung posibleng maging tulay siya sa pag-aayos nina Mother Lily at Alfie, sagot ng actress-TV host, “May mga bagay na hindi natin hawak.

"Ayaw kong sabihin na magiging tulay ako, kasi pareho naman na silang alam na nila ang ginagawa nila.

“At hindi ako ang magiging daan para magsabi kung ano ang dapat nilang gawin dahil hindi hamak naman na mas bata ako sa kanila.

“At ayaw ko naman sabihin na dinidiktahan ko sila, kasi hindi naman ako naging ganun to begin with.

"All I can do now is to pray that everything will be okay.

“Sana lang, sana lang hindi na siya nangyari.”



NO CHANGE IN MANAGEMENT. Samantala, dahil sa nangyari ay muling lumalabas ang isyung magpapalit ng manager si Judy Ann Santos.

Tinawanan lamang ito ng aktres at sinabing, “Hindi naman yata mawawala ‘yon, especially now with the issues with Tito Alfie.

“Palagi namang napapag-usapan ‘yan, 16 pa lang ako.

“Ilang dekada pa ba ang pagdadaanan ko bago matapos yung issue na ‘yan?”

Ayon kay Judy Ann, ang pagkakaiba lang ay nakikialam na siya ngayon sa mga proyektong gagawin niya kumpara noong kabataan niya.

“Nagkataon lang yung ngayon kasi, ako kasi, gusto ko na alam ko yung ginagawa ko.

“So, ‘yon naman ang usapan namin, ganun lang.

"Wala namang palit ng manager, walang tanggalan ng responsibilidad.

“It’s just that since mas mature ako ngayon, may pamilya ako, I have to be responsible for my actions, for the work na tatanggapin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan gusto ko at alam ko ang gagawin ko at papasukin ko kasi may mga [anak] ako at asawa ako.

“Kung dati kasi, okay lang dahil ako lang.

“Pero ngayon kasi, may pamilya na ako.

"Kailangan ko naman ding ituon ang oras ko sa kanila,” pagtatapos ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN