Vhong Navarro comes face to face again with Cedric Lee, Deniece Cornejo in court

Muling nagharap sa korte si Vhong Navarro at ang mga akusado sa kasong grave coercion na isinampa ng aktor laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Ngunit tumangging magsalita ang mga sangkot sa kaso, sa halip ay ang kani-kanilang mga abugado ang nagbigay ng pahayag sa media.


Inabot ng halos tatlong oras ang hearing para sa Judicial Dispute Resolution (JDR) kaugnay ng kasong grave coercion na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Ginanap ang pagdinig sa sala ni Judge Marilou Tamang ng Branch 73 ng Taguig Metropolitan Trial Court kahapon, August 26, alinsunod na rin sa utos ni Judge Bernard Bernal ng Branch 74 ng Taguig-MTC.

Ang kasong isinampa ni Vhong ay may kinalaman sa pambubugbog sa kanya ng grupo nina Cedric sa condo unit ni Deniece noong January.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ang utos ni Judge Bernal ay magkaroon muna ng JDR kung kaya pang maayos ang dalawang kampo bago ituloy ang trial.

Dito pinagharap si Vhong at ang mga akusadong sina Cedric, Deniece, at Zimmer Raz.



THE LAWYERS. Pagkatapos ng hearing ay hindi nagbigay ng anumang statement ang apat sa media tungkol sa nangyari sa loob ng korte.

Sa halip, ang mga abugado ng magkabilang panig ang nagsalita sa media na naghihintay sa labas ng courtroom.

Ang abugado ni Deniece na si Atty. Salvador Panelo ang unang humarap sa media.

Wala siyang maibigay na detalye dahil hindi raw kasama ang mga abugado sa paghaharap ng mga taong sangkot sa kaso.

Sabi ni Atty. Panelo, “Wala kami sa loob, e, so we don’t know.

“Confidential kung ano’ng nangyari sa loob, so walang nakaakaalam.”

Dagdag niya, “Kasi another rule is puwedeng walang abugado, mga parties muna.

“Kumbaga, call ng judge yun.

“Ang ginawa ngayon ng judge, gusto niya kausapin individually, walang lawyers, walang family members, ganun.”

Ngunit sa parte ni Vhong ay pinayagan itong samahan ng isang family member. Ngunit tumangging banggitin ng legal counsel ng aktor na si Atty. Alma Mallonga kung sino ito.

Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Atty. Mallonga kung ano ang nararamdaman ng kanyang kliyente pagkatapos nitong humarap sa mga taong nambugbog sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng abugado ni Vhong, “Ang puwede ko lang ma-share ay hindi madaling proseso ito para kay Vhong.

“Kasi every time that there is a hearing like this, he is confronted by the reality of what happened to him, pero he remains strong.

“Kung meron man siyang takot ay kanyang binabalewala yun, because what is more important is that he has the fortitude and continue the fight.”

NEXT HEARING. Hindi pa raw tapos ang JDR dahil ipinag-utos ng korte na ipagpatuloy ito sa September 4, at meron pang isa sa October 2 na kailangang daluhan nilang lahat.

Sabi ni Atty, Mallonga, sa hearing sa susunod na linggo ay hindi pa raw kailangan doon si Vhong.

Ngunit tiniyak ng abugado na kahit may naka-schedule pang mga JDR, pinal na raw ang desisyon ni Vhong na hindi magkaroon ng settlement.

Sagot dito ni Atty. Panelo, hindi naman nila narinig ang impormasyong ito sa aktor mismo kundi sa abugado lamang nito.

Pahayag naman ni Atty. Mallonga, “Ang reaction ko ay siguro hindi naman tayo nag-iimbento kung ano ang saloobin ni Vhong.

“I’d ike to think that I am intellectually honest enough and intelligent enough to discern what Vhong is trying to say and what is in his heart.

“Pero ang katotohanan, totoo yun, na palagay ko, at the end of the day, the judge will want to hear it from Vhong himself.

“And I think he has articulated that and I think he will continue to articulate what is in his heart to the judge.”

Tinitiyak ni Atty. Mallonga na wala silang impluwensya sa magiging kahihinatnan ng kasong ito.

“Wala na kasi sa ating kamay kung anong mangyayari.

“We’re just participating—Vhong as the private complainant, kami bilang kanyang abugado.

“We’re just following the law and representing what we can present.

“Kung ano man ang kahihinatnan nito ay hindi nasa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kaming ability to influence the outcome. We’re just participating in the process.”

Nagbigay naman ng pahayag ang kampo ni Deniece na bukas ito sa apology mula kay Vhong.

Si Atty. Mallonga pa rin ang sumagot nito.

Aniya, “Siguro pananaw yun ng isang abugado ng isa mga akusado.

“So, that’s his opinion. We do not agree.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN