Dingdong Dantes not worried about career status after wedding to Marian Rivera

Patuloy na tinatanong ng karamihan kung magkakaroon ba ng prenuptial agreement ang "Kapuso royal couple" na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero sabi ng Kapuso Primetime King, hindi pa nila ito napag-uusapan ng kanyang fiancée.


Hindi pa raw napag-uusapan ng "Kapuso royal couple" na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang tungkol sa prenuptial agreement.

Matatandaang isa ito sa naging taong sa dalawa ng media nang magkaroon sila ng presscon pagkatapos ng second proposal ni Dingdong kay Marian.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera have yet to discuss prenuptial agreement

Ayon kay Dingdong, “Alam mo, sa totoo lang, hindi pa namin napag-uusapan yun.”

Wala bang nag-bring up sa kanilang dalawa ni Marian tungkol dito?

Sagot ng GMA Primetime King, “Well, individually, we are aware that these are issues that we ourselves will have to address eventually. Pero hindi pa talaga napapag-usapan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang local media si Dingdong sa presscon na ginanap kaninang tanghali, August 28, sa Limketkai Luxe Hotel, Cagayan de Oro City.

Nasa CDO si Dingdong, kasama sina Alden Richards at Maricris Garcia, para sa Kapuso Fiesta kaugnay ng Kagay-an Festival ng naturang lalawigan.

Gaganapin ang show ng GMA artists bandang alas-singko ng hapon ngayong araw, via Bet ng Bayan contestants showdown bago ang Kapuso Fiesta sa SM City, Cagayan de Oro.

ON CAREER AFTER WEDDING. Inusisa rin ng PEP ang aktor sa obserbasyon na kapag nag-aasawa na raw ang mga artista ay unti-unti nang lumalamlam ang mga career nito.

Pero pahayag ni Dingdong, “Para sa akin, ang ultimate na objective ng tao sa mundo, hindi naman paramihan ng fans, kung hindi paramihan ng mga taong bubuuin mo, mga taong gagawin mong masaya, regardless kung marami sila o konti.

"Ang mahalaga, hindi yung quantity kundi yung quality.

“Para sa amin, yung mga mahahalagang tao, yung mga nasa paligid namin, mga mahal namin.

"’Tsaka yung mga taong sumama sa amin mula umpisa hanggang dulo."



NINONGS AND NINANGS. Isa rin sa detalyeng hindi pa sinasagot nina Dingdong at Marian ay kung sino ang mga magiging ninong at ninang sa kanilang kasal na gaganapin sa December 30, 2014, sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nitong nakaraang weekend, nagkaroon daw ng dinner ang dalawa kasama ang mga napupusuan nilang maging principal sponsors sa kanilang kasal.

Kuwento ni Dingdong, “So, kinumpleto na namin yung listahan nung Sabado, pero meron pa kaming isang inaantay na lang.”

Maaari na ba siyang magbigay ng ilang mga pangalan na pumayag nang maging ninong at ninang sa kasal nila ni Marian?

Natatawang sagot ng soon-to-be-groom, “Naku, magagalit sa akin yun, e! May usapan kami na sabay namin ia-announce.

"Pero, pretty soon, September 7, we will have an intial gathering of our sponsors.

"So, by then, malalaman na siguro 70 percent of our principal sponsors."

Pero exclusive lang daw ito sa kanila at sa mga taong gusto nilang maging gabay sa kanilang buhay mag-asawa.

Gagawa rin daw sila ng video na iri-release sa media pagkatapos ng naturang dinner.

Inusisa ng PEP kung kasama ba sa pangalan ng mga ninong at ninang sina Governor Vilma Santos at Ogie Alcasid.

Pero sabi ni Dingdong, hindi pa nila nakakausap ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN