Mayor Rodrigo Duterte and Ramon Bautista kiss and make up

Mahigit isang linggo pagkatapos ang pagbibiro ni Ramon Bautista sa mga kababaihan ng Davao City sa pamamagitan ng pagtawag sa mga ito ng "hipon" at pagdedeklara sa kanya bilang persona non grata, tila napatawad na ni Mayor Rodrigo Duterte ang komedyante.


Nagkaayos na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Ramon Bautista, isang linggo pagkatapos ideklarang persona non grata ang komedyante sa pamamagitan ng isang resolution ng city council.

Ito ay dahil sa pagtawag ng “hipon” ni Ramon sa mga kababaihang nanood ng show bilang bahagi ng pagdiriwang ng sa Kadayawan Festival, sa Davao City, noong August 16.

Read: Ramon Bautista declared persona non grata in Davao City

Ayon sa report ng GMA News Online ngayong araw, August 28, pinadalhan pa ni Mayor Duterte ng handwritten note si Ramon na naglalaman ng: “Ramon, Mabuhay Ka!”

Ipinost naman ito ng komedyante sa kanyang Instagram account.

Caption pa rito ni Ramon: ""Ramon, si Rodrigo ito..." ang bungad nya. Tapos nag usap kami... and there was peace <3 #MabuhayKaRinMayor #RespectForThisCoolGuy #LoveFriendshipAndGoodwill #WorldPeace thank you @gangmanila for making it happen<3"

Idinetalye rin ng GMA News Online kung paano nagkaayos sina Mayor Duterte at Ramon.

Nagsilbing tulay ang RockEd founder na si Gang Badoy, na kaibigan ni Ramon.

Nagkita sina Gang at Mayor Duterte sa Davao City airport, kung saan ipinaalam ng una ang proyekto ng RockEd na pagtatayo ng park sa Davao del Sur mula sa recycled materials.

Pagkatapos nito ay binanggit ni Gang kay Mayor Duterte ang naging isyu ni Ramon at sinabi nitong, “If you met under different circumstances, you’ll really enjoy his company.”

Ayon kay Gang, sumagot si Mayor Duterte ng: “Parang okay naman talaga siya, mahirap yung ginawa niya, mahirap mag-sorry.”

Biro pa raw ng mayor, “Ako nga, sa girls lang ako nagso-sorry.”

Matatandaang agad na humingi ng paumanhin si Ramon sa mga taong nanood ng show niya sa Kadayawan Festival ilang sandali pagkatapos ng kanyang ginawang biro.

Bukod dito ay nag-apologize din ang komedyante sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Read: Ramon Bautista gets flak after calling Davao women "hipon"; comedian apologizes

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mayor Duterte, tinawagan ni Gang si Ramon upang ipaalam kung ano ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin naman ni Mayor Duterte na may kausap si Gang sa ‘di kalayuan, kaya tinanong niya ito: “Si Ramon ba ‘yang kausap mo?”

Nilapitan ni Mayor Duterte si Gang at nakipag-usap kay Ramon sa speakerphone.

Kuwento naman ni Ramon, sinabi raw sa kanya ni Mayor Duterte: “Ramon, si Rodrigo ito.”

Dito na raw nagkaayos ang komedyante at ang alkalde ng Davao City.

Habang papunta na sa airport parking lot, tinawag na naman daw ni Mayor Duterte si Gang.

Ayon kay Gang, nagbiro raw si Mayor Duterte ng: “Padadalhan ko si Ramon ng kilo-kilong hipon.”

Ito ay pagtukoy sa ginawang biro ni Ramon sa Kadayawan Festival na “hipon” daw ang mga kababaihan ng Davao City.

Ang “hipon” ay isang birong salita na tumutukoy sa mga taong may magandang katawan ngunit pangit ang mukha.

Ngunit iminungkahi raw ni Gang na sa halip magpadala ng hipon ay sumulat na lang siya ng maikling note kay Ramon, na siya ngang ginawa ng alkalde.

Wala namang pahayag si Mayor Duterte kung pagkatapos ng kanilang pagkakaayos ay babawiin na rin ng city council ng Davao City ang resolution na nagdedeklarang persona non grata kay Ramon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN