Heart Evangelista denies wedding to Sen. Chiz Escudero bumps off another wedding in Balesin resort

Heart Evangelista demurs when asked if she will allow media coverage at her wedding: “Parang buong buhay ko na soap opera, soap opera pa ang [wedding] ko? ’Di ba, sa akin na lang ‘yon?”


“You wouldn’t want to be sad on the day you’re supposed to be happy.”

Ito ang pahayag ni Heart Evangelista tungkol sa kumakalat na Facebook post na nagsasabing ang planong kasal niya ang dahilan ng pagka-cancel ng isa pang kasal sana sa exclusive resort sa Balesin Island Club, sa Balesin Island Club, sa Polillo, Quezon Province.

Kahapon, August 31, nag-post ang Facebook user na Ria Gamboa tungkol sa diumano’y pagka-bump off ng dapat sana’y kasal ng kanyang kaibigan sa Balesin dahil sa umano’y planong pagpapakasal ng isang celebrity-politician couple.

Sa comments, inilagay ng kilalang tour guide at activist na si Carlos Celdran, "Chiz and Heart are marrying in Balesin?"

May ilan pang kaibigan ng nag-post ang tumukoy kina Heart at Senator Francis "Chiz" Escudero, subalit hindi ito pinangalanan ng nag-post.

Agad naman itong itinanggi ng Kapuso actress-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na launch ng bagong produktong iniendorso niya, ang Pond’s Dew Rose Whitening Soft Gel, kaninang hapon, September 1.

Hindi ito totoo, sabi ni Heart, dahil sa ngayon ay wala pa silang tiyak na plano ni Chiz kung saan at kailan gaganapin ang kanilang kasal.

Aniya, “Actually, I think it’s really unfair that there are people on Facebook… and the way they say it na parang they know all the details.

“There’s no truth to it. I think that’s the best way that I could answer that.

“In fact, if they really wanna look into it, go ahead and check Balesin.

“We’re not like that. This is the best day of our lives, I’m a bride-to-be, she’s a bride-to-be. Who would do that to any bride-to-be?

“There’s no truth to it and I hope ma-iron out nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRIVATE WEDDING. Dahil kailan lamang nangyari ang marriage proposal ni Senator Chiz kay Heart, sabi ng aktres, hindi pa nila lubusang napagtutuunan ng pansin ang paghahanda sa kanilang kasal.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Aniya, “Ngayon pa lang siya nagsi-sink in.

“Ngayon pa lang ako tumitingin ng pictures, ng dates, ng gowns, kung saan, wala pa akong idea.

“Nandoon pa lang kami sa planning stage kung saan talaga, kung kailan ba talaga, kung sino ang pupunta.

“But one thing is for sure, we want it very intimate, very private.

“Then, we want one big party here sa Manila sa reception na lahat talaga ay invited.

“Pero the wedding, we want it very intimate, just the two of us, very far away.

"So we could get away with reality and pause time, and we could really just lock that moment na na-enjoy naming dalawa ‘yon.”

Nang tanungin ng isang reporter kung magkakaroon ng media coverage, nag-aalangang sagot ni Heart, “Well, of course, there will be a coverage. But I’m not sure yet if I want it special.

“Parang buong buhay ko na soap opera, soap opera pa ang [wedding] ko? ’Di ba, sa akin na lang ‘yon?”

Sa kabila nito, sabi ni Heart, ibabahagi niya ang espesyal na okasyong ito sa buhay niya sa kanyang masugid na followers.

Paniniguro niya, “For sure, I will share it with my fans.

“I mean, I’m a public figure and that’s part of our lives, to inspire them, to make them kilig, why not?

“But for me to have a special or whatever, that’s something I really have to think about.

"As of now, it’s a no."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN