Balesin Island resort owner clears Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero in wedding-bump off issue

Robert Ongpin, owner of Balesin Island Club resort, issued a statement clearing Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero in the Balesin wedding controversy. He also confirmed that the couple has decided on Balesin as their wedding venue.


Isang member ng Balesin Island Club ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng statement ni Robert Ongpin, ang may-ari ng exclusive-for-members-only resort, tungkol sa kontrobersiya ng isang kasal na diumano’y naapektuhan o “na-bump off” ng February 2015 wedding nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Noong August 31 ay nag-post sa Facebook ang isang Ria Gamboa tungkol sa diumano’y pagka-bump off ng dapat sana’y kasal ng kanyang kaibigan sa Balesin dahil sa umano’y planong pagpapakasal ng isang celebrity-politician couple.

Ayon sa mga komento sa Facebook post na ito, ang tinutukoy na "celebrity-politician couple" ay sina Heart at Chiz.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Heart sa panayam sa kanya ng media kahapon, September 2.

Read: Heart Evangelista denies wedding to Sen. Chiz Escudero bumps off another wedding in Balesin resort

Naglabas ng statement si Ongpin para matuldukan na ang mga batikos laban kina Heart at Chiz.

Ang statement ni Ongpin din ang katunayang may plano sina Heart at Chiz na idaos sa Balesin Island ang kanilang private wedding.

Ito ay sa kabila ng pahayag nina Heart at Chiz na hindi pa nila napagdedesisyunan kung kailan at saan gaganapin ang kanilang kasal.

Ngayong hapon, sa panayam ni Senator Chiz sa Senate reporters ay nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa isyung ito.

Saad niya, "Actually, hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng issue.

"Kung may issue man sila sa Balesin, issue nila yun.

"Sa parte namin, ni wala pa kaming pinal na petsa o lugar.

"Paano naman kami magiging dahilan at madadamay sa issue na ’yan?"

UPDATE: Napag-alaman ng PEP na ang final date at venue ng kasal nina Heart at Chiz ay sa February 15, 2015, sa Balesin Island.



ROBERT ONGPIN’S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Robert Ongpin:

“I am presently in Europe, but my daughter Anna and nephew Apa have just called my attention to a Facebook entry in which someone claimed that their friends were ‘bumped off’ for their proposed February 14 (Valentine’s Day) wedding at Balesin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At first, I was amused by the report, but it seems to be getting some traction and I wanted to set the record straight for everyone.

“I wish everyone to know that it was I who actually invited Heart and Chiz to have their wedding at Balesin when I had dinner with them shortly after they returned from their trip to Paris sometime in July and even before they announced their formal engagement.

“I was therefore very pleased when Chiz and Heart called me a few weeks ago to tell me that they had finally decided on Balesin as their wedding venue.

“As many of you know, both Chiz and Heart have been friends of mine for some time now.

“Balesin is one of their favorite places and they go there quite often with their families and friends.

“After receiving the confirmation from Chiz and Heart, I immediately checked with our Reservations people who told me that nobody had actually confirmed February 14 as of that time, so I told them to block it off.

“So, nobody has been ‘bumped off.’

“I think Heart and Chiz prefer the Royal Villa (which is presently under construction and will be completed by October), but they are also thinking about Toscana Village, which is quite a magnificent venue for a wedding.

“Actually, as long as the wedding parties do not consist of a thousand people, but only a few hundred guests, we can accommodate more than one wedding party at Balesin, even during peak season.

“I have dictated this to my secretary from Europe because I think it is a serious matter in which innocent people are being unfairly criticized, and in order to settle the issue once and for all.”

CESCA LITTON. Ayon naman sa ilang reports, ang sinasabing dapat sana’y ikakasal din sa Balesin resort ganoong petsa sa nasabing ay ang TV personality na si Cesca Litton at ang non-showbiz boyfriend nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumakas ang espekulasyon na si Cesca nga ang tinutukoy dahil sa mga mensahe niya sa social media.

Kahapon, September 1, ay nag-post si Cesca sa Instagram (checklit) ng larawan nila ng kanyang fiancé at may caption itong: "I don’t care where we get married. I just want you by my side for the rest of my life. I love you so much."

Kahapon din ay nag-post si Cesca ng mensaheng ito sa kanyang Facebook account:

"It is unfortunate that hard work, time, and effort, mean nothing when all it takes are the right connections for other people. I’ve long learned that histrionics and tantrums get you nowhere. On my own, my strength falters. With Him? I can do anything."

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesca, sa pamamagitan ng Twitter, upang kumpirmahin kung may kinalaman ba sa kasal nina Heart at Chiz ang posts niya sa social media.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Incidentally, sina Heart at Cesca ay parehong ex-girlfriends ng aktor na si Jericho Rosales, na kamakailan lang ay nagpakasal na kay kim Jones.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN