Cesca Litton claims her wedding in Balesin was bumped off in favor of Heart and Chiz

Sa isang statement, sinabi ng TV host na si Cesca Litton na kung alam lang nilang isang tawag lang sa may-ari ng Balesin Island Club ang kailangan para makapagpa-reserve ng schedule sa resort, ay ginawa na sana nila. Matutuloy pa rin daw ang wedding nila ng fiancé niyang si Tyke Kalaw ngunit sa ibang venue na ito gagawin.


Kinumpirma ni Cesca Litton na sila nga ng fiancé niyang si Tyke Kalaw ang nagpaplanong magpakasal sana sa Balesin Island Club, sa February 14, 2015, ngunit hindi natuloy dahil sa isang "celebrity-politician couple" na nagpa-reserve din daw sa ganoong petsa.

Sa statement na ipinadala ni Cesca sa Aquino and Abunda Tonight kagabi, September 2, sinabi nitong makailang beses nilang tinanong ang namamahala ng exclusive-for-members-only resort kung bakante pa ba ang naturang petsa.

Sinabi naman daw sa kanila na available pa ito.

Dumaan din daw sila sa proseso ng pag-ocular inspection sa lugar at food tasting.

Si Toni Gonzaga ang nagbasa ng statement ni Cesca sa programa. Pansamantalang humalili si Toni at ang kapatid nitong si Alex Gonzaga bilang hosts ng Aquino and Abunda Tonight kagabi dahil may karamdaman ang isa mga host ng programa na si Kris Aquino, habang si Boy Abunda naman ay naka-leave pa rin.

Sabi pa ni Cesca sa kanyang statement, ipinaalam nila sa mga namamahala sa reservation, nang una nilang gawin ang ocular, na gusto nilang gawin ang wedding ceremony sa chapel, ang cocktails sa Balesin sala, at ang reception sa Toscana Village.



"IT CAME AS A SURPRISE…" Nitong lamang daw nakaraang buwan ay bumalik sila ng fiancé niya sa Balesin, kasama ang kanilang wedding coordinator at stylist, para sa "second round of oculars, food tasting, plan table layouts, sat down with managers to discuss logistics…"

Muli raw nilang nilinaw sa management kung available pa ang February 14 na petsa.

Pero nagulat daw sila nang makatanggap ng tawag mula sa kanilang wedding coordinator nito lamang Sabado, August 30, na naaprubahan na raw ang February 14, 2015 wedding date ng aktres na si Heart Evangelista at ni Senator Chiz Escudero.

Ito ay pagkatapos daw makausap nina Heart at Chiz ang may-ari ng resort na si Robert Ongpin upang i-reserve ang nasabing petsa.

Sabi pa ni Cesca, “Have we known that all it took was a call to the owner, then perhaps none of those formalities should have been followed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In all our trips to Balesin and discussions with management asking to reserve Feb. 14, 2015, we were always told it was available.

“We would not have invested time and money, including flying out our coordinator and stylist, had they informed us that the venue was booked from the beginning.”

Hindi sinabi ni Cesca sa kanyang statement kung nagbigay na sila ng down payment o reservation fee sa Balesin Island Club.



HEART REACHES OUT TO CESCA. Sa diskusyon naman nina Toni at Alex sa programa kagabi, sinabi ng una na may mga nakausap siyang malapit kay Cesca na nasaktan daw para sa TV host dahil sa mga pinagdaanan nito sa kanyang wedding preparations.

Si Tyke naman daw ay miyembro rin ng Balesin Island Club.

Sa ngayon ay nagdesisyon na sina Cesca at Tyke na humanap na lamang ng ibang venue para sa kanilang kasal.

Samantala, nakausap daw ni Toni ang make-up artist ni Heart na si Albert Kurniawan, at nagkataong kasama nito ang Kapuso actress-TV host.

Sinabi raw ni Heart kay Toni na sinusubukan niyang mag-reach out kay Cesca, sa pamamagitan ng kanilang common friends, para maipaliwanag ang kanilang panig.

Sina Heart at Cesca ay kapwa naging kasintahan ng aktor na si Jericho Rosales, na kailan lamang ay nagpakasal na sa TV host na si Kim Jones.

BALESIN RESORT OWNER. Kaugnay pa rin ng isyung ito ay naglabas ng statement ang may-ari ng Balesin Island Club na si Robert Ongpin kahapon, September 2.

Sinabi ni Ongpin na siya mismo ang nag-imbita kina Heart at Chiz na sa Balesin gawin ang kanilang kasal nang magkita sila sa isang dinner noong July 2014, ilang araw pagkatapos ng bakasyon ng magkasintahan sa Paris at bago pa ianunsiyo ng dalawa ang kanilang "formal engagement."

Dagdag niya, “After receiving the confirmation from Chiz and Heart, I immediately checked with our Reservations people who told me that nobody had actually confirmed February 14 as of that time, so I told them to block it off.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nobody has been ‘bumped off.’"

Sa hiwalay na panayam kina Heart at Chiz, sinabi nilang wala silang kinalaman sa isyung ito dahil hindi pa raw nila napagdedesisyunan talaga kung anong petsa at saan gagawin ang kanilang kasal.

Read: Balesin Island resort owner clears Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero in wedding-bump off issue

Ngunit ayon sa pinakahuling ulat na natanggap ng PEP, kumpirmado nang sa Balesin Island gagawin ang kasal nina Heart at Chiz sa 2015.

Yun nga lang, sa halip na February 14 ay sa February 15 ito gaganapin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN