Enchong Dee confirms relationship with model Samantha Lewis

“Nung na-realize ko na wala namang nakikinig na I want it private and I want to be quiet, sabi ko I don’t care anymore,” says Enchong Dee on why he decided to reveal the identity of his non-showbiz girlfriend.


“Sam is my girlfriend.”

Ito ang masayang pahayag ni Enchong Dee na pormal na ipinakilala ang kanyang girlfriend na si Samantha Lewis (na may palayaw na Sam) sa ginanap na Star Magic ball sa Shangri-La Makati kagabi, September 6.

Ito ay sa kabila ng paninindigan ni Enchong sa mga nakaraang press events na walang makakapilit sa kanya na ihayag ang katauhan ng kanyang karelasyon.

Sa panayam ng ABS-CBNews.com ipinaliwanag ng aktor kung bakit biglang nagbago ang kanyang isip.

“Nung na-realize ko na wala namang nakikinig na I want it private and I want to be quiet, sabi ko I don’t care anymore.”

Nauna nang nabanggit ni Enchong na wala pang isang taon ang relasyon nila ni Sam.

READ: Enchong Dee admits relationship with non-showbiz girlfriend

Gusto sana ni Enchong na panatilihing pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

Ngunit mismong mga fans ng aktor ang tumukoy kay Sam bilang girlfriend ni Enchong noon pang Hulyo.

Kahit madilim ang mga photos na ibinahagi ng modelo sa kanyang Instagram account, agad na nakilala ng Netizens ang aktor sa mga sumusunod na larawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN