Female police officers speak up on Billy Crawford drunken incident

"Naitulak din po ako pero na-control ko na ’di bumagsak dahil puro bubog ang sahig," says PO1 Jasmine Zipagan when asked about Billy Crawford’s drunken flare-up at a precinct in Taguig City last September 7.


Kinontra ng nakasaksing police officers ang pahayag ni Billy Crawford na hindi siya pisikal na nakasakit nang magwala sa Police Community Precinct 7, Taguig City, noong madaling-araw ng Linggo, September 7.

Sa panayam ni Marisol Abduraman ng 24 Oras, idinetalye nina PO1 Rodelma Canao at PO1 Jasmine Zipagan na sila mismo ang nakaharap ni Billy nang dumating ang singer-TV host sa presinto at boluntaryong nagpapaditena.

Nagsimula umanong magwala ang It’s Showtime host nang malamang walang detention cell sa PCP 7, at wala ring sasakyang puwedeng magdala sa kanya sa Taguig headquarters upang doon magpaditena.

"Nagbilang sa mukha ko ng lima, kung wala pa raw mobile, sisirain na niya ang office," saad ni Canao sa panayam ni Marisol Abduraman ng 24 Oras kahapon, September 8.

Pagkatapos ay bigla-bigla na lang umanong nagwala si Billy at saka tinadyakan ang sliding door sa tanggapan ng naturang presinto.

Sa puntong ito ay tugma ang kuwento ni Canao sa salaysay ni Billy tungkol sa nangyaring insidente.

Ngunit base sa pahayag ni Zipagan, bukod sa nakasira ng gamit si Billy ay naitulak din ng 32-year-old singer/host/actor ang police officer.

“Naitulak din po ako pero na-control ko na ’di bumagsak dahil puro bubog ang sahig,” sabi ni Zipagan.

Taliwas ito sa sinabi ni Billy na wala siyang nasaktang babaeng police officer nang manggulo siya sa PCP-7.

"Wala naman akong nasaktan na tao," diin ni Billy sa panayam sa kanya noon.

Read: Billy Crawford apologizes for precinct incident

Inalmahan din ng dalawang babaeng police officers ang pahayag ng legal counsel ni Billy, si Atty. Jose Aspiras, na kaya uminit ang ulo ng It’s Showtime host ay dahil sa hindi pagresponde ng pulisya sa hinihingi nitong tulong.

Nabanggit kasi ng abugado sa panayam nito sa media kahapon na nagpunta si Billy sa presinto upang humingi sana ng proteksiyon laban sa nakaaway nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nanindigan sina Canao at Zipagan na ginawa nila nang tama ang kanilang trabaho at hindi dapat sisihin sa nangyaring gulo.

Maging ang Southern Police District Director na si Jose Erwin Villacorte ay sinegundahan ang pahayag ng dalawang police officers.

Sa mga susunod na araw ay magsisimula na ang preliminary investigation ukol sa reklamong malicious mischief at disobedient to a person in authority na inihain laban kay Billy sa Taguig Prosecutor’s Office.

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN