PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE. Edu Manzano to Ronnie Ricketts's camp: “Tigilan na nila ang kalokohan nila diyan!”

According to Edu Manzano, the camp of beleaguered OMB Chairman Ronnie Ricketts is behind death threats against him.
by Arniel C. Serato
Published Sep 10, 2014
Mariing pinabulaanan ng Tv host na si Edu Manzano ang akusasyon at bintang laban sa kanya ng kampo ni Ronnie Ricketts na may kinalaman siya sa suspensiyon nito bilang Optical Media Board (OMB) chief.

Halatang galit si Edu Manzano nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kagabi, September 9.

Kinausap ng PEP si Edu tungkol sa pangha-harass na naranasan niya sa mga tinagurian niyang “Ricketts cronies” na nagpapadala diumano ng mensahe ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Kaugnay ito sa pagkakasuspinde ng kasalukuyang chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie Ricketts dahil sa katiwaliang ginawa nito sa ahensiya, base na rin sa desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman.

May kinalaman ito sa napabalitang pagpapabaya diumano ni Ronnie sa isang post-raid operation ng OMB laban sa Sky Marketing Corporation (Sky High).

Napag-alaman kasi sa isang imbestigasyon na hinayaan diumano ni Ronnie na i-release ang nakumpiskang kahun-kahong pirated DVDs, VCDs, at video recorder ng naturang kumpanya, noong May 27, 2010.

Bunsod nito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Ronnie at ilan pang opisyal ng OMB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ronnie Ricketts suspended as Optical Media Board chief; set to file motion for reconsideration

Kahapon, sa pamamagitan ng Twitter, sunud-sunod na nag-post si Edu ng kanyang pagkadismaya at galit sa mga alagad diumano ni Ronnie na patuloy na nangha-harass sa kanya.

Ipinakita pa niya rito ang text messages na naipadala sa kanyang cell phone kung saan tahasang nakasaad dito ang banta sa kanyang buhay.

Dito ay nakasaad na si Edu diumano ang nag-impluwensiya kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na suspendihin si Ronnie bilang OMB chairman.

Read: Edu Manzano cries foul over alleged death threat from "Ricketts cronies"



“TIGILAN NA NILA ANG KALOKOHAN NILA DIYAN!” Mga bandang alas-siete kagabi ay tumawag sa PEP si Edu.

Dito ay inihayag niya ang kanyang damdamin sa mga maling paratang ng kampo ni Ronnie.

Saad niya, “Hindi ba kinasuhan si Ronnie Ricketts, tapos sinuspinde siya ng Ombudsman?

“Ang sinasabi ni Ricketts ay meron akong kinalaman dun sa pagsususpinde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sagot ko naman, ‘Ano ba'ng kinalaman ko sa Ombudsman?’

“Unang-una sa lahat, wala naman akong puwesto.

"Pangalawa, ang pagsususpinde sa kanya ay base dun sa mga natanggap nilang mga facts, yung mga ebidensiya.

“Ang Ombudsman… dalawang kaso ‘yan—criminal at administrative.

"So, ‘pag Ombudsman, ‘pag walang ebidensiya, hindi makakapagsuspinde yun.

“E, kahapon, may nagpadala sa akin ng threatening message, na binabantaan ako.

“Kung akala nila natatakot ako sa kanila, so sabi ko...

“Unang-una sa lahat, yung termino ni Mr. Ricketts ay natapos nung March 2013.

"Nasa hold-over capacity na lang siya. Hindi na talaga siya ang chairman.

"Nakaupo lang siya diyan dahil nag-aantay [ng kapalit].

“So, dapat ang pagnanakaw ay… tigilan na nila ang kalokohan nila diyan!"

Hindi kaya siya ang napagbintangan dahil napipisil siyang muling magbalik bilang tagapamuno ng OMB?

Nanungkulan si Edu bilang OMB chairman noong 2004 hanggang 2009.

Si Ronnie ang pumalit sa kanya nang matapos ang termino niya sa ahensiya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagtanggi ni Edu, “Ay, hindi na. Hindi na ako puwede.

“Ang OMB kasi ay two terms lang, ayon sa Articles of Incorporations at 'tsaka by-laws.

"So, hindi puwede.

"Nakalaban nga namin ang partido ni PNoy [President Noynoy Aquino] ‘di ‘ba? So, bakit ako ang ilalagay dun?

"Wala."

Tumakbo si Edu bilang Vice President noong 2010 national elections, bilang running mate ni Gilberto Teodoro Jr., sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi-CMD.

Pagpapatuloy pa niya, “Si kuwan kasi, kahit tapos na, ayaw bitawan ni Ricketts yung kanyang posisyon kasi 'andami pa nilang kalokohan.

“Sila ang nag-death threat sa akin.

“May pagka-praning kasi ‘yan si Ricketts.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni Ronnie Ricketts kaugnay nga mga sinabing ito ni Edu Manzano.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariing pinabulaanan ng Tv host na si Edu Manzano ang akusasyon at bintang laban sa kanya ng kampo ni Ronnie Ricketts na may kinalaman siya sa suspensiyon nito bilang Optical Media Board (OMB) chief.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results