Karylle dismisses ’curse’ on It’s Showtime hosts: "I choose not to believe it..."

When asked if she believes that there is a “curse” on It’s Showtime hosts after some of them have been involved in controversies, Karylle answered: “I really believe words are powerful, that’s why ako, I choose my words carefully because your thoughts become what you say and then it happens.”


Nagsalita si Karylle tungkol sa isyung kinasangkutan ng kanyang It’s Showtime co-host na si Billy Crawford.

Nang tanungin kung anong suporta ang ibinibigay niya at iba pang co-hosts ng daily noontime show ng ABS-CBN kay Billy, sagot ng singer-actress-host, “We haven’t seen him, so it’s a little bit hard to say.

"Kami naman, we all go through ups and downs.

"We’re always there for the victories.

"We’re also there for the moments when you really need each other the most."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Karylle sa pagpapakilala sa kanyang bilang pinakaunang endorser ng Status Hair Salon, na ginanap sa Dulcinea restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 10.

Hindi muna mapapanood si Billy sa It’s Showtime matapos niyang masangkot sa isang insidente ng pagwawala sa isang presinto sa Taguig City, ilang oras pagkatapos ng 8th Star Magic Ball noong Sabado, September 6.

Nagresulta ang pagwawala ni Billy sa pagkaka-detain niya sa Taguig Police Headquarters ng isang araw.

Read: Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig police precinct; clarifies he did not hurt anyone

Isang reporter ang nagtanong kay Karylle kung totoo bang nasuspinde si Billy dahil sa inasal niya at pinapalabas lang na nagbakasyon ito.

“Wala naman akong nababalitaan na ganun,” sagot niya.

Idinagdag din ni Karylle na nagsu-shooting ngayon si Billy para sa sequel ng comedy movie na Moron 5 and the Crying Lady.

Tinanong ng PEP ang singer-actress kung ang naging dahilan nga ba ng inasal ni Billy ay ang matinding pressure sa dami ng ginagawang trabaho, gaya ng paliwanag ng manager ng singer-actor sa media.

Saad niya, “I can’t really speak for him or anyone else.

"But for myself, it’s a different demand siguro, and different pressure, so we all have our own ways of dealing with it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PRESSURE. Inamin din ni Karylle na hindi biro ang pagiging host ng isang daily noontime show at maging siya ay nararamdaman ang pressure.

Paano niya hina-handle ang pressure mula sa trabaho?

“I take a lot of vacations din.

"It’s hard, let’s just say that. It’s not the easiest thing to do.

"But it’s also super fun, and I think I’ve come to see it in a different way from before.

"Like, yung appreciation level ko has risen so high."

Dugtong pa niya, “Siguro dahil anywhere you go, anyone you meet, iba na ang turing nila sa ‘yo.

“I was in CCP [Cultural Center of the Philippines] during the weekend for a musical and a doctor approached me.

"She said, ’I really feel close to you because of [It’s] Showtime.’

“Once you see yung fruit of your labor, how tiring it may be, parang nawawala.”

Sundot ng PEP, naniniwala ba siya sa opinyon ng ibang tao na tila may sumpa ang hosts ng It’s Showtime, lalo na’t ilan sa kanila ang nasangkot na sa mga pinag-usapang kontrobersiya.

Si Anne Curtis ay nasangkot sa isang slapping incident noong 2013 at napabalita rin ang engkuwentro nila ni Sam Concepcion nitong 2014.

Si Vhong Navarro naman ay naging kontrobersiyal dahil sa pagkakabugbog sa kanya noong January 2014 at inakusahan ng panggagahasa.

Ilang beses ding nasangkot sa kontrobersiya si Vice Ganda, partikular ang pagkakaroon niya ng isyu noon kay Jessica Soho at ang pagiging mainit niya sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Read: Vice Ganda gets into trouble with the MTRCB because of complaints against his ABS-CBN shows

Depensa ni Karylle, “I really believe words are powerful, that’s why ako, I choose my words carefully because your thoughts become what you say and then it happens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You could choose to believe it or not.

"I choose not to believe it, because I don’t wanna be part of anything [that] will bring anyone harm.

"Sometimes people connect the dots and the dots you usually see are the most obvious.”

READY TO BE A MOM. Samantala, tinanong din ang asawa ng Spongecola vocalist na si Yael Yuzon kung handa na ba siyang mabuntis at maging nanay.

Tugon ni Karylle, “Iba-iba yung mga advice... pinaplano na hindi, huwag masyadong dibdibin.

"Masyado yung pressure once you say, ‘I want it’ or ‘I want a baby at this age or after a year.’

"Parang masyado daw grabe yung pressure.

“Ako, may plano at the back of my head, pero ayoko masyadong isipin.”

Pero paglilinaw ni Karylle, “Anytime na dumating yung baby, ready na.

“Si Mama [Zsa Zsa Padilla] talaga ang nagpi-pressure na lagi niyang sinasabi, ‘Inaantay ko na ang apo ko.’”

Hindi raw minamadali ni Karylle ang sarili, pero pinaghahandaan niya ito nang paunti-unti.

“Slowly. Slowly talaga I’ve been preparing myself.

"I want, for example, water birth, so I’m preparing myself mentally for that, mga ganyan. Little things like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN