Louise delos Reyes not in a rush to make peace with Kylie Padilla

Louise delos Reyes related that she and Kylie Padilla greeted each other in Sunday All Stars. Although they are not yet on speaking terms, Louise considers the initiative a “good start.”


Kinumpirma ni Louise delos Reyes na ang pagpapaiksi niya ng kanyang buhok ay indikasyon ng pagkakaroon niya ng clean slate, matapos ang pagkakasangkot sa mga kontrobersiya nitong mga nakaraang buwan.

Saad ng Kapuso young actress, “Ang babae, vain talaga with the hair.

"Sa short hair ko, mas naging kampante ako sa sarili ko na magiging okay ako, magiging okay ang [pananaw] ko.

"It has a deeper meaning for me."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Louise sa ginanap na charity birthday celebration niya, sa tulong ng GMA Artist Center, kasama ang special kids ng Bagong Pag-Asa Elementary School sa Quezon City, ngayong araw, September 11.

Bukod sa kanyang makeover, nagbakasyon din si Louise ng isang buwan para lumayo muna sa showbiz.

“Nag-leave muna ako from work. Gusto ko munang i-enjoy yung time ko with my friends, with my family, so nagpunta ako ng Sagada.”

Natapos ang huling teleserye ni Louise sa GMA nito lamang June, ang Kambal Sirena.

Nakatulong daw nang malaki ang ginawa niyang bakasyon upang manumbalik ang sigla niya sa trabaho.

“Napagod ka kahit papa’no sa sistema ng show business, so parang kailangan mong ma-refresh.

"Kinailangan ko talaga para maibalik ko ang drive ko sa trabaho again," paliwanag niya.

Nakatulong din ba ang bakasyon niya upang makalimutan ang mga intrigang ipinukol sa kanya, kagaya ng pagkaka-link niya kay Aljur Abrenica, na naging dahilan umano ng paghihiwalay nito at ni Kylie Padilla? Naisyu ring buntis diumano si Louise dahil sa pagdagdag niya ng timbang.

Sagot niya, “Oo.

“Actually, madali lang naman ako maka-get over kung nagkakaroon man ng intriga, as long as alam ko sa sarili ko na hindi totoo.

"Bakit ako malulungkot at bakit ko ilulugmok ang sarili ko?

"Siguro yung pagsa-Sagada ko, parang gusto ko lang ma-try yung buhay away from show business again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Physically, exhausted talaga ako sa Kambal Sirena, [kasi] dual role. Nabigla ako.

"Kumbaga, akala ko prepared ako, pero hindi pa pala.

“Sobrang na-miss ko ang buhay ko outside showbiz normal na buhay.”



GOOD START WITH KYLIE. Inusisa si Louise kung nagbati na ba sila ni Kylie matapos silang mapanood na magkasama sa isang production number sa Sunday All Stars kamakailan.

Sabi niya, “Hindi pa kami nakapag-usap, pero nagbatian na kami, so I think that’s a good start also.

“Pero I’m not rushing things.

"If may mga taong hindi pa okay na makausap ako or makipag-eye contact sa akin, I’m not rushing naman.

"Basta ako, wala akong bad blood against them."

Sino sa kanila ni Kylie ang unang bumati?

“Siguro sa amin na lang ‘yon kung sino yung nag-initiate, pero I’m happy na nagkaroon ng good start.”

ENZO PINEDA. Kinumusta naman ng PEP kay Louise ang pakikitungo nila sa isa’t isa ngayon ng dati niyang boyfriend na si Enzo Pineda, lalo pa’t magkasama rin sila sa Sunday All Stars.

Sagot niya, “Ako kasi, ang dami ko nang na-realize.

"Kasama dun sa realization ko yung let go, let go na lang lahat ng grudges.

"Kung meron ka mang bad blood against someone, talagang ni-let go ko na ’yon and mas gusto kong mag-focus on my craft.

"And kung magiging part man siya or magkakasama man kami sa isang production number, okay lang sa akin."

Tahasan ding sinabi ni Louise na mas mabuti kung hindi na sila magkabalikan ni Enzo.

“Let’s all move on na may natutunan na tayo. Siguro it’s better if hindi na lang.”

Bukas naman ba siyang makipagkaibigan sa dating boyfriend?

"In time," sambit niya.

"It will really take time na maging kaibigan kayo ulit, pero I’m very open kung magbabatian man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang liit ng showbiz para hindi pa kayo magpansinan. We have the same circle lang."

Nagkaroon na ba ng pagkakataong nagkasalubong at nagkausap sila ni Enzo?

Ayon kay Louise, “Wala pa namang ganung instance, pero may mga malolokong tao, alam mo yung aasarin ka?

"Pero smile and laugh about it. It’s part of the past."



ALJUR ABRENICA. Tinanong din si Louise tungkol sa desisyon ni Aljur Abrenica na tapusin na ang kontrata nito sa Kapuso network.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Na-link ang dalawa dahil nagkatrabaho sila sa Kambal Sirena.

Sabi ni Louise, “Aljur naman is a good friend. Mabait naman siyang kaibigan.

"Kung meron man siyang personal issues about his work, ibigay na lang natin sa kanya.

"Sinabi ko na ito sa kanya, kung saan siya masaya, kung ano yung desisyon sa tingin niya mas makakabuti sa kanya, in the long run, dun ako."

Pagpapatuloy pa niya, “Last Sunday, nagkaroon ng launch ang StarStruck, so siyempre hindi maiiwasan ng mga tao na maisip na isa kasi siya sa mga successful na alumni ng StarStruck.”

Si Aljur ang itinanghal na Ultimate Hunk sa StarStruck: The Next Level noong 2006-2007.

Hindi raw maiwasan ni Louise na makaramdam ng panghihinayang sa binabalak na pag-alis ni Aljur sa poder ng GMA.

Aniya, “Pero it’s his life, e. Siguro kung saan siya magiging masaya, malay mo kung ano pa ang mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN