Sam Milby no longer dating non-showbiz girl; says he’s still looking for the right girl

Sam Milby rues that finding a girl outside showbiz is a hard thing. “I don’t go out that much. It’s always the same people I see all the time. It’s not easy for me to meet new people.” But he’s willing to wait.


Inamin ni Sam Milby na totoo ang sinabi ni Kris Aquino na minsan nang namataan ang actor-singer na may ka-date sa isang mall sa Rockwell.

Ito ay matapos ibuking ng Queen of All Media si Sam sa live episode ng The Buzz, noong September 7.

Read: Sam Milby grilled by Kris Aquino about his lovelife

Ngunit iginiit ni Sam na matagal na siyang hindi nakikipag-date sa naturang non-showbiz girl.

Paglilinaw pa ng singer-actor, hindi si Kris kundi si Alex Gonzaga ang nakakita sa kanila sa Rockwell.

“Kasi ang dating, recently lang [nangyari].

"That was around four months ago and non-showbiz yung girl.

“It was a date, actually.

“After the movie, bumaba kami and Alex was there,” kuwento ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa ginanap na store opening ng Diana Stalder beauty clinic sa Megamall kahapon, September 14.

TIME FOR LOVE. Ngayong pareho nang tapos ang pelikula niyang The Gifted at teleseryeng Dyesebel, aminado si Sam na mas may oras na siya para sa kanyang lovelife ngayon.

Bakit sa loob ng limang taon ay single pa rin siya?

Sagot ni Sam, “Walang explanation.

"Ayokong sabihin na walang time. Ngayon may time na naman.

“There was a time na naging problema ang time.

“Personal choice sana would be non-showbiz, pero I don’t go out that much.

“It’s always the same people I see all the time.

“It’s not easy for me to meet new people.

"So, it’s always been a hard thing.”

Umaasa si Sam na malapit na niyang makita ang tamang babae para sa kanya.

“And yun nga, five years na. It’s the longest time sa buhay ko na I’ve been single.

“But as they say, good things come to those who wait. I believe in that. I believe na tadhana ang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In God’s time. So, I’m hoping that time is very soon.

"Siyempre, nakaka-miss naman ang love life,” saad ng 30-year-old singer/actor.

Naniniwala si Sam na kailangang sigurado muna siya sa nararamdaman niya bago manligaw ng babaeng nagugustuhan niya.

“If you really like a girl, make sure she’s the only one.

“Kasi ‘pag babae, puwede naman maraming nanliligaw, ‘di ba?

“Bilang lalaki, that’s what you’re saying, ‘Ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang nililigawan ko.’

“If you’re making ligaw sa maraming babae, parang hindi naman tama.

“Basta ako, I want to feel, I want to know na sure na sure ako na itong babae ang gusto ko.

“So, I’m just waiting for the time na yes, alam ko, ito ang gusto ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN