Derek Ramsay reacts to latest accusations of estranged wife Mary Christine Jolly

Derek Ramsay on latest accusations of estranged wife Mary Christine Jolly against him: "Do you believe I am a rapist? That I do ecstasy and drugs? And I drugged her with ecstasy to have sex with her? I’m demanding anal sex?"


Hindi naniniwala si Derek Ramsay na ang 11-anyos niyang anak ang talagang nag-compose ng sulat na ibinigay ng bata sa fiscal na humahawak ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act na inihain ng estranged wife ng aktor na si Mary Christine Jolly.

Iniabot ng anak nina Derek at Mary ang naturang sulat kay Assistant Prosecutor Erwin Dimayacyac noong September 18, kung saan naganap ang closed-door meeting sa pagitan ng aktor at ng kanyang estranged wife.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Derek sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2 sa Resorts World Manila, kagabi, September 22, ay tinanong siya tungkol sa sulat diumano ng anak sa fiscal na lumabas sa media.

Saad ng Kapatid star, “I didn’t believe… I don’t believe he wrote that.

“But I asked my son if siya ang nagsulat nun and if he meant it.

“And when he said yes, I kept my mouth shut for the rest of the meeting.

“And sabi ko, ‘Ano ba ang magagawa natin para maayos na ‘to?’”

Mula nang malaman niyang siya nga ang ama ng anak nila ni Mary noong 2011, limang beses pa lang daw itong nakakasama ni Derek.

Ang pinakahuli nga ay noong biglaang pumunta si Derek sa Makati City Prosecutor’s Office noong September 18.

Kumusta ang pagkikita nila ng kanyang anak?

Kuwento ng actor-TV host, “He called me ‘Dad’ and he said, the last time we saw each other was the best day of his life.

“I asked him about it at the meeting, on the last meeting, and he said, ‘No, I didn’t say that. I didn’t call you Dad, I hate you.’”

Posible kayang nabe-brainwash ang kanyang anak?

Saad ni Derek, “I don’t want to say anything like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like I’ve said, I’m not going to say anything bad about the mom.

“She’s still the mom of my son, but I strongly believe that my son wasn’t putting up an act when he was with me.

“He’s eleven years old.

“He’s telling me he’s acting to have fun with me every time I speak to him.

“I was only given once a week to talk to him.”



DEMANDS. Totoo bang P42 million ang hinihingi sa kanya ni Mary bilang pinansiyal na suporta sa kanilang anak?

Ayon kay Derek, “Forty-five million, forty-eight million… I don’t care about how much she’s asking for, no…”

Ano naman ang masasabi ni Derek na isinama ni Mary sa korte ang kanilang anak, sa kabila ng pahayag nito noon na ayaw niyang madawit ang bata sa legal battle nilang ito?

Pahayag ng aktor, “I’ve been consistent about what I’ve been saying.

“I let my affidavit speak for itself where it should be taken.

“You know, the fiscal told me not to talk to media, nirespeto ko yun.

“At the same time, nirerespeto ko na ina siya ng anak ko, kaya hindi ako nagsasalita.

"Just like in the past, kapag babae ang kalaban, hindi ako magsasalita."

Dagdag niya, “Sila ang pabagu-bago simula nang magpa-presscon.

“Sila ang nag-release ng affidavit online, my son’s letter online.

“She handed out the letter to everybody at the presscon.

“It’s just hard to believe that my son read everything online overnight and wrote a letter.”

Ang tinutukoy na presscon ni Derek ay ang press conference na ipinatawag ni Mary at ng kanyang bagong abugado na si Atty. Argee Guevarra ilang oras bago sila magtungo sa Makati City Prosecutor’s Office noong Huwebes upang magsumite sana ng reply-affidavit.

Read: Mary Christine Jolly insists she was physically and verbally abused by Derek Ramsay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na raw sanang ni Derek ng laban sa ina ng kanyang anak niya, pero tila pabagu-bago raw ang demands o gusto ng kabilang kampo mula sa kanya.

Ano nga ba talaga ang constant demands sa kanya ng kampo ni Mary?

Saad ni Derek, “My affidavit has all the deposit slips, the emails, and the text messages that came from them.

“I want to be peaceful with her. I really do, for the sake of my son.

“It doesn’t mean naman that I’ll be plastic.

“I’m just doing what she requests, and her requests keep changing.

“Like I said, in 2011, her lawyer at that time drafted the contract and their demands.

“Akin, ang demand ko lang ay sa akin ang education.

“Yun lang ang demand ko, and that I have a right to see my son.”



DEREK’S GIRLFRIENDS. Sa presscon na ipinatawag ni Mary at ng kanyang abugado noong nakaraang linggo, pati ang ex-girlfriends ni Derek ay tila idinadamay na rin sa isyu.

Tila gustong habulin ng kampo ni Mary ang mga ginastos ni Derek sa kanyang mga girlfriends—na kinabibilangan nina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, at Cristine Reyes—sa halip na ibigay ito sa kanilang anak.

Reaksiyon dito ni Derek, “Why is she doing that? For what reason?

“I’ve given up so many times to her demands. I think it’s about time that I fight.”

Napakaraming oras at napakahabang panahon na nawala sa kanila ng kanyang anak.

Kung sakali at mabibigyan siya ng pagkakataong makasama ito, ano ang mga gustong gawin ni Derek para sa anak?

Sagot niya, “I want him to look at me the way I look at my father.

“That’s the kind of relationship that I want.

“They’re blasting me that I’m bad because I introduced him to my nephews and nieces.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What’s wrong with that? They’re my family. I introduced him as my son.

“They’re asking questions, ‘What’s going on?’ I introduced them to one another.

“Am I a bad father for introducing my son to my family?”

Nakilala na rin ba mga magulang ni Derek ang kanyang anak?

“I introduced him to my family, too, to my mom and my dad.

“The last time we’re together, my sister was there.

“That’s why they were shocked that he wrote a letter for me and my son hates me.

“They were all playing the iPad, out for dinner, and that was the first time I was given more than an hour.

“The time I saw my son was only an hour.”



ACCUSATIONS. Ano naman ang reaksiyon ni Derek sa akusasyon ni Mary na physical violence laban sa kanya.

Aniya, “Not in her first affidavit.

“First affidavit was financial and economical, so we answered that.

“And now… guys, do you believe I am a rapist? That I do ecstasy and drugs?

"And I drugged her with ecstasy to have sex with her? I’m demanding anal sex?” napapailing niyang sabi.

Paano niya kinakaya ang lahat ng ito, lalo na ang mga paratang laban sa kanya?

Sabi ni Derek, “I get a lot of phone calls every day from people who want to speak up, who know her and who know me.

“My ex-girlfriend, Colette Centeno, flew all the way back.

“She was at the hearing, the last hearing. I was with Collette the last hearing.

“The girl that she said I kicked out of my house for her.

“She’s given her affidavit. She’s sworn this morning.

“She’s giving my character background on how I was as a boyfriend and if I demanded her anal sex or if ever drugged her... to rape her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MESSAGE TO HIS SON. May mensahe ba siyang nais iparating para sa anak niya?

Saad ni Derek, “I’ll say it to him face to face.

“I had two minutes. That’s all she granted me, two minutes with him to spend with him at the Fiscal’s office.

“She only said two minutes and, after two minutes, she was knocking down the door like sisiraan ko siya sa anak.

“I promise we’ll get to spend more time with each other.

“You will understand everything’s that’s going on when you grow up.

“But, please, just don’t close your door for me. That’s all I’m asking you.”

Natatakot din ba siyang baka may maging epekto ang mga nangyayaring ito sa anak?

Sagot ni Derek, “Of course, I’m concerned.

“There’s definitely gonna be an effect on him. That’s why I didn’t want him there.

“That’s why I showed up because I knew he’s gonna be there.

“I think the fiscal was shocked that I was there.

“I think she [Mary] was shocked that I was there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN