(UPDATED) Mary Christine Jolly insists she was physically and verbally abused by Derek Ramsay

Nanindigan si Mary Christine Jolly na ang tanging motibo niya sa paghingi ng “lump sum” mula kay Derek Ramsay ay upang lumipat sa ibang bansa at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang anak.


Nanindigan si Mary Christine Jolly na siya ay biktima ng physical, psychological, at economic abuse ng kanyang estranged husband na si Derek Ramsay.

Isa-isang inalmahan ni Mary ang diumano’y mga kasinungalingan at maling paratang na ibinabato sa kanya ni Derek, base sa isinumiteng counter-affidavit ng aktor noong August 21.

Read: Derek Ramsay strongly denies allegations of Mary Christine Jolly in his counter-affidavit

Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng reply affidavit ni Mary mula sa legal counsel niyang si Atty. Argee Gueverra noong Miyerkules ng gabi, September 17.

Nakatakda sanang isumite ng kanilang kampo ang dokumento sa Makati Prosecutor’s Office bandang alas-dos, Huwebes ng hapon, September 18.

Ngunit bago iyon ay nagkaroon ng presscon si Mary kasama ang kanyang legal counsel at spokesperson na si Atty. Argee Guevarra.

Ginanap ito pasado alas-onse ng umaga sa Max’s Restaurant, sa Jupiter Street, Makati City.

MARY SLAMS DEREK’S COUNTER-AFFIDAVIT. Dito ay iginiit ni Mary na pawang kasinungalingan ang pahayag ni Derek na kailanman ay hindi pisikal na sinaktan ng aktor ang una.

Patunay nito ang isang insidente na naging dahilan upang tuluyang iwan ni Mary si Derek at pansamantalang makitira sa bahay ng malapit niyang kaibigan.

Bukod dito, madalas diumanong nakaranas ng “verbal abuse” si Mary mula kay Derek, lalo na sa tuwing pinagtatalunan nila ang diumano’y pambababae ng aktor noong nagsasama pa sila.

Bilang ganti ay ipinamumukha raw sa kanya ni Derek na wala siyang kuwentang babae, sanhi upang masira ang kanyang dignidad at mawalan ng tiwala sa kanyang sarili.

Mariin ding pinabulaanan ni Mary ang alegasyon ni Derek na mayroon siyang "suicidal tendencies."

Taliwas sa sinabi ni Derek sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Mary na walang bakas ng marka o peklat ang kanyang braso na diumano’y inukitan niya ng mga salitang “I hate Derek” gamit ang isang kutsilyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin umano totoong nagtangka siyang tumalon sa bintana ng tinitirhan nilang apartment noon ni Derek.

May buwelta rin si Mary laban sa alegasyong ipinalaglag niya ang dapat sana’y unang anak nila ni Derek, noong bagong kasal pa lang sila.

Sabi niya, “When I read that, number one, I was very shocked.

"Number two, [I was] not surprised because I know he would probably go through great lengths just to prove he’s innocent."



UNRESOLVED ISSUE ON DEREK’S FINANCIAL OBLIGATIONS. June 28, 2003 nang ipanganak ni Mary ang anak nila ni Derek.

Ayon kay Mary, sa loob ng walong taon mula nang manganak siya ay hindi nakuhang makipag-usap sa kanya ni Derek o maging sa anak nila.

Taong 2010 nang sa wakas ay pumayag ang aktor na sumailalim sa isang paternity test.

Lumabas ang resulta na nagpatunay na tunay na anak ng aktor ang noo’y walong taong gulang na bata, noong December 2010.

Ganunpaman, hindi pa rin umano agad kinilala ni Derek ang kanilang anak.

Taong 2011 nang sa wakas ay nagkaroon ng “agreement” sa pagitan nina Derek at Mary tungkol sa ibibigay na sustento ng aktor para sa kanilang anak.

Inamin ni Mary na may naibigay sa kanya si Derek na pera para sa “child support,” ngunit sinuway umano ng aktor ang ilang aspeto ng naturang kasunduan.

Ayon pa kay Mary, nahirapan din umano siyang humingi ng pang-tuition ng anak nila ni Derek nang mag-enrol ang bata sa isang paaralan sa Manila.

Tumanggi rin umano si Derek na magbayad ng fee para sa inirekomendang tutor ng anak nila ni Mary.

Nang direktang tanungin si Mary kung totoong tumanggap siya ng P15 million lump sum mula kay Derek, ito ang naging sagot ng 33-year-old Indian-Filipino: “No. See, the problem is we did have an agreement.

“The figures? It’s really irrelevant at this point because it’s not really a matter for public [consumption].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the reason why I even filed this [legal complaint] is he violated the terms of the agreement.”

Taliwas ito sa pahayag ni Derek sa kanyang sinumpaang salaysay na hindi siya nagkulang sa pagbigay ng sustento para sa anak.

Sa katunayan ay “six months in advance” umano kung magbigay ng pera ang aktor.

Inihayag din ni Derek na malinaw na pinagkukuwartahan lang siya ni Mary nang hingan siya nito ng P45 million advance lump sum para sa diumano’y edukasyon, allowance, at kung anu-ano pang gastusin ng kanilang anak.

Sabi ni Mary tungkol dito, “We didn’t file it to let it go away. That isn’t really the entire aspect of the case. That is his claim.”

Nais lang umano ni Mary na ipaglaban ang karapatan ng kanyang anak.

Aniya, “I am a very private person as I have stated before.

“And I have given Derek a lot of chances already to come forward and just to man up to his responsibilities as a father as well as a husband because we are still legally married.

“And the fact that he hasn’t done it in so long, it’s about time for me to come out.

“He treats his child as if he doesn’t exist.

“And at some point, a woman and a mother and a wife gets tired of being bullied that way.”

FACE-TO-FACE MEETING OF DEREK, MARY, AND SON. Pagkatapos ng presscon ay nagtungo na sa Makati Prosecutor’s Office si Mary kasama ang mga legal counsel niyang si Atty. Guevarra at pati na rin si Atty. Isaiah Asuncion.

Kasama ring dumating ni Mary ang 11 taong gulang na anak nila ni Derek, dahil may gustong ibigay na liham ang bata kay Assistant City Prosecutor Erwin Dimayacyac ng Makati Prosecutor’s Office.

Ngunit bago pormal na maisumite at panumpaan ni Mary ang kanyang reply-affidavit, biglang dumating si Derek kasama ang legal counsel ng aktor na si Atty. Joji Alonso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ni Derek ang mga magulang niyang sina Derek Arthur Ramsay Sr. at Remedios Ramsay at iba pang kaanak.

Pagkatapos ay hiniling ni Fiscal Dimayacyac na magkaroon muna ng closed-door meeting sa pagitan nina Derek at Mary nang hindi kasama ang kani-kanilang abugado.

Matapos ang dalawang oras nilang pag-uusap, binigyan din ng pagkakataon si Derek na makausap sandali ang anak, nang hindi nakaharap si Mary.

Maya-maya pa ay inanunsiyo ni Fiscal Dimayacyac sa media na hindi na tuloy ang pagsumite ng reply-affidavit ni Mary.

Bunsod nito, nakiusap ang fiscal na “huwag nang bigyan ng emphasis ang kumalat na reply-affidavit,” dahil hindi ito pirmado at napanumpaan ng complainant.

Bukod dito, sinabi ng fiscal na “positibo” ang resulta ng pag-uusap nina Derek at Mary sa naganap na closed-door meeting.

Ayon pa kay Fiscal Dimayacyac, ilan sa mga nakapagkasunduang ayusin ng magkabilang kampo ay ang “support,” “annulment” ng kasal nina Derek at Mary,” visitation rights,” at “citizenship” ng bata.

Read: Derek, wife make the first step to settlement

Pagkatapos ay nagkaroon din ng pagkakataong makapanayam ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sina Derek at Mary.

Base sa hiwalay nilang panayam, parehong sang-ayon ang dalawa na subukang magkaroon ng maayos na relasyon para sa ikabubuti ng kanilang anak.

Read: Derek Ramsay comes face-to-face with Mary Christine Jolly and their son


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN