Matteo Guidicelli defends Billy Crawford: "He is an amazing person. He’s just misunderstood sometimes."

Matteo Guidicelli on Billy Crawford: "If you just know who really Billy is, you won’t think anything negative about him ‘coz he’s really an amazing person. And, ‘di ba, everybody makes mistakes sometimes, ‘di ba? But sometimes, people make it seem very big."


Natapos na ni Matteo Guidicelli ang shooting para sa kanyang first comedy film na Moron 5.2 sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Si Matteo ang ipinalit sa isa sa original cast members ng Moron 5 and the Crying Lady na si Martin Escudero.

Kasali pa rin sa Part 2 sina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, at Billy Crawford.

Alam naman daw ni Matteo na pinalitan niya lang si Martin sa pelikula.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes po, aware po ako na may pinalitan ako sa cast.

“Kasi po, first time to work with Direk Wenn was Galema.

“And then, alam ko naman yung Moron 5 Part 1 at sobrang astig, ‘di ba?

“Kaya noong… when they offered it to me, I said yes agad.

“Siyempre, the cast is amazing. Sobrang nakakatawa… and I guess learning experience.

“Hindi naman talaga ako komedyante or anything, I’m learning from them.

“Plus, you know, Direk Wenn is the best. Marami akong natutunan dito sa set.”

Since siya lang ang bago sa cast, kumusta ang working relationship niya sa ibang ‘morons’ sa pelikula?

“Sobrang ayos,” nakangiting sabi ni Matteo.

First time ba niyang nakatrabaho sina Luis, Marvin, DJ, at Billy?

“Sila, first time ko silang lahat.

“Ayos, e. Ako yung pinaka-youngest, so they always mess with me.

“Kapag natutulog ako, palagi nila akong binibiro!

“Pero ayos naman, maayos naman,” sabi niya.

Napipikon ba siya?

“Hindi, hindi. Bakit naman tayo mapipikon?

“Sobrang saya, sobrang light ng set, at marami akong natutunan sa kanilang lahat.

“They’re very, very funny, very talented people.

“Sobrang blessing nga na parte ako dito.”

BILLY CRAWFORD. Kanino siya pinaka-close sa kanilang apat?

Ayon kay Matteo, “Ang pinakakilala ko talaga si Billy.

“I guess, sila lahat ngayon. Iba sila.

“Sobrang masarap kasama silang lahat.”

Sino ang kuya-kuyahan niya sa cast?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Matteo, “Si Billy talaga.

“Billy is an amazing person. He knows what he wants.

“At marami siyang mga tip sa akin, mga ganoon, ‘di ba?

“At magkasama na kami dati pa, sa Swatch. Kaya magkakilala talaga kami.

“And, you know, he takes care of me all the time. He always looks after me.”

Ano ang reaksiyon niya sa nangyaring kontrobersiya kay Billy, kung saan na-detain ito ng isang araw matapos gumawa ng eksena sa isang presinto sa Taguig City?

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

“Siyempre, you know, people misunderstand him but, you know, he’s an amazing person.

“If you just know who really Billy is, you won’t think anything negative about him ‘coz he’s really an amazing person.

“And, ‘di ba, everybody makes mistakes sometimes, ‘di ba?

“But sometimes, people make it seem very big.

“But, you know, Billy is an amazing person. He’s just misunderstood sometimes.

"But you know, if you just know him, he’s really good.”

Ano ang binigay niyang suporta kay Billy during the controversy?

Sagot ni Matteo, “Well, I’m always here for him. Kung kailangan niya kami, or ako, I’ll always be here for him.”

Kumusta si Billy sa shooting pagkatapos ng insidente?

“Yeah, he’s good. I mean, he’s good, you know?

“Siyempre, he’s still fixing all his stuff but he is good. He’ll be okay.”



SARAH GERONIMO. Sa puntong ito ay kinumusta naman namin kay Matteo ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo?”

“Okey naman lahat,” nakangiting sagot ng Kapamilya actor-TV host.

Totoo bang nagkatampuhan sila recently?

Tanggi niya, “A, wala naman po.

“Yung sa Star Magic Ball? Hindi naman po totoo yun.

“Alam ko naman na hindi siya puwede before pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko lang sa kanya, next year… sana.”

Kailan sila huling nag-date ni Sarah?

“Basta, always, parati naman kami nagkikita. Okay naman.”

Okey na ba sila ng ina ni Sarah na si Mommy Divine?

“Okey naman lahat. Pero huwag na nating pag-usapan ‘yan,” nakangiti niyang pakiusap.

Sabi ng iba, mas nakatulong sa kanya si Sarah. Sang-ayon ba siya rito?

Sagot ni Matteo, “Siyempre naman. Kapag may inspirasyon ka, nakakatulong talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN