Cherry Pie Picache’s mom cremated today

Cherry Pie Picache continues to seek help to give justice to her mom’s death. She says, “I trust that everybody who’s helping us, those handling the case, is doing everything and anything they can to really find the perpetrators.”


Na-cremate na ang yumaong ina ni Cherry Pie Picache kaninang hapon, September 24.

Si Zenaida “Baby” Sison, 75, ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin sa tahanan nito sa Quezon City, noong Biyernes, September 19.

Read: Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Kasama ni Cherry Pie ang mga kapatid at iba pang kapamilya sa paghatid sa kanilang ina sa huling hantungan nito.

Sa exclusie interview sa kanya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi ni Cherry Pie na ito ang hiling ng kanilang ina. Hinihintay lamang nilang dumating ang kanyang kapatid.

Katulad ng sinabi niya rito, muling humingi ng tulong si Cherry Pie sa kung sinuman ang makapagbibigay na anumang impormasyon na kaugnay sa kaso.



TRUSTING JUSTICE SYSTEM. Sa naunang interview, sinabi ni Cherry Pie na nagtitiwala siya sa mga taong tumutulong para malutas ang kasong pagpatay sa kanyang ina, bagay na ipinagpapasalamat niya nang lubos.

Aniya, “Ngayon lang, I trust that everybody who’s helping us, those handling the case, is doing everything and anything they can to really find the perpetrators.

“Naniniwala naman ako doon at buo ang tiwala ko sa kanila.”

Kaya para mas mapabilis ang pag-usad ng imbestigasyon, sabi ng 44-year-old actress, “Nakikiusap ako, kung sino man ang makakatulong, magbigay ng impormasyon, kung may nakita kayo.

“Alam ko na hindi madali ang ma-involve.

"Minsan kasi alam natin, huwag na lang, huwag na lang makialam.

“Pero nakikiusap ho kami, nagmamakaawa ako, kung may alam kayo, ipagbigay-alam niyo lang, makakatulong.”



ADVOCACY AND FAITH. Dahil sa pangyayari, dalawang bagay ang nasubok sa buhay ni Cherry Pie.

Una, bilang anti-death penalty supporter, sinabi niya na dahil sa nangyari, “Now, iniisip mo, what drives these people to create all these violence.

“Sobra namang hirap sa buhay yung ganun.

“Lahat yung mapu-put in times like this. You can only really pray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, I’m an advocate [of anti-death penalty].

“But now, you weigh things.

"I’m an advocate of rehabilitation of prisoners and everything. Now, it’s put into test.

“But I’m praying and praying.”

Katulad ng pagsuporta sa anti-death penalty, nasubok din daw ng pangyayari kanyang pananalig sa Panginoon.

Pahayag ni Cherry Pie, “Sabi ko nga, ang Diyos ay iba rin magmahal, tatanungin ka rin Niya paminsan-minsan, ‘Gaano mo ako kamahal?’

"Lalo na yung ganitong sitwasyon."

Gayunman, hindi naman daw nito nabago ang kanyang pananampalataya.

Sabi ng aktres, “Sa mga ganitong pagkakataon, honestly, doon mo masasagot ang sarili mo kung gaano mo kamahal ang Diyos.

“Doon mo tatanungin. Sinasabi nga, forgive as long as you can forgive.”

Tinanong ni Mario kung kaya ni Cherry Pie na mapatawad ang gumawa ng krimen sa kanyang ina.

Naluluhang sabi ng aktres, “I don’t know... but you pray.

“You continue to pray kasi wala kang kakapitan, e.

“Siya lang, you leave it all up to Him, ‘Ikaw na, hindi ko na kaya.’

“Pero pasensiya, hindi buo sa puso ko na masagot ang tanong mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN