Ali Sotto reveals murder of Cherry Pie Picache’s mom reminds her of stabbing incident in 1987

Ali Sotto on unsolved crimes in the Philippines: "Our law enforcement fails us. Hindi lamang inutil ang pulis, ngayon sila pa ang mismong kriminal. At ngayon, kung totoo ngang ang hepe ng pulis ay corrupt, e, down the line na yun."


Bumalik daw sa alaala ni Ali Sotto ang nangyaring pananaksak sa kanya noong 1987 dahil sa malagim na pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida “Baby” Sison noong September 19.

Read: Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Inilahad ito ni Ali sa isang post niya sa Facebook.

Sa press conference ng pelikulang Hari Ng Tondo noong Miyerkules, September 24, ay inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ali tungkol dito.

Lahad niya, “I was attacked also in 1987.

“So, sabi kong ganun, I have empathy for victims of brutal crimes, especially those na hindi naman nahuli yung perpetrators.

“And then nga, sabi kong ganun, it happened noong 1987, nanlaban ako.

“Nanlaban akong talaga with every ounce of my strength.

“By the grace of God, my god, I’m not ready to die.

“Pero 75 years old na babae… ako talaga, may empathy talaga sa mga brutal na krimen,” pagtukoy pa niya sa ina ni Cherry Pie.

Dagdag ng TV-radio host/singer/actress, “Kahapon nga, nagsimba ako, fiesta ni St. Pio.

“Alam mo, hiningi ko yung release na yun from my demon.

“Really, it never leaves you.

“In a way, it’s good, kasi praning ka.

“So, palagi kang, ‘O, mag-lock ng pintuan.’ Kung makikita mo ang lock sa bahay ko, parang to the point of paranoia yun.

“And for a long time before, I slept with the lights on at dapat palaging may kasama.

“Nagsindi ako ng kandila kagabi.

“At sabi ko nga, you have to release me from this demon also because mahirap din.

“But again, it helps me in a positive way. Nakaka-emphatize ako.

“Minsan, yung mga tagabalita, kapag nasa news and public affairs ka, araw-araw, nagiging numb ka na.

“Statistic na lang. May pinatay, may ni-rape… nade-detach mo ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I see it in a positive point for me na affected ako ng mga pinapatay. Affected akong talaga.”

Hanggang nai-cremate ang mga labi ng ina ni Cherry Pie noong Miyerkules, hindi raw bumisita si Ali sa burol nito dahil hindi niya kaya.

“I cannot, I cannot… inisip ko yun.

“Pararating ko na lang sa kanya somehow, pero hindi na sa wake.

“Iba yun,” saad ni Ali.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ali sa press conference ng pelikulang Hari Ng Tondo, sa Dolce Latte, Quezon Avenue, noong September 24.



CRY FOR JUSTICE. Bagamat halos tatlong dekada na ang nakalilipas, hindi pa rin natutukoy kung sino ang sumaksak kay Ali noong 1987.

“No, and that is more the rule in our country.

“Ang dami kong kilala na pinatay, ang dami kong kilala na biktima who never saw justice.

“Sa foundation na lang namin, sa INA, Mga Inang Naulila sa Anak, may mga kasama kaming nanay na it’s hard enough that you lose a loved ones, yung brutal pa, you lose them through violence at hindi mo pa nakamit ang hustisya.

“Lumipas na ang mahabang panahon, naghahanap ka pa rin ng hustisya.”

Ano sa palagay ni Ali ang dahilan kung bakit mabagal ang usad ng hustisya sa Pilipinas o kung minsan ay wala na talaga?

Sagot niya, “Because our law enforcement fails us.

“Hindi lamang inutil ang pulis, ngayon sila pa ang mismong kriminal.

“At ngayon, kung totoo ngang ang hepe ng pulis ay corrupt, e, down the line na yun.”

Hindi kaya marami ang mag-react sa sinabi niya dahil tila nilalahat na niya ang mga pulis?

Paliwanag ni Ali, “Well, they should clean their ranks.

“I mean, it should affect them in a positive way.

“Alam naman natin yun na may malilinis na pulis.

“Pero dito sa bansa natin, ang hinaing ko, puro na lang karapatan noong nasasakdal—presumption of innocence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinuprotektahan ang karapatan ng mga accused. Paano ang karapatan ng biktima?

“Especially because you’ve lived abroad, especially you know how it is abroad, kung paano tugisin, and this is across the board—ke mayaman ang biktima…

"Nababanggit sa SONA ng Pangulo... Papaano yung pinatay na mahihirap?

“Alam mo, ang asawa ko, taga-Tunisia. One time we were there, may pinatay.

“Alam mo, ang laki, laki, laking balita sa kanila. Lahat sila, shocked. May pinatay.

“Samantalang sa bansa ko, sa bansa ko, every day...

“Almusal, tanghalian, merienda, hapunan, may pinatay, may ni-rape.

“’Tapos, pinagtatawanan ako na pagsakay ko ng kotse, nagla-lock ako.

“Sabi ng biyenan ko, ‘What she’s doing?’” natatawang kuwento pa niya.



BACK TO ACTING. Samantala, hindi na raw maalala ni Ali kung ano ang huling pelikulang nagawa niya.

“I don’t even remember!” tawa niya.

“Kanina nga, tinatanong si Ciara [Sotto] ano ang last movie niya.

"Ako, my god, I don’t even remember!

“Seryoso, it was that long ago.

“Even before I left for Spain noong 2008, e, even before that, I was in news na. Kaya wala na.”

Nagbabalik siya sa pag-arte sa pamamagitan ng Hari Ng Tondo, na unang ipinalabas sa Cinemalaya noong July at magkakaroon ng regular screening simula sa October 1.

Saad ni Ali, “Hindi, ano lang ‘to… I felt lang na it’s worth doing kasi comeback movie ni Carlitos Siguion-Reyna.

“And then, si Bibeth Orteza [scriptwriter], kaibigan ko since I was a virgin.

“So, isang imbita lang yun, ‘Uy, may comeback movie si Carlitos, kasali ka!’ ‘Okay…’

“At saka, you trust them. You trust the directorial skill, you trust the writing skill of Bibeth.

“You know that it’s going to be a good project.

“It’s for Cinemalaya, so sabi kong ganun, ’Sige.’

“At saka, yun nga, yung trabaho ko ngayon, sa balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Going back to my radio show with Arnold Clavio, News and Public Affairs na.

“Pero yun nga, hindi ko naman totally maiiwan yung pinanggalingan ko na entertainment.”

Nang mapanood niya ang Hari Ng Tondo noong una itong ipalabas sa Cinemalaya, hindi ba siya na-inspire gumawa ng iba pang pelikula?

Saad ni Ali, “Alam mo, sabi ko nga, basta maganda ang project, I will do it.

“Pero dumating na ako sa punto ng buhay ko na wala na akong pinag-aaral, wala na akong renta, ‘di ba?

“Wala na akong binabayarang mga monthly amortizations.

“So, I have this privilege of choosing na what I want to do.

“Alam mo, ang suweldo ko sa radyo ng isang buwan, isang araw ko lang sa entertainment.

“But I choose to do News and Public Affairs because that’s where I feel that I make a difference.

“But once in a while, may io-offer sa ‘yo na maganda ang mensahe, maganda ang vehicle.

“At kahit na bigyan mo lang ako ng maliit na role in a very good project, tatanggapin ko pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN