John Prats reveals getting nervous while waiting for Isabel Oli to say "yes" to his proposal

John Prats on the night of his proposal to Isabel Oli: "That night was the best. So far yet, ‘coz yung dance na yun was the best dance of my life. And it’s all for you, it’s all worth it."


Nagbalik-tanaw ang bagong engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli kung paano nagsimula ang kanilang relasyon hanggang sa mag-propose na nga si John kay Isabel noong September 24.

Read: John Prats organizes a flash mob to propose to girlfriend Isabel Oli

Sabi ni John sa panayam nila sa The Buzz kahapon, September 28, “Una ko siyang nakita sa It Might Be You

“’Ang ganda naman ng babaeng ‘to.’ Pero may nakabakod sa kanya.”

Ang It Might Be You ay ang 2003 primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at kunsaan kasama rin sa cast sina John at Isabel

Sabi naman ni Isabel, “Ako, nakita ko siya dati, high school pa lang ako.

“Sa Cebu, and nag-mall show sila ni Heart [Evangelista, John’s ex-girlfriend] sa Ayala.

“Noong nakita ko na siya talaga, in person na talaga, ‘Ang guwapo pala nito. Sobra!’

“Hinabol ko talaga kasi papa-picture ako.”



THE COURTING STAGE. Paano sila nagkita noong pareho na silang libre at walang commitment sa iba?

Ayon kay John, “December yun, galing akong mag-Simbang Gabi.

“Pinag-pray ko, sabi ko, ‘Lord, sana ibigay niyo sa akin ang lovelife.’”

Sinabi rin niya bang kapag nagka-girlfriend na siya ay “yun na”?

Sagot ng actor-TV host, “Yun talaga.

“Nakita ko siya sa TV, so hinanap ko ang Instagram account niya.

“Nagko-comment ako, ‘Hi crush.’

“Kapalan na lang ng mukha, kasi wala na akong choice.

“’Tapos si Camille [Prats, John’s sister] nga, sabi niya, ‘Sige, hahanapin ko.’

“’Tapos, ayaw niyang ibigay ang number niya, kasi ayaw niya talaga ako noong time na yun.

“Kasi… ewan ko, bakit ba?”

Katuwiran naman ni Isabel, “No, kasi, ‘di ba, crush kita dati?

“E, parang ang dami ko nang narinig sa kanya.

“Parang nega, babaero... parang ganun.

“Parang siya ang palaging nang-iiwan, may ganun. Sorry, ha…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ibinigay niya kay Camille ang numero ng kanyang telepono para ibigay nito kay John?

Sabi ng aktres, “Actually, ayaw ko talagang ibigay.

“Tinawagan ko yung friend ko, sabi ko, hinihingi yung number ko, e, ayaw ko talaga kay John.

“Sabi niya, ‘Oy, respeto mo kay Camille, nauna ‘yan sa industriya.’

“So, sabi ko, sige na nga, ibigay ko na. Ibinigay ko kay Camille.”

Ayon naman kay John, “Hindi ako tumigil.

“‘Tapos noong week na yun, nabalitaan ko, may ka-dinner siya.

“Sabi ko kay Camille, ‘Cams, may ka-date na!’

“Sabi niya, ‘Kuya, paspasan mo na!’

“So, ang ginawa ko, ‘Nasaan ka?’

“’Dito sa Manila.’

“’Puntahan kita.’”

Kailan niya sinabi kay Isabel na mahal na niya ito, ‘I love you’ and ‘will you be my girlfriend?’

Saad ni John, “Basta, lumuhod ako sa kanya.

“Sabi ko, dalawang beses lang ako luluhod sa buhay ko.

“Yung una, kapag hiniling ko na maging girlfriend, at yung pangalawa, kapag nag-propose ako.”

Ano naman ang sabi ni Isabel?

Sagot ng aktres, “Sabi ko, ayoko talaga, pero gusto ko, ayoko talaga… I said yes.”

Kumusta sila bilang mag-boyfriend at girlfriend? Hindi ba sila nagkaroon ng malaking away?

Ayon kay John, “Siguro yung pinaka-recent, yung nagte-text ako, ‘tapos itinago ko.

“Yun kasi yung pina-plan ko na ang proposal.

“So, every time na may nagte-text sa akin, ginaganun ko ang phone.

“Sinasabi niya sa akin, ‘Seryoso, huwag sa harapan ko, ha…’”

Dugtong ni Isabel, “Sabi ko, ‘Parang bastos lang, ha!’ May ganun ako.”



THE PROPOSAL. Kailan nagdesisyon si John na magpu-propose na nga siya?

Sagot niya, “Early this year, pero alam ko na late this year na ako magpu-propose.

“So, noong pinaplano namin ang proposal, gusto ko talaga flash mob. Yun kasi talaga ako.

“Siguro pinakamahirap lang yung pagkuha ng dancers na marami.

“So, yung 350 dancers na nakuha ko, I had to tell them and I had to trust them kahit hindi ko sila kilala with this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Please, para mag-work ‘to, hindi tayo puwedeng mag-tweet, hindi tayo puwedeng mag-Instagram, kasi ayokong makatunog.

“E, siya [Isabel] pa naman, ang galing sa Twitter.”

Ikinuwento na rin ni John kung paano naganap ang proposal.

“Nag-check-in kasi ako, doon na rin sa hotel.

“The whole time, akala niya, nagte-taping ako sa Batangas.

“Pero nasa Eastwood lang ako, I was fixing everything.”

Paano niya dinala si Isabel sa venue na hindi alam nito na magpu-propose na siya?

Lahad ni John, “Kasi, the day of the proposal, September 24, was also the birthday of my mom.

“So, two special na babae ang involved.

“Pupunta talaga siya doon para mag-dinner with my mom.”

Bukod sa kanyang pamilya, hiningan din ng tulong ni John ang mga malalapit na kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz para mabuo ang plano niyang proposal.

Kuwento pa ni John, “It’s a flash mob, manggugulo lang tayo sa Eastwood.

“Yun talaga ang ano ko… hanggang sa lumiit na ang place namin.

“Pagpasok ko, parang ang liit ng sinasayawan ko. Kasi yung mga dancers, ganun na lang din ang sayaw.

“Pero ang saya kasi everyone na nandoon were cheering. As in, they are really happy and excited.

“E, noong napunta ako kay Liv [Isabel], she was shaking.”

Noong oras na yun, alam na ba ni Isabel kung ano ang mangyayari?

Saad ng aktres, “Hindi pa rin, parang, ‘Anniversary pala namin today? Ay, parang hindi, mali…’

“Sinabi niya sa akin, kasi parang ilang months ago, ‘Alam mo, wifey, kung magpu-propose ako sa ‘yo, tayo lang talaga ang makakaalam.’”

Ano ang pakiramdam noong sandaling iyon?

Nakangiting sabi ni John, “Masaya, walang katulad.

“’Tapos yung pagluhod ko, sabi ko, ‘Wifey, puwede bang ikaw na ang maging Mrs. Prats ng buhay ko?’”

Ano ang naging sagot ni Isabel?

Sabi ni John, “Ang tagal! Grabe, parang nagdadalawang-isip pa ‘to!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, nanginginig ang dito niya, nagla-lock jaw na raw siya.

“E, tinanong ko pa ulit, ‘Wifey, will you marry me?’

“Ang tagal, sa third na sinabi ko, ’Mag-iisip ka pa ba? Sobra na ‘to.’

“Tapos, siguro naano niya… sabi niya, ‘Yes, sobra!’ Siguro noong na-release na niya.”

Natatawang kuwento pa rin ni John, “May fireworks, sabi niya, ‘Atin ba ‘to?’

“Sabi ko, ‘That’s all for you.’

“’Tapos sabi niya, ‘Baka sa Eastwood ‘yan, sumabay lang.’

“’Hindi, sa ‘yo lahat ‘yan.’

“Sobrang happy talaga ko.

“Sobrang thankful ako sa mga taong tumulong sa akin.”



THE WEDDING. May plano na ba kung kailan sila magpapakasal?

Natatawang sabi ni Isabel, “Sabi ni John, January. Sabi ko, ‘Ha? Wait lang, hinga-hinga muna ako!’”

Ayon naman kay John, “Gusto kong mag-prepare talaga.”

May month na silang napipili?

Sabi ni Isabel, “Ako, ewan ko, ‘eto, first time kong sasabihin talaga— April or May.”

Ayon naman kay John, “Ang sarap ng gising ko, she’s my fiancée. At saka, kapag ini-introduce na siya, ‘my fiancée.’ Ang sarap talaga.”

Dagdag ni Isabel, “Even sa good morning, ‘Good morning, fiancée. Where are you going, fiancée? I love you, fiancée.’”

Ano naman ang gusto nilang sabihin sa isa’t isa?

Saad ni Isabel, “Thank you.

“I really thank God na binigyan Niya ako ng time na makilala ka and I really thank God also na parang bliness Niya tayo ng ganito.

“Akala ko talaga wala nang pag-asa sa love. Pero meron pa pala.

“Sobra pang saya. Ang saya-saya lang talaga.

“And sana, ganito lang tayo palagi, yung ligawan lang palagi.

“I really love you and kahit anuman ‘yan, nandito lang ako para sa ‘yo, you know that. ”

Sabi naman ni John, “Ako naman, I just wanna tell you, that night was the best.

“So far yet, ‘coz yung dance na yun was the best dance of my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s all for you, it’s all worth it.

“I’m not perfect, yun naman ang palagi kong sinasabi sa ‘yo.

“I’m not perfect, but I will do my best to be the best for you.

“I know you’re gonna be a good mother. And with that litte Prattys, I can’t wait to reach that moment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN