Marian Rivera shares stories about her "ride-all-you-can" bridal shower in Hong Kong Disneyland

Ayon sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, wala silang problema ni Dingdong Dantes sa preparasyong ginagawa nila para sa kanilang nalalapit na kasal. Sa ngayon, dumadami pa raw nang dumadami ang listahan ng kanilang magiging ninong at ninang.


Masayang nagbahagi ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng mga detalye sa ginagawa nilang paghahanda ni Dingdong Dantes sa kanilang kasal sa December 30, 2014.

Nagkaroon na ng dalawang bridal showers si Marian, at si Dingdong naman ay nagdaos na rin ng unang stag party nito sa Germany.

Ang unang bridal shower ni Marian ay naganap sa Hong Kong last week.

Bakit nga ba dun ginawa ang unang bridal shower niya?

Tugon ni Marian, “Nakakatawa, hindi ko naman kasi alam na… gusto ko talaga sa Disneyland.

“Actually, natatawa ako sa konsepto.

"Tini-text ako ng mga kaibigan ko, saan ba kayo nakakita ng bridal shower na kasama si Nanay [Francisca Rivera] at saka si Mama [Amy Rivera].

“Kasi, ‘di ba, ang mga bridal shower, pang-mga friends?

"Pero sabi ko nga, ’andiyan sina Mama at saka si Nanay, kasi mahalaga sila sa akin at wala akong inilihim sa kanila.

"So, ang saya na kasama ko yung mga kaibigan ko, at saka si Mama at saka si Nanay, at wala kaming ginawa kundi mag-rides.

“Lahat ng rides, pinuntahan at sinakyan—naka-belo!”

Dagdag pa niya, “Actually, mga friends ko, alam kasi nila isip-bata ako, mahilig ako sa rides.

"Pinapatos ko nga Star City, ano, Enchanted Kingdom... lahat ‘yan!

"Mahilig talaga ako sa rides.

"So, sabi nila, ’Mag-Hong Kong na lang tayo.’

"Para at least, yung first bridal shower ko, gustung-gusto ko talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa presscon nito kahapon, September 28, kaugnay ng Kapuso Adopt-A-Bangka Project, sa Lewis Grand Hotel, Clark, Pampanga.



BASTA HEALTHY. Dagdag pa ni Marian tungkol sa Hong Kong bridal shower niya, “’Tapos nung night na yun, nag-dinner kami, nagkaroon sila ng program para sa akin.

"May mga games... alam niyo na, yung mga games ng bridal shower.

"Naiiyak ako kasi bawat isa, may message sa akin, may gift sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakatuwa, lahat sila may wish para sa akin.

"Ang lola ko, consistent, kambal na apo ang gusto niya sa akin.

“Ako naman, wala akong hinihiling—babae o lalaki, basta healthy.

"At ibigay sa akin ni Lord, yun ang mahalaga."

May mga nakuha ba siyang regalo na funny or kinky?

Natatawang sagot ni Marian “Madami!

"Noong unang bridal shower ko, ’andaming nagbigay sa akin, at tawa ako nang tawa.

"Yung mga iniisip niyo, yun na yun!"

Naganap naman ang pangalawang bridal shower ni Marian noong Sabado, September 27.

Lahat ng endorsements ni Marian ay nagbigay rin ng kanilang mga regalo, kabilang na ang bakasyon sa mga lugar na posible nilang puntahan ni Dingdong para sa kanilang honeymoon.

Aniya, “ Actually, yung kahapon, yung second bridal shower ko, nakakatuwa yung experience ko dun.

"Maraming gifts, merong two nights sa El Nido [Palawan].

"Yung friend ko, gusto sa Africa kami, safari..."

Pero wala pa raw talaga silang konkretong plano ni Dingdong kung saan sila magha-honeymoon.

Kailan naman kaya nila idadaos ang kanyang despedida de soltera?

Humahalakhak na sagot ng bride-to-be, “Meron yun, huwag kayo mag-aalala, invited kayo dun!

“Iibahin ko, lahat ng bakla at babae, lahat nandun!

"Iibahin ko, dahil gusto ko lang i-enjoy, lahat puwede sumama."

SMOOTH PLANNING. Sabi pa ni Marian, wala silang problema ni Dingdong sa ginagawa nilang paghahanda sa kanilang kasal.

“Nakakatawa kasi maraming nagtatanong, ‘Hindi ba kayo nag-aaway ni Dingdong?’

“Sabi ko, ‘Bakit naman kami mag-aaway?’

“’A, kasi ang friends ko na mag-aasawa, hindi sila nagkakasundo sa ganito.’

“’A, hindi...’

"In fairness sa amin, wala pa kaming pinagtalunan.

"Lahat ng isipin, nagsa-swak kami, all set na kami.

"Bukas [Monday, September 29], meron kaming food tasting.

"Kasi nag-adjust kami, kasi umalis si Dingdong."

Ang kanila naman daw wedding entourage ay non-showbiz karamihan.

Sabi ni Marian, “Actually, yung kasama ko sa entourage, mga lima lang yung artista, lahat non-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ay college friends ko, pinsan ko, kapatid ni Dong..."

Tungkol naman sa mga ninong at ninang, sabi ni Marian, “Naglabas na kami ng first batch, e.

"Yung second batch lang yung pupuntahan namin.

"Si Ate Vi [Governor Vilma Santos]... kasi si Ate Vi, hindi siya nakapunta kasi meron ’ata siyang ginawa nung pa-lunch namin, so pupuntahan namin.

“Usapan namin, sampu-sampu lang, kaso dumami nang dumami.

"As of now, nasa twenty, twenty-two... may butal.

"Kasi nakakatuwa na merong nagsasabing, ‘Uy, kunin mo naman kami diyan, ninong, ninang.’

"Ang sama naman kung sabihin naming ayaw po namin.

“So, padami nang padami.

"Nakakatuwa lang na sila mismo ang nag-volunteer.

“Kasi ang ninong-ninang, hindi lang naman basta-basta ‘yan, e, kailangan talaga sila ang magga-guide sa amin.”

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera reveal first batch of their principal sponsors

FLOWER GIRL. Ikinatuwa naman ni Marian na nag-volunteer si Ryzza Mae Dizon para maging isa sa flower girls niya sa kasal.

Kuwento ni Marian, “Nag-volunteer siya.

"Sabi niya kasi noong nasa shooting ako, sabi ko, ‘A, uwi na ako.’

"Sabi niya, ‘Bakit uwi ka na, Ate?’

“Sabi ko, ‘Naku, marami akong aasikasuhin, mag-aasawa na ako.’

“Sabi niya, “Ate, kailangang flower girl ako.’

“Sabi ko, ‘O, gusto mo ba?’

“Sagot niya, ‘Opo, Ate.’

“Sabi ko, ‘O, sige, flower girl ka.’

“Gusto daw niya, isa siya.

Dagdag pa ni Marian, “Actually, ang ilan sa mga flower girls ko, mga inaanak ko, anak ni Katrina Halili, anak ni Benjie Paras.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN