Ben Chan apologizes to Coco Martin for controversial act in The Naked Truth

"Coco Martin was asked to portray a character in a circus scene of our theatre show, and only played the role given him. This is to apologise to Coco Martin for involving him in the controversial scene," says Ben Chan in an official statement posted on a clothing brand’s Instagram account.


Humingi ng paumanhin kay Coco Martin ang mismong may-ari ng Bench clothing brand na si Ben Chan.

Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng aktor sa kontrobersiyang may kinalaman sa naganap na The Naked Truth, Bench underwear and denim fashion show noong September 20.

Matatandaang nakatanggap ng pambabatikos ang ginawa ni Coco na paghawak ng lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model sa naturang event.

Read: Bench apologizes to "offensive" portrayal of women in The Naked Truth

Base sa Instagram account ng naturang clothing brand, nilinaw ni Ben na ginampanan lang ni Coco ang ipinagawa sa kanyang theater act ng mga bumubuo ng fashion show.

Humingi rin ng dispensa si Ben para sa mga naeskandalo sa tema ng event.

Partikular dito ang grupo ng Gabriela na inalmahan ang mga elemento ng fashion show na nakakapagpababa ng dignidad ng kababaihan.

Narito ang kabuuan ng opisyal na pahayag ni Ben:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN