Chynna Ortaleza on finding true love: “Baka natatrapik lang.”

Chynna Ortaleza on John Prats’s grand proposal to Isabel Oli: “Naisip namin bigla, totoo naman pala yung sinasabi nila about love, na one of these days you’re going to find a person. It makes me hopeful na maybe one day I’ll find somebody, baka natatrapik lang."


Humanga si Chynna Ortaleza sa ginawang weedding proposal ni John Prats sa girlfriend nitong si Isabel Oli noong September 24 sa Eastwood Citywalk.

Read: John Prats organizes a flash mob to propose to girlfriend Isabel Oli

Ayon kay Chynna, isa sa mga malapit na kaibigan ni Isabel sa showbiz, nasabihan na siya tungkol sa proposal na gagawin ni John dalawang linggo bago pa ito naganap.

Nagpapasalamat ang Kapuso actress na wala siya sa bansa nitong mga nakaraang linggo kaya hindi siya nahirapang itago ang sikreto sa kanyang kaibigan.

“According to John, matagal na niyang plinano, months, to put it together.

“Kami, we were told mga two weeks before the proposal.

“I didn’t talk to her [Isabel] the whole time.

"I was so lucky I was in Japan, so I didn’t talk to her," kuwento ni Chynna nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa ginanap na pocket press conference para sa finale ng Dading.

Pagkatapos, natawa siya nang maalala ang hitsura ni Isabel nang mag-propose na sa kanya ni John.

Kuwento ni Chynna, “Sobrang nakakatawa siya, kasi sobrang clueless siya, as in hindi niya talaga alam.

"She thought it was an event.

“’Tapos nakita niya si Sam [Milby], best friend ni John, nagpi-piano. Hindi niya na-absorb.

“Parang si Liv [Isabel], ikinukuwento niya sa amin, tinatawag pa niya si Sam.

"’Tapos nakita niya na may nagpi-picture kay Sam kaya medyo [nahiya] raw siya kasi may event.

“Nagulat na lang daw siya na may humahatak na sa kanya, may flash mob na.

“’Tapos, ayaw niyang umakyat sa podium kahit anong pilit ng family ni John.

"Natatakot siya kasi parang feeling niya, ’Ano ang nangyayari?’"

Kasama raw ni Chynna ang iba pang kaibigan nila ni Isabel na sina Ryza Cenon, LJ Reyes, at Glaiza de Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay raw ang pangyayari kung gaano kahalaga si Isabel kay John.

Sabi ni Chynna, “Hanga ako kay John kasi, ever since, kahit bago pa lang sila, he made it a point to really meet the people who are very important to Liv.”

Noon pa man, sabi ng Dading actress, nakita na niya na magtatagal ang pagsasama nina Isabel at John.

“There was a time when we had dinner, pati kaibigan ni Liv, inaalagaan ni John.

“Sabi ko nga kay Liv, ’I feel like bagay na bagay kayo.’

“’Di ba, may time na nalulungkot siya dahil sa daddy niya and parang nagle-lay low ang career niya?

“Sabi ko sa kanya, ’May reason ’yan.’

"Kasi ako, nararamdaman ko na parang ito na ’yon."

I CHOOSE TO BE SINGLE.” Dahil sa kanyang kuwento, hindi naiwasan ng reporters na tanungin kung nakakaramdam ng inggit si Chynna.

Halos isang dekada ang itinagal ng relasyon nila ng dating boyfriend na si Railey Valeroso, na inakala ng ilan na mauuwi sa kasalan. Pero nauwi rin pala ito sa hiwalayan.

Sa halip na inggit, natuwa raw si Chynna para sa kaibigang si Isabel.

Aniya, “Ang na-feel ko noon, at ng iba pa naming friends, parang noong nag-a-unfold na, yung feeling namin, sobrang saya.

“At the same time, na-touch kami nang slight, lalo na nung nag-fireworks na.”

Nanumbalik din daw ang paniniwala niya sa pagkakaroon ng totoong pag-ibig.

Sabi ng 31-year-old actress, “Naisip namin bigla, totoo naman pala yung sinasabi nila about love, na one of these days, you’re going to find a person.

“It makes me hopeful na maybe one day, I’ll find somebody, baka natatrapik lang.”

Sa kanyang pagiging single sa halos dalawang taon, ayon kay Chynna, mas napagtuunan niya ng pansin ang pagmamahal ng iba pang taong nakapaligid sa kanya.

“When I ended that relationship, akala ko end na rin or shattered na yung konsepto ko ng pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero all of a sudden, nagulat na lang ako na hindi ko lang pala naa-acknowledge yung ibang forms of love.

“Naka-focus lang pala ako roon sa romantic love.

"Hindi ko na nakita na may pag-ibig mula sa kaibigan.

“Yung family ko nandiyan naman, pero iba yung nakita kong support nila sa akin when I ended my relationship.

"At saka may bagong friends na dumarating."

Watch: Chynna Ortaleza gets emotional on how she coped with breakup with longtime boyfriend

Hanggang ngayon, pipiliin pa rin daw niyang maging single muna.

“I choose to be single.

“Yung friends ko, tinatanong nila ako, ’Ayaw mo ba mag-date?’

“Sa akin kasi, happpy ako na single.

“Ang tagal kong hindi naging single. Ngayon ko lang nae-enjoy ang pagiging single,” pahayag ni Chynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN