Coco Martin greatly affected by The Naked Truth controversy

Coco Martin’s talent manager, Biboy Arboleda, admits the actor’s career is affected by controversy brought upon by his appearance in The Naked Truth. He says, "Kumuha po kami ng tulong kay Atty. Lorna Kapuna and her associates kasi po nate-threaten na ang hanapbuhay ni Coco Martin."


“Malungkot siya. He’s down. Isa ito sa mga pinakamalaking dagok sa buhay niya.”

Ganito inilarawan ni Biboy Arboleda ang nararamdaman ng alaga niyang aktor na si Coco Martin, na kasalukuyang nasasangkot sa kontrobersiya kaugnay ng nakaraang Bench denim and underwear fashion show na The Naked Truth.

Dagdag pa niya, “Kahapon nag-usap kami, wala na siyang lakas, para na siyang gulay na nanlulumo.

“Malungkot ang anak ko kasi hindi niya inaasahan na darating ito at mangyayari ito nang malaki.”

Nagpatawag ng press conference ang kampo ni Coco kaninang umaga, September 30, upang humingi ng paumanhin kaugnay ng pagganap ng aktor bilang isang circus master sa “The Animal Within Me” segment ng nasabing biennial fashion show.

Umani ng batikos ang naturang segment dahil rumampa si Coco na may hawak na lubid, na nakatali sa isang babaeng umaarte bilang isang “circus pet.”

Bukod kay Biboy, humarap din sa press conference ang legal counsel ni Coco na si Atty. Lorna Kapunan at dalawa nitong associates.

Hindi nakadalo ang Ikaw Lamang actor dahil sa may mga nauna raw itong commitments.

Gayunman, ipinaabot ni Coco ang kanyang paumanhin sa publiko sa pamamagitan ng isang statement na binasa ni Atty. Kapunan.

Read full statement here: Coco Martin apologizes for offensive circus act in The Naked Truth



CAREER THREATENED. Sa nasabing press conference, nabanggit ni Biboy na kaya sila humingi ng tulong kay Atty. Kapunan para sa isyung ito dahil naaapektuhan na ang career ni Coco.

Saad ng talent manager, “Si Coco, ako ang itinuturing niyang business manager at nanay. Ergo, ang career ni Coco ay ang kanyang hanapbuhay.

“Wala naman siyang ibang hanapbuhay kundi ito. Ako meron.

“Pero dahil itinuring itong isang hanapbuhay ng alaga ko, ako na rin.

“Kumuha po kami ng tulong kay Atty. Lorna Kapuna and her associates kasi po nate-threaten na ang hanapbuhay ni Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na po ida-divulge today kung anu-ano ang mga ’yon.

“If it gets worse in the next few days, siguro I will see you with Atty. Lorna and her associates.”

Sa kabila nito, wala naman daw balak ang kampo ni Coco na maghain ng legal complaint kaugnay ng isyu.

Paglilinaw ni Biboy, “I am not in the mood to fight back kasi ayaw ko. Maingat ako.

“Gusto ko in peace ang strides namin, ang steps namin.”



TALK WITH WOMEN’S GROUPS. Nang makausap daw ni Atty. Kapunan si Coco, inamin ng aktor na hindi siya kumportable sa ipinagawa sa kanya sa fashion show.

Kuwento ni Atty. Kapunan, “Nang tinanong namin si Coco kung alam niyang mali ang ginawa niya, ang sabi niya, ’Alam ko po na mali. Hindi ko po ma-express ang sarili ko’ dahil na-insecure siya dahil lahat sila foreigners.

“At saka baka sabihin daw sa kanya na masyado siyang nagpapaimportante kaya siya tumahimik.

“That was the first time he was told about his role.

“He noticed that the leash on the woman was very short.

"Sa tumbling-tumbling na woman, ang concern niya is baka masaktan yung woman.

“But in his mind, because he was given the role of a ring master, he was told that all of these people are actors.

“As a matter of fact, the lady portrayed the role of a cat.

“Alalahanin na natin na this is a foreign choreographer.

“Incidentally, yung foreign choreographer is clueless to foreign culture.”

Bagamat humingi na ng paumanhin, hindi naman daw ibig sabihin nito ay basta na lamang makakalusot ang Bench sa pagkakamaling ginawa.

Ayon kay Atty. Kapunan, “This is not by way of removing liability from either Bench or from the actors.

“Incidentally, si Bench nag-a-apologize kay Coco.

“Nobody seems to have apologized to that woman who was on leash. Nakalimutan natin na yung babaeng ’yan ang talagang victim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That emphasizes that she herself, the woman who portrayed the role, is a contortionist and really played the role.

“Kasi kung babae ka, at na-feel mo na na-violate ka, ikaw dapat ang unang mag-complain.

“The fact that the woman did not complain is a strong evidence that it was a role she was playing, it was a role Coco was made to play.”

Sa kabila nito, ikinatuwa naman ng kampo ni Coco ang ginawang paghingi ng paumanhin ng Bench.

Sabi pa ni Atty. Kapunan, “I think na napaka-fortunate din ito sa Bench.

"Kung nangyari ito sa isang kumpanya na walang dignidad at komersiyo lang ang gusto, siguro kumuha na sila ng abugado at na-defend na sila.

“That Mr. Ben Chan has apologized, I think it’s a step forward.”

Sa parte naman nila, handa raw ang aktor na makipag-usap sa mga umalmang grupo, partikular na ang women’s group na Gabriela at ang Philippine Commission on Women.

Paniniguro pa ni Atty. Kapunan, “Ma-clear lang ang schedule niya at ina-arrange na namin ang meetings with this group.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN