Coco Martin apologizes for offensive circus act in The Naked Truth

“During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner. Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate his thought because of the language barrier," says Coco Martin’s legal counsel Atty. Lorna Kapunan in a presscon held earlier today, September 30.


Pormal na humingi ng dispensa si Coco Martin sa publiko, partikular na sa mga nagpahayag ng disgusto sa kontrobersiyal na circus act ng aktor sa ginanap The Naked Truth fashion show ng Bench, noong September 20.

Dahil sa insidente ay nagpatawag ng presscon ang kampo ni Coco, na pinangunahan ng kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan at manager na si Biboy Arboleda, ngayong araw, September 30.

Ayon kay Atty. Kapunan, walang intensiyon si Coco na makaagrabyado o makainsulto nang pumayag siyang rumampa sa fashion show, habang may hawak na lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model.

Ang totoo ay hindi raw kumportable si Coco sa konsepto nang ginawa niyang circus act nang dumalo ang aktor sa rehearsal ng The Naked Truth, isang araw bago ginanap ang event.

Ngunit hindi na umano nagkaroon ng pagkakataon si Coco na ipahayag ang kanyang saloobin, lalo pa’t halos panay foreigners ang namahala sa produksiyon ng naturang fashion show.

Bukod dito, bilang celebrity endorser ng Bench ay sumunod lang din umano ang Kapamilya actor sa kaukulang tema ng show.

Paliwanag ni Atty. Kapunan sa isang bahagi ng opisyal na pahayag ng kampo ni Coco tungkol sa insidente: “During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner.

“Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate his thought because of the language barrier.

“Mr. Martin kept mum on his opinion on the matter because it was impressed upon him that the whole show was already finalized and he felt insignificant as to cause a scene and demand an overhaul of the entire segment.”

Hindi raw akalain ni Coco na ang pagganap niya bilang circus master ng isang professional female model, na gumanap naman bilang isang pusa, ay mauuwi sa isang matinding kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinalungkot ng aktor ang pagkakasangkot niya sa insidente, na ayon sa grupong Gabriela ay nagpamalas ng mga elementong nakakababa ng dignidad ng mga kababaihan.

Ayon pa kay Atty. Kapunan, malayo sa personalidad ni Coco ang makasakit ng damdamin ng babae, lalo pa’t kilalang likas na malapit at mapagmahal sa lola at mga kapatid na babae ang aktor.

Aniya, “Mr. Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that this incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals.

“Let it be clarified, however, that Mr. Martin did not have the slightest intention on his mind to insult women by this single unfortunate act.

“Mr. Martin has high regard for women just as he respects and loves his mother, his grandmother, and his three sisters.”

Inihayag din ng abugada na dismayado si Coco sa pamunuan ng Bench, dahil hindi umano agad naipalam sa aktor ang tungkol sa isinagawang protesta ng ilang grupo laban sa ginawa niya sa fashion show.

Matatandaang humingi ng paumanhin at nag-isyu ng opisyal na pahayag ang naturang clothing brand, noong September 23.

Read: Bench apologizes for offensive portrayal of women in The Naked Truth

Sumunod namang naglabas ng opisyal na pahayag ang mismong may-ari ng Bench na si Ben Chan kahapon, September 29.

Dito ay humingi ng dispensa si Mr. Chan kay Coco dahil sa pagkakadawit ng aktor sa kontrobersiya.

Read: Ben Chan apologizes to Coco Martin for controversial act in The Naked Truth

Bagamat hindi nakadalo si Coco sa presscon ngayong araw, kinumpirma ng kanyang manager na si Biboy na hanggang ngayon ay malungkot ang aktor sa nangyaring insidente.

Kaya naman bukod sa paglabas ng official statement, plano rin ng kampo ni Coco na kausapin nang personal ang grupo ng Gabriela at Philippine Women Commission para linisin ang pangalan ng aktor sa kontrobersiya tungkol sa The Naked Truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Biboy, dahil sa kinasangkutang eskandalo ni Coco ay apektado ang tatlong proyekto ng aktor.

Sa huli, iginiit ng kampo ni Coco na mas magiging maingat at mapanuri na ang aktor pagdating sa mga susunod nitong gagampanang papel, upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente.

COCO’S FULL STATEMENT. Narito ang kabuuan ng opisyal na pahayag ng kampo ni Coco hinggil sa isyu:

“Mr. Coco Martin ("Mr. Martin) was one of the models in the Naked Truth Fashion Show sponsored by Bench on September 20, 2014.

“The show was initially slated for September 19, 2014 but due to a storm, the event was re-scheduled the next day.

“During the segment entitled ’The Animal Within Me,’ Mr. Martin appeared on stage and walked with a woman on a leash.

“Bench clarified that the woman was actually a member of a Canadian Circus Troupe who played the role of a cat while Mr. Martin portrayed the role of a Circus Master.

“This scene was found offensive, particularly to women.

“Mr. Martin sincerely expresses his apology and requests the public for understanding.

“Mr. Martin equally feels bad about the incident and saddened at the thought that he unwittingly offended the public.

“While offering no excuse and admits that a mistake has been made, Mr. Martin wants to set the record straight about the incident.

“Mr. Martin has an existing contract with Bench to model its apparels and this same contract obliges him to appear in fashion shows for Bench.

“Nevertheless, Mr. Martin, nor his manager or staff, was not involved in the conceptualization of the production of the Naked Truth Show nor the segment entitled ‘The Animal Within Me.’

“He only appeared once for a rehearsal which was a day prior to the show and it was only then that the role, as a ring master, was given to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner.

“Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate his thought because of the language barrier.

“Mr. Martin kept mum on his opinion on the matter because it was impressed upon him that the whole show was already finalized and he felt insignificant as to cause a scene and demand an overhaul of the entire segment.

“Mr. Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that this incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals.

“Let it be clarified, however, that Mr. Martin did not have the slightest intention on his mind to insult women by this single unfortunate act.

“Mr. Martin has high regard for women just as he respects and loves his mother, his grandmother, and his three sisters.

“Mr. Martin humbly asks for the public’s understanding and assures the public that he will no longer allow himself to be obliged to participate in a similar insensitive portrayal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN