Regine Velasquez touched to be asked as godparent at Dingdong-Marian wedding

Regine Velasquez began her journey to fame as a singing contest champion. Now that she’s hosting a TV reality singing competition, she looks back and observes it was harder then. “It’s easier to be discovered now kasi may social media... wala pa namang YouTube noon, so hindi ka talaga madi-discover."


Si Regine Velasquez at ang mister niyang si Ogie Alcasid ay kabilang sa principal sponsors sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.

Bago sila lumipad noon papuntang Australia, um-attend muna sina Regine at Ogie sa ipinatawag na intimate lunch nina Dingdong at Marian kasama ang iba pang mga kinuha nilang ninong at ninang.’’

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera reveal first batch of their principal sponsors

Kuwento ni Regine, “Kasi matagal na kaming gustong kausapin ni Marian at ni Dingdong.

"Palagi nang nagpapahaging si Dong na, ’O, Ate Reg, dinner tayo.’

"I kinda know already that they’ll gonna ask us.

"So when they texted na magpapadala ng invitation… parang may invitation that ’we will be one…’

"They are so busy that’s why we had that lunch.

"Just to ask the ninong and the ninang formally… parang ipaalam lang na ninong po kayo, ninang, parang finormalize lang nila.

“Of course, we’re very touched that we were considered.

"They are very close to us, sa aming mag-asawa, kasi nakasama namin silang mag-tour twice."

Bukod pa rito, nakita raw nilang mag-asawa ang naging “journey” ni Dingdong sa industriya.

“Oh, my god, we saw him grow up. Me and Ogie, we saw him grow up.

"Nakita ko nang lumaki talaga ‘yan.

"So, talagang very close kaming mag-asawa, kami ni Ogie... very close kami kay Dingdong.”

Pangalawang inaanak na raw niya sa kasal sina Marian at Dingdong.

“Sina Kyla at Rich Alvarez yung first na hindi ko na-attend-an kasi I was pregnant or I just gave birth, something like that.”

Bukod sa kanilang mag-asawa, kinuha rin daw nina Dingdong at Marian ang anak nilang si Nate na maging parte ng kasal nila.

Masayang kuwento ni Regine, “Kinuha rin siya, meron din siyang role.

"Kasi tuwang-tuwa sila kay Nate, baka Bible bearer... hindi ko alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng bagong talent search ng GMA, ang Bet Ng Bayan, kahapon, September 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN