Benefit concert for Tia Pusit will push through even after her death

Magaganap sa Linggo, October 5, sa Zirkoh Morato ang concert for a cause na dadaluhan ng mga artista na nagmamalasakit sa namayapang komedyante na si Tia Pusit.


Tuloy ang benefit concert para kay Tia Pusit, kahit pumanaw na siya kagabi, October 2, sa edad na 66, dahil sa mga kumplikasyon na resulta ng kanyang kidney illness at aortic aneurysm.

Read: Veteran comedienne Tia Pusit dies at 66

Magaganap sa Linggo, October 5, sa Zirkoh Morato ang concert for a cause na dadaluhan ng mga artista na nagmamalasakit sa namayapang komedyante.

Nagkaroon ng isyu ang benefit concert noong huling linggo ng September dahil sa reaksiyon ng anak ni Tia Pusit na si Christian Uybengkee.

Ito ay pagkatapos niyang mabasa ang post ni Sherilyn Reyes, na nag-aanyaya sa mga kapwa artista na makilahok sa event na gaganapin sa Zirkoh:

“Coupled with prayers, tara let’s help Tia Pusit! See you guys on October 5. Lahat nagkakaisa para sa mahal nating si Tya Pusit!”

Marami ang na-offend sa reaksiyon ni Christian na “We are not informed nor aware about this benefit concert for our mother. I’m pretty sure, they will use my nanay situation to collect funds and pocket it from their own benefit.” (sic)

Binawi ni Christian ang kanyang maaanghang na pahayag at humingi siya ng paumanhin kay Sherilyn nang makausap niya ang organizers ng benefit concert, at malaman ang magandang intensiyon ng grupo na makatulong sa medical expenses ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

Nabuo ang plano na benefit concert para kay Tia Pusit noong naka-confine pa siya sa Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine Heart Center dahil sa double bypass heart surgery.

Lumala ang kalagayan ni Tia Pusit matapos ang operasyon dahil nagkaroon siya ng “two episodes ng stroke, blood clots with little brain activity, at failing kidney,” ayon sa text message na natanggap ng PEP mula sa kanyang pamilya.

Myrna Villanueva ang tunay na pangalan ni Tia Pusit at younger sister siya ng veteran actress na si Nova Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naulila ni Tia Pusit ang kanyang apat na anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN