Gabriela softens towards Coco Martin; says they’re open to dialogue

Gabriela has accepted Coco Martin’s apology and hopes the actor will actively support their advocacy to stop the commodification of women in advertising and merchandising.


Lumikha ng kontrobersiya ang pagrampa ni Coco Martin sa nakaraang The Naked Truth, Bench denim and underwear fashion show, kung saan may hawak-hawak siyang nakataling babae na ang konsepto ay alagang hayop niya ang foreign female model.

Ayon sa grupong Gabriela, isang organisasyon na ang ipinaglalaban ay mga karapatan ng mga kababaihan sa lipunan, isa itong pagyurak sa dignidad ng mga kakabaihan para lang kumita ng pera.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Congresswoman Emy de Jesus, Gabriela Partylist representative, sinabi nitong malaking bagay para sa kanila ang paghingi ng paumanhin ng aktor at bukas sila sa pakikipagdayalogo.

Read: Coco Martin apologizes for offensive circus act in The Naked Truth

Saad ng Gabriela representative, “Isang positibong hakbang ‘yang paghingi niya ng apology at siyempre tatanggapin namin yun.

"Walang dahilan para ’di namin tanggapin.

"Ang challenge siguro dito kay Coco, beyond that apology, ito na ang mga susunod na pagpapakita niya ng paninindigan kaugnay ng mataas na pagtingin sa mga kababaihan.

“In fact, natutuwa ako bukas siya na magkaroon din ng dayalogo.

"Tingin namin, baka nga ang challenge ay ipakita kung paano siya magiging advocate ng issue ng mga kababaihan.

"Yung nangyari sa fashion show na yun, ang tinitingnan namin na may malaking pananagutan dun ay yung producers.

"Kasi, kahit anong negosyante o negosyo para lamang kumita, gagawa ng kung anu-anong gimik na wala nang discernment.

"Wala na bang pagbabalanse kung ano ang tama at mali.

"Kaya ang tingin talaga dun sa very specific na segment na yun.

"Kahit saan mong tingnan, napaka-degrading sa kababaihan.

"Tingin namin, isang magandang hakbang ang ginawang ito ni Coco.

"Isang positibong hakbang na tinatanggap namin.

"Sana beyond that apology, bukas siya na gumawa pa ng mas abanteng hakbang… para sa pagpapataas ng pagtingin sa mga kababaihan."

DOUBLE INSULT. Kasabay ng The Naked Truth ay ang paglabas din ng isang shirt sa mall na may logo naman tungkol sa rape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rep. De Jesus, “Kasi kasabay ’yan ng isang mali na nagpakita rin ng t-shirt na may nakalagay, ’It’s not rape, it’s a snuggle with a struggle.’

"Magkasabay ’yan, kaya nasabi ko itong mga negosyante, walang judgment kung ano ang tama at mali.

"Tingin namin, itong mga merchandisers, producers, para lamang kumita, talagang gagawin ang lahat.

"Kahit na makatapak sa dignidad ng mga kababaihan.

"Kaya maganda rin na magiging hakbang para kay Coco yung 360-degree challenge na maging advocate siya nito.”

ACCOUNTABILITY. Ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda ay nagsabing sobrang apektado si Coco nangyari.

Bukod sa sobrang nalulungkot ang aktor ay tatlong proyekto raw nito ang naapektuhan dahil sa isyu na ito.

Read: Coco Martin greatly affected by The Naked Truth controversy

Para naman sa kongresista, hindi tama na si Coco ang magdusa at sisihin sa nangyari kundi ang producers ng Bench fashion show.

Pahayag ni Rep. De Jesus, “Palagay ko, unfair naman yun na ang bulto ay na kay Coco.

"Puwedeng sabihin na nakagawa siya ng sin of omission dahil ’di siya nakapagsabi na may pakiramdam na siya.

"’Di pa siya nakapagsabi na ’di niya ito nagawa. Kaya humihingi siya ngayon ng dispensa.

"Pero para i-blame siya at siya ay maapektuhan…

"Yung producer talaga ang may problema dun, yung nag-conceptualize ng ganun.”

BENCH APOLOGIZES. Naglabas na rin ang Bench ng statement kung saan humingi sila ng dispensa sa mga taong na-offend sa nakaraan nilang event.

Naglabas din si Mr. Ben Chan, may-ari ng Bench, ng opisyal na pahayag kung saan humingi siya ng dispensa kay Coco sa pagkakadawit nito sa isyu.

Ayon kay Rep. De Jesus, maging panawagan sana ito sa clothing brand na huwag gamitin ang mga kababaihan para lamang ibenta ang produkto nila.

“Actually, ang gusto naming marinig, lalo na sa Bench… kasi ‘yang Naked Truth, parang marketing gimmick nila every other year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami, bilang kongresista, nag-file ang Gabriela Women’s Party ng resolusyon sa Kongreso kung paano ba ipapatupad ang Magna Carta of Women.

"Kung saan sa lahat ng larangan, sa media, ipapanawagan namin sa mga concerned agencies sa gobyerno, sa mga institution… na kalampaging magkaroon ng rules na mabantayan itong mga negosyante.

"Na hindi talaga gagamitin ang mga kababaihan sa very degrading situation para lamang makabenta.

“Sana mag-review ang Bench dun sa kanilang marketing policies, kasi hindi lang naman yung show na yun, kahit yung mga billboards.

"I remember may mga billboards sila na… hindi naman kami fraud, di naman kami mga OA.

"Kasi may tinatawag tayong subliminal, ’yan ang mas nakakatakot, kasi ’di direct.

"Ngayon, kung ang ipinapakita mo ay mga babae at lalaking hubad, ang tao nare-reduce bilang sex object.

"Pangalawa, yung commodification, yung babae nagiging bahagi ng merchandise.

"Tagapaglako ng paninda na ang bottomline ay corporate greed na naman yan."

Sa huli ay nagbigay rin ng mensahe ang kongresista kay Coco.

"Kay Coco, natutuwa kami na gumawa ka ng paghingi ng apology.

"Binubuksan namin ang pintuan para magkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-usap.

"At makasama ka dun sa adbokasiya namin na pagpapataas ng dignidad ng mga kababaihan sa ating lipunan.

"Siguro kung yung ang paliwanag nga niya na na-intimidate nga siya, ’di siya makapag-decide...

"Ang maganda kasi diyan kay Coco, ipakita niya sa mga susunod na wala siyang tatanggapin na degrading nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN