Suspect in Cherry Pie Picache’s mom’s murder arrested in Laguna

"In behalf of my family, ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng tulong ninyo!!! For all those who retweeted, reposted, the diff News show, Kuya Boy, Kris.. Sta. Rosa authorities. Sayo na naglakas loob to report, we will thank you personally soon. Pls continue to pray for us,” Cherry Pie Picache posted on her Instagram account hours after suspect in her mom’s murder was arrested.


Arestado na ang suspek sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, natagpuan ang 29-year-old suspect na si Michael Flores matapos makakuha ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen.

Ayon kay Supt. Pergentino Noble Malabed Jr. ng Sta. Rosa Police, natagpuan ng awtoridad si Flores habang naninigarilyo sa Garden Villas 3 Subdivision, sa Barangay Malusak, Sta. Rosa City, Laguna, kagabi, October 7.

Samantala, sa panayam ng ilang reporters kay Flores, inamin niyang kasama siya sa mga nanloob sa bahay ng biktima noong gabi ng September 19.

Subalit itinanggi niyang siya ang pumatay sa ina ni Cherry Pie.

Read: Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Giit ni Flores, siya lamang daw ang tumulong sa mga kasamahan na pumasok sa bahay ni Zenaida, 75, dahil minsan na siyang nagtrabaho rito.

Sinabi rin niyang siya ang nagbigay ng kutsilyo sa isang kasamahan na pinangalanan niyang “Kuya Weng,” na siyang umakyat sa bahay para patayin ang biktima.

Lahad ni Flores, “Nag-antay sila sa gilid ’tapos ako ang nagbukas ng pinto.

“Pinagbuksan ko sila ng gate, ’tapos iyong sa kabilang pinto, ako rin nagbukas.

“Sinira na lang namin ang pinto sa harapan.”

Ayon sa pulisya, nagkakahalaga ng P500,000 ang cash at mga gamit na ninakaw mula sa biktima.

Inamin naman ni Flores na tatlong relo ang naging bahagi niya sa mga ninakaw.

Tumakas daw sila ng mga kasamahan niya lulan ng isang taxi.

Kaugnay nito, humingi ng tawad si Flores sa pamilya ni Zenaida, lalo na sa anak nitong si Cherry Pie.

Sabi ni Flores, “’Humihingi po ako ng tawad kay Madam Cherry. Wala na po akong magagawa. Humihingi po ako ng tawad.”



THANK YOU. Sa ulat naman ng GMA News, sinabi ng abugado ng pamilya ng biktima na si Atty. Ferdinand Calunsad, na magsasampa ng kaso sina Cherry Pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, nagpasalamat si Cherry Pie sa lahat ng mga tumulong, gayundin sa mga nag-repost ng kanyang panawagan, para mahuli ang suspek sa pagpatay sa kanyang ina.

Sa kanyang Instagram account (yescppicache), nag-post kanina, October 8, si Cherry Pie ng larawan na may katagang “Praise God.”

Inilagay naman niya sa caption ang sumusunod: “In behalf of my family, ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng tulong ninyo!!! For all those who retweeted, reposted, the diff News show, Kuya Boy, Kris.. Sta. Rosa authorities. Sayo na naglakas loob to report, we will thank you personally soon. Pls continue to pray for us. Our justice has just started. Praying he will be convicted the soonest time. Muli, our gratitude. To God be all the glory. Mama, this is for you ❤️❤️❤️


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN