Billy Crawford considers his arrest an "eye-opener"

Billy Crawford on the lesson learned after his arrest on September 7: "It’s better to be man enough and own kung anuman yung pagkakamali mo. And, you know, ask for forgiveness kung may nasaktan ka man emotionally siguro sa sarili mo. You can’t please everyone around you if you’re not pleased with yourself."


Masaya at parang walang pinagdaanang kontrobersiya si Billy Crawford nang humarap siya sa press conference ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation, na ginanap sa Music Hall, Metrowalk Ortigas, kagabi, October 7.

Isa si Billy sa mga bida sa sequel na ito ng Moron 5 and the Crying Lady, kasama sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Matteo Guidecilli, DJ Durano, at John “Sweet” Lapus. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Bago pa man nagsimula ang presscon proper, ramdam na agad ang pagiging lively ni Billy, kung saan binati niya ang halos lahat ng miyembro ng media at nakipagbiruan pa sa kanila.

Eksklusibo namang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa loob ng dressing room bago pa nagsimula ang presscon proper.

Komo comedy film ang latest movie niya at kalog din siya sa noontime show na It’s Showtime, tinanong namin si Billy kung ikinukunsidera ba niya ang sarili bilang isang comedian.

Sagot niya, “Well, hindi naman sa kalingkingan ni Vhong Navarro at ni Vice Ganda or anything.

“Siguro mahilig lang akong magpatawa o magpangiti ng tao.”

Kung hindi siya palangiti at masayahing tao sa likod at harap ng kamera, kakayanin kaya niya ang mga dumarating na pagsubok sa kanya?

Kagaya na lamang nang makulong siya dahil sa pagwawala niya sa isang presinto sa Taguig noong September 7—eksaktong isang buwan na ang nakalilipas.

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

Tugon ni Billy, “Well, siguro… wala naman ‘yan sa pagiging comedian mo, sa pag-arte. Sa pagkatao mo na lang siguro yun.

“You really can’t control what happens in life...

“So, medyo mahirap kasi na sasabihin nila na, ‘Yung mga komedyante, iba ‘yan pagdating sa normal living, kasi mas serious sila. Mas ganito yung buhay.’

“I think everyone has their own personality naman.

“So, ako, masayahin lang akong tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



EYE-OPENER. Natawa naman si Billy nang tanungin namin kung ano ang natutunan niya sa isyu at kontrobersiyang kinasangkutan.

Saad niya, “A lot. I think it’s an eye-opener regardless para sa akin.

“I want to experience life in a positive way.

“There’s no need for drama, no need for circumstances, and to put myself in a certain position.

“Kasi, ako naman yung nagpahamak sa sarili ko.

“I was the one, you know, who was under the influence, having a party this and that.

“So, parang it’s just an eye-opener lang.

“This is where you can calculate, ‘Saan ba patungo ang buhay ko? Are you actually going to be a better person and learn from your mistakes or you’re going to commit the same mistake over and over again?’

“So, doon mo makikita yung mga tunay mong kaibigan, mga pamilya mo.

“These are the trials God give us every day.”

Alam niya na ba kung saan patutungo ang kanyang buhay ngayon?

Sagot ni Billy, “A, yes, it’s an eye-opener.

“Healthier living surrounded by positive people, instead of na magpapahamak ka sa isang lugar na wala kang kakilala.”

Nasalang man sa pagsubok, marami naman ang humanga kay Billy sa pag-amin niya ng kanyang pagkakamali.

Komento niya tungkol dito, “Well, I think naman sa pag-amin... kasi wala naman akong masamang nagawa.

“Pero I also have my faults and it’s my responsibility din.

“And, I think, kung hindi mo naman aangkinin ang mga mali mo sa buhay mo, there’s no room for improvement, e.

“Wala ka nang pupuntahan. Kasi perpekto ka, e.

“So, lahat tayo nagkakamali, lahat tayo…

"The hardest way to approach a mistake is by facing it and actually moving on and learning on.”

Pahayag pa ni Billy, “Hindi naman ako adik, e. Wala naman akong… I don’t do drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t put my myself in that situation.

“Actually, napalaki lang naman, e, because I’m in the limelight, nasa industry ako.

“Of course, I also should be an inspiration to other people.

“Medyo… kailangan talagang ingatan mo mga galaw mo… ayun, move on din paminsan-minsan.”

Saad pa ni Billy, “Siguro yung natutunan ko, walang bahong hindi naaamoy. Alam mo yun?

“So, it’s better to be man enough and own kung anuman yung pagkakamali mo.

“And, you know, ask for forgiveness kung may nasaktan ka man emotionally siguro sa sarili mo.

“You can’t please everyone around you if you’re not pleased with yourself.

“Yun nga, it’s a lesson learned. Time to grow up.”



THE CASE. Kumusta naman ang reklamong malicious mischief and disobedience to a person in authority na inihain laban sa kanya?

Ayon kay Billy, “The case is still ongoing.

“I have a hearing on November 5, December 1.

“But it’s really a small… super small.”

Wala namang dapat ikabahala ang mga kaibigan at pamilya niya na baka madiin o mapag-initan siya?

“No. As I said, wala naman akong nasaktan na tao physically at wala naman akong nasagasaan na kahit sinong pulis or security or whatsoever.

“I speak to them just like I speak to everyone else. And nirerespeto ko naman sila.”

Diretsahan naming tinanong si Billy kung ano ba ang nagiging karakter niya kapag nakakainom siya.

Ito kasi ang ibinabato sa kanyang isyu na kapag nakakainom ay nag-iiba raw ang kanyang personalidad.

Paglilinaw ng singer-actor, “No, I think, in a certain sense, something triggered.

“May nag-away, may pinanggalingan yun, may nagkakainitan na.

“E, bago pa mag-escalate na masaktan ako, masaktan na ang kasama ko, or makasakit pa ako, I tried to think of what’s the best way to go about it.

"And usually, that’s what we do sa States, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you’re in trouble, you go to the nearest precinct, kung nandoon ka lang naman, you ask for help.

“And the first thing they’ll tell you is to ’calm down, take water, sit down, and [tell] what happened.’

“E, it didn’t go that way, e. So, yun.”

Marami rin ang bumatikos at humusga kay Billy sa insidente.

Reaksiyon niya rito, “Ganun naman talaga ang tao, hindi mo maiiwasang walang humusga.

“We live in this… ang dali-dali kasing makibalita sa TV and naniniwala agad.

“Wala na tayong magagawa doon.”

Pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya.

“Of course, the people who know me best.

“You know, I’ve been in this industry for twenty-nine years.

“Kung mali naman ang ginagawa ko for twenty-nine years, na hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang lugar, sa buong mundo…

“I’m still here, I’m still working, and I’m still doing what I love.

“So, alam kong wala akong nasasagasaan kaya yung mga nakakakilala sa akin, they know me.

“I don’t do drugs, I’m not an alcoholic… hindi ako ganun.

“Hindi naman napakalinis, hindi naman ako anghel.

“So, sa tingin ko, it was just a big misunderstanding. It was read the wrong way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN