Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz stay "happy" amid new controversy

Angelica Panganiban posts happy photo with John Lloyd Cruz on Instagram, hours after a concubinage complaint was filed against the actress and ex-boyfriend Derek Ramsay. In the caption for the said photo, Angelica says: "This is us happy. God be with you."


Nananatiling matatag ang relasyon ng magkasintahang Angelica Panganiban, 27, at John Lloyd Cruz, 31.

Base ito sa ibinahaging Instagram post ni Angelica bandang pasado ala-una ng madaling-araw kanina, October 9.

Dito ay makikitang kasama ni Angelica ang current boyfriend niyang si John Lloyd.

Todo ang ngiti ng magkasintahan, habang ipinapakita ng aktres ang nakaguhit na smiley sa likod ng kaliwang kamay nito.

Kalakip nito ang isang caption na nagsasabing: "This is us happy. God be with you."

Loading

This is us happy. God be with you.

View on Instagram



CONCUBINAGE COMPLAINT AGAINST ANGELICA, DEREK. Bagamat hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan ng aktres, agad namang nagkaroon ng espekulasyon ang followers ni Angelica na may kinalaman ito sa bagong pagsubok na kinahaharap ng aktres ngayon.

Kahapon, October 8, pormal na naghain si Mary Christine Jolly ng reklamong concubinage laban kina Derek at Angelica sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Ito ay matapos mapasakamay ni Mary ang kopya ng April 2013 cover story ng isang entertainment magazine, kung saan kinumpirma ni Angelica na kasal si Derek sa ibang babae.

Nabanggit din umano ni Angelica dito na magkasama silang nanirahan ni Derek sa iisang bahay sa Parañaque, noong panahong magkasintahan pa sila.

Umabot ng halos anim na taon ang relasyon nina Derek at Angelica, hanggang sa maghiwalay sila noong February 2012.

Ayon pa kay Mary, ang deklarasyon ni Angelica sa naturang magazine na tumira ang aktres at si Derek sa iisang bubong ay sapat na katibayan upang sampahan ng reklamong concubinage ang dating magkasintahan.

Si Mary ay ikinasal kay Derek sa isang civil wedding sa Balagtas, Bulacan noong April 3, 2002.

Wala pang isang taon ang kasal nila nang maghiwalay sina Mary at Derek.

Mayroon silang anak na lalaki na ngayon ay 11 taong gulang na.

Kaugnay nito, hiningan ng reaksiyon ang kampo ni Angelica hinggil sa reklamong concubinage na kinasangkutan ng aktres.

Ngunit ayon sa legal counsel ni Angelica na si Atty. Francis Aguilar, hindi muna magbibigay ng komento ang kampo ng aktres, dahil wala pa silang kopya ng reklamo na isinampa ni Mary sa Parañaque Prosecutor’s Office kahapon, October 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

Ganunpaman, ikinatuwa ng mga tagasuporta ni Angelica na tila hindi natinag ang aktres sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Lalo pa’t malinaw na masaya si Angelica sa piling ng current boyfriend na si John Lloyd, base sa Instagram post ng aktres.

Matatandaang October 2012 nang kumpirmahin ni John Lloyd sa isang television interview na magkasintahan na sila ni Angelica, at hanggang ngayon ay going strong pa rin ang relasyon nila.

Sa katunayan, sa presscon ng The Trial noong October 2, inihayag ni John Lloyd na wala silang kaproble-problema ni Angelica.

Ito ay matapos tanungin ang aktor kung may "trial" ba itong pinagdadaanan pagdating sa lovelife.

Agad na sagot ni John Lloyd, "Always happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN